Ilang beses na sinundan ko ng tingin si Miss Kim at Drake. At talagang hindi humihiwalay sa kanya ang guro. Minsan ko pa silang nalingunan na sabay pumasok sa apartment ng lalaki, at magkatabi pa madalas kapag kaharap ang mga kaibigan ni Drake. Nawala na ata lahat ng bisita ay nandito pa rin si Miss Kim. And I can't deny the fact that I am feeling jealous. Mas lalo na ng matanaw ko silang tatlo ni Mareng na magkakausap habang tumutulong ako sa pagliligpit.
They are all smiling. Pinantayan pa ng tangkad ni Miss Kim si Mareng na malawak ang ngiti. Sa palagay ko ay kinakausap nito ang bata. Si Drake naman ay nakatayo sa harap ng dalawa at nakapamewang pa ang isang kamay habang ang isa ay marahang humahagod sa sariling buhok niya.
Ang sarap batukan!
Hindi ko mapigilang samaan sila ng tingin at magdamdam. Sa palagay ko talaga ay nakibisita lang ako sa birthday ng anak ko. Sa naisip ay marahas kong binaba sa mesa ang mga plato na gumawa ng ingay.
"Chill, Veron. Walang kasalanan ang mga plato," dinig kong bigkas ni West.
I rolled my eyes, and glared a little at the big Peppa Pig stuff toy displayed on the buffet table.
"Hindi naman bawal magselos. Just don't break everything," I heard Callisto's voice beside me.
"I am not jealous," labas sa ilong na bigkas ko, "I am upset. Please lang, kapag umuwi kayo ay pakidala na rin 'yang kaibigan ninyo. Pakisama na rin ang lintang dumidikit sa braso niya."
Tumalikod na ako pagkasabi noon ngunit dinig ko pa ang iilang pagtawa nila.
"That can't be! Drake's life is here! May swimming pa kayo," pahabol pa ni West.
Mariin akong napapikit at naiinis na pumasok na lamang sa loob ng apartment. Dumiretso pa akong kwarto at tumutok sa electricfan. Marahas pa akong napabuntong hininga.
Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinipilit nilang nandito ang pamilya at buhay ni Drake? Talagang taga-rito siya?
At tototohanin niya ang swimming? Saan sa banyo?
Baka naman hindi ako kasama at si Miss Kim ang isasama nila.
That can't be!
Silang dalawa na lang ni Miss Kim! Maiiwan na lang kami ni Mareng!
Balak ko na sanang itapon sa sahig ang nahawakang unan ngunit natigil ang kamay ko sa ere nang bumukas ang pinto at niluwa noon si Drake. Humilig pa sa hamba at pinagkrus ang matitipuno niyang braso.
Patay malisya kong binaba ang hawak na unan bago siya ulit liningon, "Bakit? Umalis na si Miss Kim?" taas kilay kong tanong.
But he didn't answer immediately, and he even looked at me intently. That made me feel conscious.
"Bakit ba? Balikan mo 'yong bisita mo," pilit ko pa.
"Umuwi na si Kim."
First name basis?
"Hinahanap ka ni Mareng. She wants to take more pictures with you," dagdag pa niya.
Kusa yatang natunaw ang tampo ko at hindi ko pa mapigilan ang agad na mapatayo. Nagawa ko pang lagpasan si Drake makarating lang agad kay Mareng.
"Mimi, here! Let's take some pics!" Humagikgik pa ito at mas niyakap ang hawak na stuff toy.
Pigil ko ang higitin ang manikang iyon mula sa kanya. Ngunit hindi ko magawa nang maramdaman sa gilid ko si Drake at hilahin pa ako palapit lalo kay Mareng.
"Ako na ang kukuha ng litrato ninyo," presinta pa niya.
Tumango na lamang ako at hinayaan siyang gamitin ang sariling cellphone.
Hindi pa ako nakaangal nang mahigpit na yumakap sa akin si Mareng, dahilan upang dumikit din sa akin ang stuff toy.
Pinilit ko namang maging masaya at ngumiti sa bawat litrato. Hindi ko lang sigurado kung ganoon ang lumitaw. Panigurado ay hindi dahil malalalim ang naging titig ni Drake sa akin sa tuwing matatapos ang isang shot.
