He didn't flinch nor equal my anger. He remained silent, taking deep breaths.
Napailing na lang ako at malalaki ang mga hakbang na tinungo si Mareng. Namimilog ang mga mata nito at nagpapalipat-lipat ng tingin sa akin at kay Drake.
"Let's go home, Mareng." Binuhat ko siya kahit pa halatang mukha siyang naguguluhan.
"What, Mimi?" Kumapit siya ngunit nililingon pa rin si Drake.
Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay malalaki rin ang mga hakbang kong tinungo ang palabas ng store. Hindi ko rin pinansin si Didoy na na-aalarma.
Ngunit kusa akong tumigil sa paghakbang nang maramdaman ang pagpigil ng magaspang na palad sa braso ko.
And his sincere voice almost made me throw away my realization.
"Sorry if I made you feel disrespected. It's not my intention, it will never be."
Keeping my eyes close and my sanity intact, I took deep breaths.
Hindi naman pwedeng kapag ginusto niya ay papayag na lang. We, girls, should sometimes know our worth and limits. Huwag marupok!
And I think, I deserve to have some peace of space away from him.
"Let go, Drake. Magpakita ka na lang sa birthday ni Mareng."
He didn't give me a verbal response, but I felt his calloused hand slipping from its grip. At nang hindi ko na iyon ramdam sa braso ko ay parang piniga ang puso at damdamin ko. But I need to stay still and think about my decision.
At kahit narinig ko ang hikbi ni Mareng sa pagpapatuloy ko nang hakbang palayo sa store ay hindi ako tumigil o binalak na bumalik roon. I headed straight to the market exit and hailed a tricycle. Hindi pa matigil sa pag-iyak si Mareng sa tricycle, and curse me, but I didn't comfort her.
I felt exhausted. Ni hindi ko pa mahabol si Mareng na agad bumaba ng tricycle at tumakbo agad sa apartment. I paid the tricycle and tiredly walked towards her. Nandoon siya sa tapat ng pinto, nakayuko, at humahalog ang mga balikat.
She invested too much attention and attachment to Drake that she cried just for him.
Masyado naman!
Ngunit hindi ko iyon mababago.
I tiredly sighed when I reached her. Mabagal ko pang sinuksok ang susi sa door knob. Isang beses ko pa siyang sinilip at ganoon pa rin ang ayos. Nakayuko at ramdam kong masama ang loob sa akin.
"You're selfish, Mimi. You don't want me to be happy on my birthday. Bakit mo po inayaw si Pareng Drake? Dapat hindi mo po inaway. Wala na akong Pare, wala na akong cake, wala pa akong ice cream, at wala ng swimming sa birthday ko!" Malakas pa siyang umiyak na halos ikarindi ko.
Pigil ko ang singhalan siya at pagalitan sa inasta. But I understand her sentiments. Iniisip niyang hindi na matutuloy ang mga pangako ni Drake para sa kanya.
This is what I really want to avoid. I don't want Mareng to get lured and dream of fancy and luxury things.
Pagod akong dumukwang at bahagyang yumuko. Sinusubukang pantayan ang tangkad niya. Ayaw niyang tumingin, she keeps on crying na kahit na iniharap ko na siya sa akin ay nanatili siyang nakayuko.
"Ako na lang ang bibili, Mareng-"
"You don't have money, Mimi! And Pare has a lot of it!"
She turned around and hurriedly opened the door. Patakbo pa siyang pumasok sa loob ng bahay.
And I was left in shock, and pained.
I have been taking care of her for the almost five years and counting. And yet, she doesn't appreciate all the efforts I have done just for her? Pero si Drake? Mas mahal niya pa kaysa sa akin.
My heart hurt, and my knees wobbled.
I sobbed with the thought that my daughter is no longer contented with what I can provide. It pains me that she can easily turn her back on me.
Ilang beses kong inisip na she's too young to understand things, na bata lang siya at madaling masilaw sa ano mang magagandang bagay. But in the past few days, she hasn't wanted to talk to me anymore. Ni hindi na siya humahalik sa pisngi ko sa tuwing inihahatid ko siya sa school o kahit sa tuwing susunduin ko siya.
