SHAMIER'S POV Hindi ko inaasahan ang ganitong laban. Naman! Kagigising ko lang mula sa bangungot. Teka? Sino nga ba 'yon? Bakit nya ako gustong kunin? Bakit nya nais akong patayin? Ano naman bang atraso ko sa kanya? Akala ko mula ng mamatay sila Zyco at Xymon. Tapos na ang lahat. May kasunod pa pala. Nakakaasar naman. Sana lang talaga matapos na 'to. Sana mag-karoon na ng katahimikan sa Ghelion. Ok na, e. May paepal parin? Ano ba namang buhay 'to? “Draicon. Bugahan mo ng apoy ang mga 'yan.” Agad ay sinunod naman ako ni Draicon. Kaya naman agad ay tumba sila pero mukhang wala silang kamatayan? “Draicon. Ako na muna ang bahala. Isusumon nalang kita ulit. Salamat,” sabi ko at saka ko binalik na ulit si Draicon. May pakpak naman ako kaya 'di ko kailangang umasa ka

