♛♕♛ "Sigurado kang wala ka ng ibang nararamdaman ah," tanong ni Zeren habang naglalakad silang dalawa ni Adelle at papunta na sa main entrance ng mansion. Mabilis naman tumango si Adelle habang hawak ang kamay ng kaniyang nobyo at sabay silang lumabas sa mansion. "Ayos na ko, nais ko rin makalabas-labas para makahinga naman ako nang maluwag mula sa mga problema nitong mga nakaraan," tugon ni Adelle at ngumiti naman sa kaniya si Zeren saka siya ninto pinagbuksan ng pintuan ng karwahe. "Hayaan mo maggagala na muna tayo bago tayo magtungo sa lugar na sinasabi ko sa 'yo," saad ng binata at inalalayan nang makasampa si Adelle sa hagdan ng karwahe at pumasok na ito sa loob. Bago sumunod si Zeren sa pagsakay ay muli niyang nilingon si Richard kasama si Margarita at Rafael na iniintay ang pa

