Prologue
PROLOGUE
Third Person's POV
Sa mundo ng Crystal Kingdom...
Malaking paghahandaan ang nagaganap dahil ngayun ang araw ng kaarawan ng kambal na prinsesa at prinsipe ng crystal kingdom.
Masasayang mga naglalarong bata, pagkakalat ng magic na magiging disenyo sa handaan. May mga nag luluto para sa gaganaping pagdiriwang. Busy at masaya ang masasabi sa handaang ito.
Maging ang mga ibang reyna't hari galing sa ibang kastilyo kasama ang mga kanilang anak ay nagsiratingan na rin.
Kanya-kanyang nagsi-upuan ang mga dumalo sa malaking pagdiriwang ng tumunog ang trumpeto na ibig sabihin ay nandiyan na ang mahal na reyna't hari ng Crystal Kingdom.
"Magandang ka crystalist at sa iba pang reyna't hari ng ibang kastilyo, Maraming-maraming salamat sa pag dalo sa kaarawan ng aking kambal na anak." Nakangiting saad ni haring Tyron David Crystal ng Crystal Kingdom. Dahil duon ay napuno ng sigawan at palakpakan ang Crystal kingdom.
"Ipakikilala ko nga pala ang aking kambal na anak, si Travis Alexander Crystal at Tiffany Astrea Crystal at ang aking panganay na anak na si Timothy Austin Crystal." Pag pakikilala ng mahal na reynang Amethyst Crystal sa kambal at sa kanyang panganay na anak. Kasabay nun ang paglabas ng tatlong bata, isang babae
Nga pala ang mga edad pala nila ay 3,3, and 5. Travis Alexander Crystal at Tiffany Astreria Crystal ay 3 taong gulang pero mas nauna ng 5 minuto si Travis kesa kay Tiffany at ang pang huli ay si Timothy Austin Crystal 5 taong gulang.
Sa kabilang mundo...
Habang nagkakasiyahan ang mga dumalo sa kaarawan ng kambal na prinsesa't prinsipe ay hindi nila alam na may masamang pinaplano ang mga taga Darko, ang mga Darko ay masasamang nilalang sila ay taga Dark kingdom lagi silang may masamang pinaplano dahil gusto nilang mag-harian sa mundo ng mahika, gusto nila na maging sila ang pinaka malakas.Gusto rin nilang sakupin pati ang mundo ng mga mortal, kung saan nanduon ang mga normal na tao, ang mga walang kapangyarihan o tinatawag na mahika.
Di alam ng mga reyna't hari at iba pang mga magicians na pasugod na ang mga darko, di naman nila inaasahan na susugod pala ang mga darko dahil kala na nila tatahimik na ang mundo nila, tsaka masyado silang nakapag-focus sa kasiyahan.
-MAKALIPAS ANG ORAS
Habang nagkakasiyahan ang mga nasa Crystal Kingdom ay may narinig silang malakas na pagsabog, agad na nataranta ang ibang magicians, at ang mga hari't reyna naman ay naging alerto kasama na dito ang mga kawal. Nag aabang lang sila habang naka tingin sa malaking pinto ng matumba ito at duon na nila nakita ang mga taga Dark Kingdom.
"Mga kawal! Ang ibang kawal ay sumama samin para makipaglaban at ang mga iba naman ay ilayo ang mga prinsipe't prinsesa at ang mga ibang tao!" Malakas na utos ng mahal na hari ng Crystal Kindom.
Agad namang nag sisunuran ang mga kawal sa utos ng mahal na hari.
"Magandang umaga mga cristalians? Di niyo man lang ba ako babatiin sa aking pag-dating? Tsaka isa pa bat di niyo manlang ako inimbita sa malaking pag diriwang na ito?"nakakatakot at nakangising sabi ng hari ng darko.
"Nakakalungkot naman na habang kayo ay nagkakasiyahan tapos kami ay hindi? Kaya naisipan kong makisaya rin dito sainyo." Kunyaring malungkot na tinig ng hari ng Dark Kingdom sabay ng nakakatakot na halakhak nito.
Nag-umpisa na nga ang laban. Nag espadahan, nag laban gamit ang apoy, tubig, hangin, lupa, yelo, at iba pang salamangka laban sa itim na mahika.
Maraming nagkalat na dugo galing sa sugatan at patay na mga kawal. Nanghihina na rin ang iba pang mga hari't reyna.
"Amethyst..." Hinihingal na tawag ng hari sa reyna habang nakikipaglaban sa mga darko.
"Ano iyon Tyron?" Nahihirapan at hinihingal rin na sabi ng reyna.
"I-itakas m-mo s-si A-astrea dah-il siya ang p-puntirya na-nang ha-hari ng Dark Kingom..." Nahihirapan at utal-utal na sabi ng hari.
"Ano?! Nahihibang kanaba? Hindi! Hindi kita iiwan dito mag isa, diba nangako tayo sa isa't isa na walang iwanan? Kaya hindi ako papayag na iwan ka dito, sasamahan kita hangang sa huli kong hininga" Naluluha ngunit mariin na saad ng Reyna Amethyst.
"Pero Amethyst! Anak natin! Ang anak natin ay nanga-nganib ang buhay! Sa tingin mo ba hahayaan ko na lang yun? Hayaan mo ako ang mamatay dito pero dapat ikaw itakas mo si Astreria, kayong dalawa pumunta kayo sa mundo ng mga tao at duon mo palakihin si Astrea mamuhay kayo dun ng mapayapa!" Mariing utos ng hari ngunit ang totoo ay nasasaktan na rin siya sa sinasabi niya kaya naiiyak na rin ito.
"Naiintindihan kita Tyron! Pero sana intindihin mo rin naman yung gusto ko..." Mariin na saad ng reyna. "Jillian! Nasaan ka?" Tawag ng reyna Amethyst taga pag silbi ng palasyo na si Jillian.
"Ano iyon mahal na Reyna?" Saad ni Jillian.
"Kunin mo si Astreria, palakihin mo siya ng maayos, ibahin mo na rin ang pangalan niya. Pumunta kayo sa mundo ng mga tao at manirahan kayo duon, dalhin mo uli siya dito pag-kasapit niya ng 18 taong gulang, isama mo na rin ang anak mong lalake." Mahaba at lumuluhang sambit ng reyna kay Jillian, hindi niya man gustong mawalay sa anak niyang babae ay pero kailangan, kaya wala siyang magagawa kundi ito lamang dahil ayaw niya rin namang iwan ang asawa niya na si Tyron.
"Masusunod mahal kong kapatid." Saad ni Amber sabay yuko tanda ng pag-galang.
"Mag iingat ka Jillian..." Huling saad ni Reynang Amethyst, kasabay ng pag bubukas ng lagusan papuntang mortal world.
Pumasok na nga si Amber sa lagusan at agad naman itong sumara pag katapos niyang makapasok dahil para hindi siya masundan ng mga taga darko.
Sa mundo ng Crystal Kingdom...
Sa huli ay natalo ang mga taga darko dahil dumating ang mga diyos at diyosa pero bago yun ay may sinabi pa siya...
"Sa ngayon ay natalo niyo kami pero di pa ito ang katapusan! Mag hintay kayo, mag hintay kayo at mapapasakin rin ang buong mundo ng mahika at mundo ng mga mortal! Ako ang magiging pinaka malakas sa buong mundo, tandaan niyo yan..." Sabay ng pag alis nila.
---