"Are you alright, Verona? You look stiff," komento pa nito.
I raised my brow, ignoring his piercing gaze, "I'm totally fine. Sige na, mag-e-empake pa ako para sa libre mong swimming."
"I'll wake you up at three am-"
"Bakit ang aga?!" Lingon ko sa kanya.
But then, he shrugged his shoulders and smirk, "The earlier, the better."
Ngunit hindi ko sineryoso ang sinabi niya. Nagpuyat pa ako kakahugas ng mga plato, at kaka-empake ng gamit. Halos ala una nang dalawin ako ng antok. Hindi ko pa mahatak ang sarili ko patayo matapos marinig ang may kalakasang katok mula sa pinakapinto.
Malabo pa ang natatanaw ko sa daan nang buksan iyon. At kahit alam kong si Drake ang nandoon ay humikab pa ako at tamad na niluwagan ang bukas ng pinto.
"I have been knocking for one hour now," reklamo niya.
Nangunot ang noo ko at hindi siya pinansin. Dumiretso pa ako nang higa sa cleopatra at ipinikit ang mga mata.
"What, Verona? Tutulugan mo ako? Where's Mareng?"
"Oh shut up, Drake. I'm sleepy. Nasa kwarto si Mareng." Tinuro ko pa ang kwarto nito.
I didn't hear any response from him. Ngunit dinig ko naman ang bawat yabag niya sa loob bahay. Minsan ko pang narinig ang hagikgik ni Mareng bago ako tuluyang nakatulog.
"Are you sure she won't get mad when she wakes up, Pare?"
"That is for sure. But we can't miss this swim, Baby."
Doon lang yata naging malinaw ang pandinig ko mula sa mahabang tulog. Nagsalubong pa ang kilay ko matapos maramdaman ang marahang paghuga. Sinubukan ko pang kumapit sa kung saan ngunit mariing mura ang narinig ko.
"f**k, Verona. That is my thigh near my- s**t! Wake up!"
Mabilis akong napamulat sa naramdamang pagtapik sa pisngi ko. Una pang sumalubong sa paningin ko si Drake na masama ang tingin. Ramdam ko pa ang mahigpit niyang hawak sa palad ko na pilit pinipirmi sa gilid ko.
"Kahit ba sa paniginip, pinagnanasahan mo 'ko?"
Hindi pa agad na rumehistro ang sinabi niya. Ngunit nang mapagtanto ko ay napabalikwas na ako nang bangon, only to realize that we are riding in his jeep. Dinig ko pa ang mahinang hagikhik ni Mareng sa kandungan ko.
"Mimi, we are going to swim!"
"What?! Saan tayo pupunta?!"
"We're going to a private resort in Sual. Here in Pangasinan," si Drake.
"Bakit hindi niyo 'ko ginising?! Ni hindi matino ang suot ko!" Nilingon ko pa ang suot kong dress na manipis.
Ngunit imbis yata na maalarma si Drake ay mahina lang siyang tumawa, "That's fine. Tayo lang naman ang naroon-"
"What do you mean?" nalilitong putol ko sa sinasabi niya.
"I ow- I rented the resort. Tayo lang at walang iba."
And true to his word. Nang makarating ay kami nga lang ang nandoon, bukod sa isang matandang ginang na sumalubong at tumulong na bumuhat ng mga bagahe.
"Pahanda na lang po ng almusal, Nay Garing," utos pa ni Drake rito na umani ng maliit na kurot mula sa akin pagkaalis ng matanda.
"What?" he asked.
"Bakit mo naman inutusan? Tayo na lang sana ang nagluto-"
"Are you sure you can?"
Natameme ako sa tanong niya na kanyang kinangisi.
Pwede namang pag-aralan!
Sinamaan ko na lang siya ng tingin bago sumunod kay Mareng na nauunang naglakad patungo sa Villa.
Ngunit kagaya ni Mareng ay hindi ko maiwasang mamangha sa taglay na ganda at aliwalas ng resort. Its big pool at the side of the villa is clear and looks so enchanting. Idagdag pa ang iilang buko sa harap nito at ang magandang tanawin ng dagat mula sa harapan.
