I don't know if I should be happy that the last two weeks made me feel like this is my future life. A life with Draco and Mareng. "Are you sure you don't want to go with me to the store?" Yumakap ito sa bewang ko mula sa likod at inamoy pa ang balikat ko. I smiled and met his deep stare from the mirror. "Nope. Maghahanap ako ng trabaho." Umungol ito ng protesta at siniksik ang ulo sa leeg ko. Nakagat ko ang ibabang labi nang pumulupot din ang isa niya pang braso sa aking tiyan. "You can work on the Nearest Bank again. I can ask Gueco to hire you-" Wala sa oras na napaharap ako sa kanya at mabilis na tinakpan ang kanyang bibig. "Don't do that! I want to be accepted because I am qualified, not just because you said so." Umiling ako sa kanya at pinaningkitan din siya ng tingin. Hindi

