KABANATA 1

1644 Words
Verona Hernandez "Aling Beth, dala ko na itong lotion na order mo. Papaya and milk. Two-fifty lang po." Kinuha ko mula sa bag ko ang malaking lotion. Inabot ko pa iyon sa ginang na malugod namang kinuha. "Naku! Veron. Salamat. Isang daan na muna ang bayad ko at sa kinsenas ay i-pe-paid ko ng buo." Inabutan pa ako nito ng isang daan. "Okay lang po. One month to pay naman po 'yan. Kapag may gusto pa po kayong order-in, sabihin lang po ninyo para masabay ko." Tumawa ang ginang at bahagya pa akong kinurot. "Naku ka! Kuha mo na ata lahat ng negosyo. Sige ba. Mabait ka naman magpa-utang." Ngumiti ako nang malapad bago humanap ng mauupuan. Nilabas ko ang maliit na notebook at nilista ang binayad ni Aling beth. I gladly smiled. Malaki or maliit, basta pagkakakitaan, kailangan natin 'yan. Marahan kong tinipa ang notebook at tinitigan iyon. Alam ko namang masaya ako ngayon pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sakit ng kahapon. Nagsipagtayuan ang mga nanay na kasama ko. Hinintay bumukas ang pintuan ng daycare. Pangatlong batch ang klase, rason kung bakit hapon na kung umuwi. Nanatili akong nakatayo sa loob ng waiting shed. Ni hindi nakipag-unahan. Alam ko namang huli siyang lalabas ng classroom. Hinabilin ko sa kanyang huwag makipagtulakan. Di baleng oras na makauwi basta hindi nasasaktan. Inayos ko ang dala kong shoulder bag sa aking balikat at hinanda ang malawak na ngiti matapos siyang makitang palinga-linga sa paligid. At noong makita ako ay agad siyang tumakbo patungo sa akin sabay wagayway sa bitnbit niyang papel. "Mimi! I got a perfect score!" malakas niyang sigaw. Napangiti ako. Naaalala ko pa kung paano ko siya inalagaan noon nang mag-isa. Bigla, muling bumalik sa akin ang nakaraan, kung paanong kalong siya sa aking mga bisig. May bagyo noon ngunit hindi ko iyon alintana. Hawak ko sa bisig ko ang isang sanggol. Kasabay ng pag-iyak nito ay ang takot ko kung paano siya aalagaan. Halos maiyak ako. Hindi ko alam kung paano mag-alaga ng sanggol. Maluha-luha pa akong kumakatok sa bahay. Inaantok na itsura ni Mama ang bumungad ngunit nanlaki ang mga mata niya sa sanggol na bitbit ko. Tumalim at galit na tinawag si Papa. "Lito! Itong anak mo! May bitbit na sanggol!" sigaw ni Mama. Nilalamig na ako ngunit ayaw pa ako nitong papasukin sa loob bahay. Dumadagundong ang dibdib ko sa kaba. Alam ko namang masamang balita ito sa kanila. "Anong sanggol, Emel?" Humihikab pa si Papa paglabas niya. "Ma, Pa. I'm sorry po." Tuluyan na akong humikbi matapos makita ang disgusto sa kanilang mukha. "Veron! Ano 'to? Ang sabi mo ay isang linggong bakasyon sa kaibigan mo? Paanong may anak ka na? Disgrasyada!" Si Mama na masama ang tingin sa bata. "Ma, hindi po-" "Nakakahiya! Ano na lamang ang sasabihin ng mga kasamahan ko sa simbahan? Napakalaking kahihiyan nito!" dagdag pa niya. Tuluyan na akong humikbi. Binuhat ko nang maayos ang sanggol. Nilingon ko si Papa at umaasang tutulungan ako kay Mama. "Mamili ka, Veron. Iwan mo 'yang bata sa ampunan o itatakwil kita bilang anak ko?" Nanlamig akong lalo sa tanong ni Papa. Lumipad lahat ng pag-asa ko. Humigpit nang bahagya ang hawak ko sa sanggol. Hindi ko kayang iwan ang bata. Paanong nasasabi nila iyon? "Pa... Hindi ko