Ni minsan ay hindi ko nabalitaan o narinig ang tungkol sa resort na ito.
And fine. I am silently thanking Drake for bringing us here. Kahit pa hindi sigurado kung paano niya nagawang rentahan ito.
"Mimi, am I allowed to wear baby one-piece suit?" Pinakita pa nito ang pink na swimsuit na kinakunot ng noo ko.
"Where did you get that?"
Agad siyang napanguso at naglumikot pa ang mga mata, "Kay Miss Kim. Sabi ko po magswi-swimming tayo, and so, she bought me this!" Bumalik ang sigla niya at niyakap pa ang swimsuit.
And I can't help but feel jealous once more. It is obvious that Miss Kim is trying win Marengs' heart.
Para kanino? Bakit? For Drake? Just because she has a crush on Drake, and because he is fond of Mareng?
Pasintabi naman sana sa aking Mama ni Mareng.
"I do love everything about Miss Kim, Mimi. Bagay po sila ni Pareng Drake. Pareha na galante." Humagikhik pa ulit si Mareng.
And that made me upset the whole day. Ni hindi ko magawang ma-enjoy ang paglangoy o ang mga pagkain. Sa tuwing naiisip kong nakukuha na ni Miss Kim si Mareng ay sumisikip ang dibdib ko. I can't help to stop feeling frantic and anxious.
Pakiramdam ko isang bigay pa ni Miss Kim kay Mareng ay tuluyan na akong mababaliw.
Bakit hindi ko ito napansin noon? Sana pala, naisipan kong sumama palagi kay Drake sa tuwing susunduin niya si Mareng. That way, I can stop Mareng from adoring Miss Kim.
"Ayaw mo ba sa pagkain, Verona?" Drake looked at me deeply.
Walang gana kong linapag ang kutsara't tinidor. Hindi ko mahanap sa sarili ko ang magdiwang kung ganitong malaking bagay ang bumabagabag sa akin.
"I am not feeling well. Pasensya na, kailangan ko sigurong matulog." Pagkasulyap ko kay Drake ay nilingon ko si Mareng na nakalabi at bagsak ang mga balikat, "Sorry, Baby. Papahinga lang si Mimi. Enjoy your swimming, alright?"
Hindi ko na nagawa pang halikan si Mareng sa pisngi. Agad na akong tumalikod at bumalik sa villa.
Am I overthinking? Or am I paranoid?
Hindi naman maaagaw ni Miss Kim si Mareng. But that is what I am not sure about.
I tried to calm my nerves and force myself to sleep again. Baka lang kulang ako sa tulog. Ngunit paggising ko ganoon pa rin. Mabigat pa rin ang pakiramdam ko.
Nagtatampo at nagseselos.
Maybe I need to swim this out. Ngunit paglingon ko sa orasan ay alas siyete na ng gabi.
Napapikit na lamang ako nang mariin. Mareng is surely upset again to me.
Sana nag-alarm ka, Veron!
Napailing na lamang ako at mabilis na nagsuot ng sando at maliit na short. Halos patakbo pa akong lumabas ng kwarto at agad na sinubukang buksan ang kabilang kwarto.
And there, I found Mareng peacefully sleeping, hugging her Peppa Pig stuff toy.
My heart clenched with the feeling of a little pain. And swear, sinubukan kong pigilan ang magdamdam ngunit namamayani na yata ang sakit sa puso ko.
Marahan ko na lamang nilapat pasara ang pinto ng kwarto bago tuluyang lumabas doon. My feet brought me to the big swimming pool. Niyayakap ng malamig na hangin ang balat ko at tanging buwan lang ang nagiging tanglaw sa daan.
It's quiet and peaceful.
And I want it this way. Dumiretso pa akong umupo sa gilid ng pool with my feet in the water. Marahan ko pang kinuyakoy ang mga paa roon.
I sighed. Maybe, I should stop overthinking. And Mareng belongs to me, only.
"What's bothering you, Verona?"
Kusa kong nahigit ang hininga sa malalim niyang boses mula sa likod ko. But I didn't look at him. I remain looking at the vast swimming pool.
