Ilang beses kong kinagat ang labi ko at matamang pinagmasdan ang kamay kong palagi niyang hinahawakan. Hindi ko alam kung totoo na ba ang pinapakita niya o pakulo lang niya. Napanguso ako bago marahang kinagat muli ang ibabang labi at inamoy ang likod ng palad ko. Shit! Ayaw ko na yatang tigilan! "I didn't know you had become crazy." Mabilis akong napaharap sa pinto ng banyo at nahuli itong nangingising nakasandal sa hamba. "Good Morning!" Binigyan ko ito ng ngiti bago pasimpleng binaba pa ang kamay ko. Ngunit hindi naalis doon ang tingin niya. Naglakad pa siya palapit na sinasandal ako sa sink. Mas lalo pa akong nasandal sa sink nang parehas na pumwesto ang mga kamay niya sa sink sa bawat gilid ko. "You know," he stopped and caught my eyes, "I should be the one smelling this hand o