She distanced herself. Hindi nga siya nagpumilit na lumapit kay Drake ngunit minsan ay napapansin ko ang matagal niyang paglingon sa pintuan ng apartment nito. Just like now.
"Mareng, hurry up. Peppa pig is waiting for you."
But she ignored me. Tumigil pa siya sa paghakbang at nanatili sa tapat ng pinto ni Drake. Pagod akong napabuntong hininga at binuksan na lang ang bahay at dumiretso na papasok. I don't want to comfort her. Hindi rin naman siya nakikinig.
Naiiling na nagluto na lamang ako, at gaya ng inaasahan ko ay pumasok din si Mareng sa sala na bagsak ang mga balikat. Maging sa hapag ay bagsak ang mga balikat niya.
"Ayaw mo ba ng ulam, Mareng?" nananatyang tanong ko.
Nilingon ko pa ang isang hitang pritong manok sa plato niya na walang bawas.
Dumaan yata ang dalawang minuto at hindi niya ako sinagot. Sa huli, napabuntong-hininga na lamang ako. Ang akala ko ay hindi na siya magsasalita, but my heart tightened when she spoke.
"Mimi, it's my birthday tomorrow. Do not buy me cake and ice cream. I have only one wish," she said, silently.
Marahan kong nilapag ang kutsara't tinidor atsaka siya marahang kinabig palapit sa akin. Hinuli ko rin ang mga tingin niyang nangungusap.
"What is it, Baby? Mimi will try to command it." Masuyo ko pang hinaplos ang buhok niya.
"I didn't invite my classmates anymore. I only want one visitor, Mimi. I want to see Pareng Drake on my birthday. Can you invite him?"
Kusa akong natahimik sa hiling niya. Napalunok at iniwasang sumungaw ang mga luha. Kahit sa birthday niya ay si Drake pa rin ang hawak niya.
Even though my heart ached a little, I nodded. Sinabi ko naman kay Drake na sa birthday na lang siya magpakita, and if he doesn't, it's not my fault.
Mareng smiled a little when I nodded. Nangunguso pa siyang mabagal na sumubo ng kanin. At least, she's not gloomy anymore.
"Okay lang ba na kumain na lang tayo sa labas-"
But I was cut off when we heard soft knocks on the main door. Hindi pa nakatakas sa paningin ko ang pamimilog ng mga mata ni Mareng at pagmamadaling bumaba sa upuan upang buksan ang pinto. Natataranta ko pa siyang sinundan. At hindi rin nakatakas sa paningin ko ang pagbagsak ng mga balikat niya matapos makita si Didoy sa tapat ng pinto. Patakbo pa ulit si Mareng na bumalik sa kusina.
I smiled apologetically to Didoy, "Pasensya na. Akala niya si Drake. Bakit nga pala, Didoy?" Niluwagan ko pa ang bukas ng pinto.
Nahihiya itong ngumiti habang iniaabot ang may kakapalang sobreng hawak, "Pinabibigay ni Drake. Ikaw na raw bahala bukas para sa birthday ni Mareng. Sige, Veron. Uuwi na ako."
Hindi pa man ako nakasasagot ay nakatalikod na ito. Naiwan pa akong nakamaang sa sobreng hawak. Does it mean na hindi siya makakapunta bukas? Hindi siya magpapakita?
Sa naisip ay wala sa loob na napahigpit ang hawak ko sa sobre. Nagpupuyos ang damdamin ko at paniguradong malulungkot na naman si Mareng. And I won't allow that. Kaya naman nang gabi na ay hindi ako makatulog. Ilang beses ko pang sinilip ang contact number niya sa cellphone ko. Nagdadalawang isip kung tatawagan ko. But in the end, I dialled his phone number while thightly closing my eyes.
At halos higitin ko ang sariling hininga matapos marinig ang malalim niyang paghinga. Pikit-mata ko pang hinanap ang mga tamang salitang paanyaya.
"Drake, iniimbitahan kita sa birthday ni Mareng. Sana d-umating ka. H-indi ako marunong m-agluto."
Hindi ko na hinintay na magsalita pa siya at agad na pinutol ang tawag. Tumatahip pa ang dibdib ko mula sa pagsasalita. I just hope, he will come.