"A lot, Drake. But It bothers me most of Miss Kim being close to Mareng," mahina kong bigkas.
Hindi ko siya narinig na sumagot ngunit dinig ko ang mga yapak niya palapit. Kasunod doon ay ang pag-upo niya sa tabi ko at paglahad ng can beer sa harap ko.
I wear a neutral smirk,"Palalasingin mo ko, para ano? Makahalik ka?" akusa ko pa sa kanya.
I heard him hissed, "I don't need to do that. I mean, I don't need this can beer just so I could kiss you." Pagkatapos ay basta niya lang tinapon ang bukas na can beer sa pool.
Tinanaw ko iyon at sinundan ang bawat paggalaw.
"Why are you bothered about Miss Kim? Ikaw ang Mama ni Mareng. That is strong enough to feel secure, Verona," pagbabalik niya.
"Or are you jealous because of me and Miss Kim?" dagdag pa niyang tanong.
Napamaang ako at binigyan siya ng isang sulyap, "I am not jealous of you two. Kahit maghalikan pa kayo sa harap ko. I am more than jealous of Mareng and Miss Kim. Pakiramdam ko, kinukuha ko iyong anak ko sa akin, Drake. Pakiramdam ko na mas gustong maging Mama ni Mareng si Miss Kim. I felt unwanted, Drake. May paregalo pa kay M-areng. H-alos hindi pa h-iwalayan ng anak ko. N-akakaselos. N-akatatampo."
And there, I burst out. I cried in my palms and let him see my weakness.
He remained silent, but then, I felt his hand caging me. Hinatak pa ako nang marahan para sa kanya.
"You don't have to be bothered about it, Verona. Mareng is yours-"
"Hindi mo kasi alam ang pakiramdam! I don't feel secure, especially if I do not have any rights over Mareng. Para lang akong yaya na nag-alaga ngunit walang karapatan sa kanya. And that breaks my whole, Drake!" Tuluyan na akong humagulhol sa dibdib niya.
He tapped my shoulders a few times and let me cry my pain. He even hugged me tightly.
"You don't have to worry, Verona. I can give you the rights. All rights. I can make you Marengs' mother, Verona," he said sincerely, trying to catch my eyes.
Kusa yata akong napatigil sa sinabi niya at hindi pa iyon agad na naproseso. Maging ang mga luha ko ay natigil sa pagtakas. Naging malalim pa ang titig ko sa kanya.
"What do you mean, Drake? Please, liwanagin mo! Hindi ito biro." Hinayang pa akong umiling sa kanya.
Baka iniisip niyang biro lang ito, which is not.
"I am not playing around, Verona. Ikaw lang naman ang gusto kong maging Mama ni Mareng. I can give you the full rights-"
Mabilis akong humiwalay at marahan pa siyang tinulak ngunit mabilis niya ring pinigilan ang mga braso ko. Mas hinigit pa niya at mas humigpit ang kanyang yakap. He even placed his chin above my head and whispered sweet nothings.
"I am assuring you, Verona. I can make you Mareng's mother in the eyes of the law. I will give you the right-"
"Stop, Drake. Lasing ka ba?! Please, if you think this is a joke, then no! Hindi ko naman magagawa 'yan. You don't have any right too. Ni hindi ka nga kaano-ano ni Mareng."
I felt him stiffen. Bahagya pang lumuwag ang yakap niya ngunit muli ring humigpit. I even felt and heard his heavy breathing. At kung malilingon ko siya ay paniguradong nakapikit siya nang mariin.
"Take me seriously, Drake. Si Mareng ang nakasalalay dito. And if you think that this is not a serious matter, please, leave us alone-"
"And that will never happen, Verona. Sinabi ko na sa'yong hindi ko iiwan ang pag-aari ko. And yes, I am serious. I can give you the rights, believe me."
Natahimik ako sa sinabi niya at alam ko sa sarili kong kahit impossible ay panghahawakan ko.
At all cost, in all ways.
"H-ow, Drake? Tell me how." I clutched my arm in his and tried to get strength from him.
Marahan siyang yumuko at hinuli ang tingin ko, "Marry me, Verona."