Jelly’s POV “Sir Rome?” Agad napatayo mula sa sofa, sabay lingon sa akin si Sir Rome, ngumiti ako sa kanya pero nanatili itong nakatayo at nakatingin lang sa akin. Tila wala naman itong planong magsalita, kaya kusa na akong lumapit habang iniiwasan ang malagkit nitong tingin. “S-sir?” muling tawag ko at pinilit kong tignan siya ng derecho sa mata, kahit nahihirapan ako dahil nakakatunaw talaga ang titig niya. “H-hinahanap niyo daw po ako?” Tumikhim ako, at doon ay tila natauhan na si Sir at napansin na ang presensya ko. Ngumiti ito at lumabas ang mapuputi ngipin, napanganga na lang ako na mamasdan ang gwapong mukha ni Sir Rome. “I’m here to invite you,” sabi nito na hindi inaalis ang tingin sa akin. Pinilit kong labanan ang titig nito, pero sa huli ay ako rin ang sumuko, at binaling a

