Jelly’s POV “Jelly!” Tawag sabay katok mula sa pinto ng kwarto ko ang narinig ko, itinigil ko muna ang paglalagay mga damit sa maliit na maleta na dadalhin ko at agad kong binuksan at hinarap ang kasamahan na si Ate Che na nabungaran ko pagbukas. “Ate, bakit?” nagtatakang tanong ko. “Si Sir Rome kasi nasa gate, gusto kang makita, pinapapasok ko nga pero ayaw, doon mo na lang daw puntahan sa gate.” “Sige Ate pupuntahan ko muna.” Tumalikod na si Ate Che at naglakad sa hallway, at ako naman ay tinitigan saglit ang saradong pintuan ni Sir Luke. Bumuntong hininga ako, malamang ay tapos na itong mag-impake. Pinagmamadali pa naman ako ni Sir Luke dahil maglunch pa daw kami sa labas. Agad na akong nagpunta sa gate, pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Sir Rome. Ngumiti it

