CHAPTER 29 Jelly’s POV “Ate Lani, may naghahanap kay Ate Fe,” bungad ni Ate Che. “Nakita mo ba kung nasaan siya?” Narito ako ngayon sa kusina at naghahanda ng sandwich para sa mga bata na nasa garden na. Ngayong araw ay inaya ko sila mag picnic, para naman mag enjoy sila kahit papaano. Ilang linggo na lang ay pasukan at siyempre ay magiging busy sila sa schoolworks, kaya ngayon pa lang ay kailangan ko ng sulitin ang mga oras nila para makapag-enjoy. “Naku, baka sila na yung magsa-soundproof ng kwarto ni Sir Luke,” sagot ni Ate Lai na nakatingin sa refrigerator at nag-iinventory ng mga kailangan na bilhin sa grocery. Agad nitong sinarado ang ref at humarap kay Ate Che. “Sige, ako na ang haharap sa mga ‘yun, nabilin naman sa akin ni Ate Fe. At magche-check lang naman sila ng room, baka s