po kaya. Tanggapin niyo po sana kami-" "Anong tanggapin, Veron? Isang malaking kahihiyan ito sa pamilya! Ni wala kang asawa. Dise-otso ka pa lang ngunit may anak na. Hindi namin matatanggap 'yan! Wala kaming anak na disgrasyada!" Si Mama na nagpupuyos sa galit. Napayuko ako at tahimik na humikbi. Natutuliro at natatakot. Ni hindi ko na alam kung saan pa pupunta. Sariling pamilya ko ay hindi ako tanggap. Pumasok sa loob si Papa. Nanlaki ang mata ko na sa pagbalik nito ay dala na ang maliit kong maleta. Hindi ko alam kung paano sila pipigilan. Sumikip ang dibdib ko at bumuhos ang masaganang luha. Nanginig ako sa takot. Lalo pa akong nataranta sa muling pag-iyak ng sanggol. "Pa, Ma. H-uwag n-aman po. A-nak po n-inyo a-ko." "Wala kaming anak na disgrasyada. Susmiyo! Papangit ang imahe ko sa mga amiga ko." Unti-unti, tila pinupunit ang puso ko dahil doon. Kailan pa ba ako naging prayoridad? Mas importante pa ba ang sasabihin ng iba kaysa sa sarili nilang anak? Kaya nila akong itapon para lang sa paniniwala nila. Kahit ako lang ang nag-iisang anak nila ay wala iyong halaga. Kahit lumuha ako ng dugo at lumuhod sa harapan nila ay hindi magbabago ang desisyon nila. "Iyan na ang huling perang matatanggap mo mula sa amin!" Tinapon ni Papa ang may kakapalang wallet. Namilog ang mga mata ko at tinitigan iyon sa lupa katabi ng maliit na maleta. Lalo akong nanghina. Nagmamakaawa akong tumingin sa kanila ngunit pareho silang walang reaksyon. "Ipagpalagay natin na kailanman ay hindi ka sinilang." Si Mama na malakas pang sinara ang pinto. Nanghihina akong napaupo. Sinubukan ko rin kumatok ulit ngunit hindi na nila iyon binuksan. "I'm sorry, Baby. Ako na ang bahala sa'yo," bulong ko sa sanggol. Pinatakan ko pa ng halik ang noo niya. Umingit siya kaya naman kinailangan ko pa siyang hihele. Gamit ang kakaunting pera mula sa kanila ay humanap ako ng maliit na apartment. Sinubukan ko namang bumalik sa bahay ngunit hindi nila ako pinagbubuksan. Sumuko ako. Kahit hindi ako maalam ay sinubukan kong mabuhay mag-isa at buhayin ang bata. "Mimi, are you not happy? I got a perfect score po sa Math." Napakurap-kurap ako at tila nabalik sa ngayon. Asul na mga mata ang bumungad sa akin. Malawak ako muling ngumiti. Sinusubukang itago ang pagbabaliktanaw. Musmos pa siya at karapatan niyang maalagaan. "Mareng, ang galing naman. Congrats, Baby. Very proud si Mimi." Hinalikan ko ang pisngi niya na kanyang kinahagikhik. "Thank you, Mimi! Can I request some mangoes?" Kumurap-kurap siya at pinagsalikop ang mga palad sa harapan ko. Umakto akong nag-iisip. Sinulyapan siya. Umaasang mukha ang nakaharap sa akin. "Isang kilo lang ah? Hindi kaya ng budget ni Mimi." "Yes! Kahit isang piraso lang okay na, Mimi." Ngumiti siya nang malapad at kumapit sa kamay ko. Sumasabay ang naka-pony tail niyang buhok habang naglalakad siya na may kaunting talon. Madalas siyang pagtinginan dahil sa asul niyang mga mata at taglay na talino. Sumakay kaming tricycle at dumiresto ng palengke. "Hawak kang mabuti, Mareng. Huwag lalayo kay Mimi," bilin ko sa kanya. "Yes po, Mimi." Inuna kong bumili ng manok bago maghanap ng mangga. Pumunta kaming fruit section. Naka-ilang tingin kami sa mga mangga ngunit hindi na mukhang mga bago iyon at mukhang