Jelly’s POV “K-kailangan ko po ba talaga na pag-aralan, Sir Luke?” nauutal na tanong ko sa harap ni Sir Luke. Ngayon pa lang ay hindi ko alam kung paano iraraos ang isang oras namin na usapan para mag-training daw ng self defense. May distansya ang layo naming dalawa ngayon... pero inaalala ko kung paano ako magre-react mamaya na kapag actual training na. Dahil alam ko naman na kailangan na magdikit ang mga katawan namin habang nagtuturo siya. Napapalunok ako habang pilit na nilalabanan ang malagkit na tingin ni Sir Luke. Parang ibang amo din ang tingin ko sa kanya. Ang kisig niyang tingnan sa karate costume na suot niya na kaparehas ng suot ko. Mas sanay ako na makita siya sa business suit o kaya naman sa simpleng pambahay na tshirt at shorts. “Of course, don’t you see?” seryosong sa

