♛♕♛ Isang magandang awitin ang ibinahagi ng mga bata bilang regalo at pagbati sa pagdating ng kanilang mga bisita na sina Zeren at Adelle. Isang awitin ng pasasalamat sa lahat ng naitulong ng binata sa mga lumipas na taon. Bawat mga bata ay nakahalera sa magkakasunod na upuan ayon sa kanilang laki at katangkaran. Nasa likuran ang medyo matatanda na at may katangkaran habang ang makukulit at maliliit naman ang nasa unahan. Hindi maiwasan nina Adelle at Zeren na matuwa sa kanilang pakikinig sa awitin, lalo na si Adelle na tila ba nais nang ampunin lahat ng bata sa loob ng bahay-ampunan. Nang matapos ang magandnag awitin ay pumalakpak lahat ng mga nakarinig at hindi mapigilan maging emosyonal ni Adelle kahit na para naman sa kasintahan ang awitin na binahagi ng mga bata. "Hindi ko ala