Nakatulog yata akong dinadasal na sana pumunta siya. For Mareng. Kaya naman nang maririnig ang may kalakasang katok mula sa pinakapinto ay pupungas-pungas pa akong bumangon. I am not expecting anyone at 3 in the morning, depende na lang kay Aling Flor na magyayayang mamalengke ng panghanda.
I was even disoriented when I opened the door. Ngunit kusa yata akong nagising matapos makita ang limang kalalakihan na pawang mukhang inaantok. Nagising din ako nang tuluyan nang mahanap sa unahan si Drake. He is even lurking on my chest. Ni hindi ko pa nasundan ang paghubad niya ng damit at walang pasabing pagsuot sa akin niyon.
"Why did I forget to remind you to not wear sando?" he whispered.
But I was unable to asnwer him when the guys started to speak.
"Dahan-dahan, Pareng Drake. Be gentle on girls," dinig kong asar ng isa sa kanila.
"Girls your ass! Heaven needs to hear it, Rigel!"
"Can we rest first? La union is a bit far, and I'm sleepy."
"Good thing I am just around the area. Frey's parents don't even know I am sleeping at their house. This is insane."
"I felt lonely. Avyanna didn't even mind if I was not by her side at this time."
Tila ako naliyo sa narinig mula sa kanila. Nagpalipat-palipat pa ang tingin ko nang magsi-upo sila sa sahig at ilapag ang mga bitbit doon. Dalawa lang yata ang pamilyar sa akin. Ang dalawa pa na halos magkamukha ay bago sa paningin ko.
"Drake, wake me up, please." Inaantok ko pang hiling.
Baka kasi nananaginip lang ako. Why would Drake bring men into my apartment?
"You're awake, Verona. These are my friends. I bet you know West, and Rigel." Tinuro niya ang dalawang namumukhaan ko, then his hand pointed at the two men who were already lying on the floor, "That is Callisto, and Castor. Sorry, kulang sa tulog."
Napatango na lamang ako ngunit agad ding napakapit sa braso niya nang marinig ang sigaw ni Rigel.
"f**k, Castor! Huwag mong yakapin 'yang cake! Heaven spent the whole night for that Peppa Pig!" Nilayo pa nito kay castor ang mga kalakihang box ng cake.
"Magluto na tayo! Huwag na kayong matulog!" Drake commanded them.
At kahit yata nanlalabo ang paningin at pandinig ko sa antok ay hindi nakatakas sa akin ang murahan nila at tulakan. Kung hindi pa ako hinila ni Drake patungo sa kwarto ni Mareng ay hindi pa sila mawawala sa paningin ko.
"Stay here and sleep. Ako na ang bahala." Inalalayan pa ako nitong maupo sa kama bago nito sinilip si Mareng at kinumutan nang maayos.
And just like that, I found myself peacefully sleeping. Not worrying when the sun rises. Sa himbing ng tulog ko ay mga tili pa ni Mareng ang gumising sa akin.
"Shh, Mareng. Mimi is still sleepy," I murmured.
Ngunit imbis na tumigil ay tumalon-talon pa siya sa kama dahilan upang tuluyan akong mapabangon.
I yawned, then smiled at her, "Happy Birthday, Mareng! Happy Happy Birthday, Baby! Mimi loves you so much!" I stopped her from jumping and hugged her tightly. I even kissed her cheeks soundly so many times.
She giggled, then kissed me on my cheeks too, "I love you, Mimi. And Thank you! But look! Isn't this pink gown going to look good on me?" winagayway pa nito ang hawak na gown.
I pouted and slowly checked the gown, "This is definitely for the princess, Baby. And it will surely suit you. Who gave you this?" Hinaplos ko pa ang lace ng gown.
"Pareng Drake gave me that. I'm so happy! Pareng Drake is here, Mimi!" she squealed.
Tahimik lamang akong ngumiti at hinayaan siyang tumalon sa saya. At mas lalong hindi na niya naitago ang galak nang pagkalabas ay nakaayos na ang cake niya at iilang pagkain sa buffet. Nakaayos din ang mga mesa at upuan na tinabunan ng puti at rosas na tela.
I cannot stop Mareng from walking around. Wala rin akong maitulong sa kusina. Hindi pa ako makakilos nang maayos sa hiya sa mga kaibigan ni Drake. Surely, I am happy for Mareng, but I can't help not to feel like an outcast. I felt useless, lalo na ng hindi tanggapin ni Drake ang perang iniaabot ko.