maasim pa. "Mimi, doon tayo. May hakot silang mangga." Tinuro nito ang pwesto sa may kalagitnaan. Manggo store nga ang karatula. Maraming basket din ng mangga ang nakahilera. Hinila niya ako roon at nauna pang pumili sa basket. Dalawang lalaki ang nandoon. Ang isa ay inaabutan ng sukli ang isang ginang na bumili habang ang isa ay inaabutan ng plastic si Mareng. "Mimi, it's smell so sweet. Lima ang kukunin ko, Mimi?" Tinaas pa nito ang dalawang malaking mangga. "Sure, Baby." Ngumiti ako rito bago humarap sa lalaki. Nawala ang ngiti ko at bahagyang natakot. Kita ang mga tattoo niya hanggang leeg at braso. Ang mga kayumangging mga mata ay matiim ang tingin kay Mareng. Tumikhim ako upang kuhanin ang atensyon nito. Tiningnan nga ako nito mula ulo hanggang paa na nakapagpa-ilang sa akin. Idagdag pa ang mariin niyang paninitig. Wala sa loob na napahawak ako sa bag at sa braso ni Mareng. "Uhm. M-magkano ang isang kilo?" Kahit gusto ko ng tumakbo ay pinigilan ko ang sarili lalo pa't natutuwa si Mareng sa pamimili ng mangga. "Isang daan na lang," sa matatag nitong boses. "Uy Bos- Drake. Hindi ka ba lugi do'n?" dinig kong bulong ng kasama niya ngunit kita kong sinikuhan niya ito. "Sige. Mareng, ibigay mo na ang plastic." "This, Mimi?" tanong nito sa hawak na plastic. "Yes. Akin na. Bayaran natin." Kinuha ko sa kanya ang plastic at inabot iyon sa Drake na tauhan. Nanginig pa nang bahagya ang kamay ko matapos niyang kunin iyon. Ni hindi na kinilo kahit sa tantya ko ay labis pa sa isang kilo. "Pare! Padagdag pa ng isa. Perfect score ako kanina, baka naman!" si Mareng. Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mareng. Halos takpan ko pa ang bibig nito. Hindi na nahiya! "Naku! Huwag na. Mareng, hindi 'yan maganda," suway ko pa sa kanya. "Mimi, hihingi lang. Reward ko kunwari," bulong din nito pabalik. Dinig kong tumikhim ang lalaki. Paglingon ko ay may inaabot na itong mangga. Halos pamulaan ako sa hiya. Sobra na nga sa isang kilo ang binili ko pagkatapos ay may bigay pa. "Naku, hindi na. Siya lang naman ang kakain nitong mangga. Baka masira lang at hindi niya maubos," tanggi ko. Kumibit balikat ito bago linagay sa hawak kong plastic ang mangga. "Kumain ka rin... Miss." Namilog pa ulit ang mga mata ko matapos niyang dagdagan pa ulit iyon ng isa. "Yehey! Thank you, Pare!" si Mareng. Napapikit ako sa hiya. Babayaran ko sana ngunit umiling ito. Nakipag-apir pa kay Mareng. "Suki mo na ako, Pare." Ngisi pa ni Mareng. "Mareng!" gigil na tawag ko. Inosente itong humarap at kumurap-kurap. Pinaningkitan ko siya ng tingin, tanda na hindi ko gusto ang inaakto niya. Lumikot ang tingin niya bago hinawakan ang kamay ko. "Sorry, Mimi. Sorry, Pare," hinging paumanhin nito. Kita kong dumiin ang tingin sa akin ng lalaki ngunit pinagsawalang bahala ko. "Pasensya na at salamat dito." Tinaas ko pa ang plastic ng manggang hawak. Giniya ko na paalis doon si Mareng. Kinakabahan na ako sa klase ng titig noong Drake. Kahit noong lingunin ko ay nasa amin pa rin ang tingin niya. Hindi ko mawari ngunit kinabahan ako bigla. Hindi ko rin sigurado kung dahil sa mga tattoo niya o dahil sa klase ng tingin niya. Ang alam ko lang ay hindi na ako bibili ulit sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD