SHRALIA'S POV Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ang narinig ko. Tila ba paulit-ulit itong nag pe-play sa utak ko. Ayaw ko na. Hindi ito maaari. Akala kapag bumalik ang anak ko at mapatay na nya si Xymon ay wala na. Pero tila nagkamali ako. Pano pagnalaman nya? Makakaya nya kaya? Malalabanan nya kaya? ***Flash back*** Sa pag-iisa ko sa silid ko may biglang lumitaw na hindi ko inaasahang mga bisita. Ang apat na god/goddess. What are they doing here? “Bakit kayo nandito?” tanong ko. “Hindi ko masabi kung isa itong masama o magandang balita,” saad ni Red. “A-anong ibig mong sabihin?” takang tanong ko. “Si Ghrelion. Buhay sya,” sagot naman nito na syang ikinalaki ng mga mata ko. “Ano?” hindi makapaniwalang sabi ko. “Buhay ang hari ng Ghelion,” nanghihi