"Keep them. Save them. I don't need any of it, Verona," tanggi niya.
In the end, I silently watch everyone doing their own thing. Nagkaboses lang yata ako nang dumating ang mga kaklase ni Mareng at iilang mga nanay. Agad pa akong nilapitan ni Aling Beth.
"Veron! Naku, akala ko ay walang ganap sa birthday ni Mareng. Wala ka kasing sinabi sa amin kahapon." Tinampi pa nito nang mahina ang braso ko bago iniabot ang hawak na paperbag.
I smiled apologetically, "Pasensya na po. Biglaan lang po kasi. Si Teacher Kim po? Kasama ninyo?"
"Susunod daw. Personal na inimbitahan ng boyfriend mo si Ma'am Kim."
Nawala yata ang ngiti ko sa sinabi nito. Mas lalo na ng matanaw ko si Ma'am Kim na may dalang malaking paperbag at malaking pink Peppa Pig stuff toy. Malawak ang ngiti at kahit yata nahihirapan ay nagawa pang kumaway kay Mareng at kay Drake na magkasama.
Mareng even ran towards her and happily jumped with the gifts in her hand. Maging si Drake ay lumapit doon at ngumiti.
My eyes settled only on them. Kahit na sumisikip ang dibdib ko ay nanatili ang tingin ko sa kanila. Kusa pang tumataas ang kilay ko sa tuwing nangingiting nagsasalita si Teacher Kim kay Drake. At kung hindi pa ako tinawag ni Mareng ay baka nakalimutan na ng guro na may mama pa si Mareng.
With all due respect, I walked slowly towards them. Trying to compose myself. Sinubukan ko pang sulyapan si Drake na kay Teacher Kim lang yata ang buong atensyon.
Sa bagay, with her beauty, sexiness, and wit? Hindi ka na lilingon sa iba. Even his false lashes are extremely seductive. Hindi ko nga lang sure kung iyong butt niya ay totoo at hindi padding. But I do not care, anyway!
"Mimi, Teacher Kim wants to talk to you!" Mareng smile widened as I approached them.
Si Mareng kang yata ang nakatingin sa akin. Kinailangan ko pang tumikhim upang kuhanin ang atensyon nilang dalawa.
"Excuse me, Misis Kim-"
"Miss Kim, Darling," pagtatama nito.
Napatango ako bago muling magsalita, "Sorry. Miss Kim. Thank you for coming, and what is it that you wanna talk about?" Ngumiti ako para hindi naman magmukhang bastos.
"Nothing. Nasabi ko na kay Drake. Right, Drake? There's nothing to worry about Miss Hernandez." Umiwas na siya ng tingin at si Drake na lang yata ang nakikita niya.
Pigil ko ang magsalita muli. Sa tingin ko ay hindi ko na sila makakausap pa nang matino kaya naman natutok ang atensyon ko sa pagkausap sa ibang nanay. Miminsan ko pang nalilingunan ang mga kaibigan ni Drake na palipat-lipat yata ng tingin sa akin at kay Drake na kausap si Miss Kim.
"Okay, let's take some pictures!" si West na tumayo at tinaas ang hawak na camera. Nilingon pa ako at pinapalapit kila Drake.
Labag man sa loob ko ay lumapit ako. Pinagpasalamat ko rin na dumistansya si Miss Kim at hinayaan kami ni Mareng na makalapit kay Drake.
I even glared at him when he couldn't hide his smirk. Mas lalo na ng ilapat niya ang palad sa bewang ko. Trying to cage me and Mareng, who is in the middle.
"You look so pretty, Mama ni Mareng." I heard him whisper that before the flash of the camera that made my cheeks flush.
But that didn't last long. Agad ding umeksena si Miss Kim at pinalitan kami sa tabi ni Drake. I even saw how she clutched her arm around Drake's arm.
Napakurap pa ako nang bumulong siya sa tainga ng lalaki.
That is when I heard Mareng giggling beside me.
"Mimi, they look good together, right? Miss Kim told me Pareng Drake is her crush that is why I am match-making them. Am I cupid now, Mimi?" then she giggled again.
And how I wish Miss Kim was not her teacher anymore.