CHAPTER 52

1603 Words
Mukha tuloy kaming mga hayok sa chismis kung makalapit. Tumawa muna siya bago magsalita. "Kilala niyo si Aica Sonunan? ''Yong ABM-IV?" Tanong niya na siyang nagpatango sa mga kaibigan ko. Tch. How could I forget her, e siya lang naman 'yong taong minsang gumulo ng life ko. Kinuha niya ang cellphone niya, at namataan ko na binibaan niya ang brightness ito, ni-landscape pa niya bago pinakita sa amin. "May scandal siya, want to send in our gc?" And then he smirked. Sabay-sabay naming sinabi ang pangalan ni Levy at ang iba kong kaibigan ay binatukan siya. Mangiyak-ngiyak tuloy niyang hinimas iyon dahil panigurado ang pinakamalakas na hampas ay kay Suze o Sebi. Pagdating talaga sa sc*ndal-thingy, palagi siyang active. Hindi siguro 'to nawawalan ng mga sc*ndal sa cellphone niya. We continued our eating and I brought up the topic again. "May proof ba na siya 'yong nasa vid? E, face lang naman ng guy 'yong kita," I stated. "T*nga, panoorin mo kasi ng malaman mo. Hindi man kita 'yong mukha ni Aica, may angle pa rin na may kahawig niya!" pakikipagtalo naman ni Levy na may subo-subo pang fries. "T*nga ka rin, ba't ko papanoorin? Buhay pa ako, nasusunog na kalululuwa ko sa impyerno." He grimaced. "Tsh. Ayaw mo n'on may pantakot ka na r'yan sa enemy mo. Balita ko nakipagresbak ka pa r'yan no'ng summer." I throw him a deadly glare. "Bibig mo, papreno." "Totoo naman, ah? May video pa nga 'yong—" I didn't let him to finish what he was going to say. "Pasabi sa kaibigan mong bulok, i-delete. Masiyado na 'kong sikat para malaman pa n'ya." Naramdaman kong palipat-lipat lang nang tingin ang mga kasama ko sa aming dalawa, na kung sino ang nagsasalita roon ma-di-divert ang atensiyon nila. Levy scoffed. "Yabang, ang hangin pa. Ikaw na nga tinutulungan na makaganti kay Aica." He rolled his eyes. I looked at him with disbelief. "Tulong? Ang t*nga talaga nito, ni hindi nga sigurado na si Aica 'yon ta's gusto mo na gamitin ko 'yang sc*ndal-thingy mo para lang gumanti sa kaniya?" "Why not? If that's the only thing that will scare her." He then shrugged. "Kalat na rin naman sa buong school na si Aica 'yan, lakas pa nga ng loob pumasok e." "Well, if she has the courage to attend the class despite the sc*ndal-thingy that she had, it means she is not in the video!" Pagtatanggol ko pa rin kay Aica, dahil alam ko na kahit gagita siya hindi niya gagawin 'yong bagay na 'yon. "Kung hindi siya 'yon, e 'di sino?" he asked. I shrugged. "I don't know. Maybe impersonator?" Tumawa naman siya nang malala, kaya ang iba naming kasama sa table ay nakitawa na rin. Hindi ko alam kung naniniwala talaga sila na si Aica 'yong nasa video. Kahit hindi ko naman panoorin, may nakita rin naman ako kanina no'ng saglit na pinakita ni Levy 'yong video. Hindi masiyadong kahawig ng hubog ng katawan ni Aica 'yon, at morena ang skin ng nasa video. E, si Aica ay hindi ganoong maitim at morena. Maputi siya. Malalaman mo na agad na si Aica 'yon kahit sa malayo dahil lutang talaga ang pagkaputi niya. Kaya I'm not convinced that Aica is the one who is in the video. "Sus tama na 'yan kesho si Aica o hinde, e, ano bang paki natin, niyo?" singit naman ni Denise. "Luh ba't ako?" patay-malisya na sabi ni Suze. Denise looked at her with a disgust plastered on her face. "Sus, hindi Suze." She emphasized the difference between the two. Especially in the letter Z. Suze just nod as if he was dead malice. Lakas din maka-inosente ng siraulong 'yon. Mabilis naming natapos ang pagkain namin, at mayroon pa kaming 15 minutes bago mag-umpisa muli ang afternoon classes. Inaayos na namin ang mga gamit namin, nang magsimulang mag-ingay ang paligid. We looked so confused about what was happening, when we realized that there were a group of guys who were now walking towards our direction. Nakita ko naman na aligagang inaayos ni Iyah ang gamit niya at ang iba ay nahulog pa. "Iyah bebe mo, papunta rito," saad ni Suze na siya kong pinagtaka. I was about to confront Iyah, when the guy who is the tallest among the four called Iyah. "Akifina, can we talk?" he sounds so good. His baritone voice well suit to his face, that makes Nadine, and Roxanne blushed. Akifina naman kasi talaga ang tawag sa kaniya, ako lang talaga 'tong maarteng gumawa ng sarili kong nickname para sa kaniya. Makikita naman sa mga mukha nina Denise at Sebi ang pagka-disgusto sa lalaki. Samantalang si Levy ay walang pakialam sa nangyayari at si Suze na para bang sanay na sa kaniyang nakikita. I heard students murmur something. I was about to stand up, when Iyah hold my hand under the table. She smiled. "Ako na, sasama ako." She stood up, and walked away without waiting for the four guys with her. We left dumbfounded about what happened. Lumapit ako kay Suze at kinalabit siya. "Sino 'yong guy? Siya ba 'yong Zeus?" I asked. "Yeah, may something sa dalawang 'yan. Ewan ko ba bahala sila sa buhay nila." He looked at me for a second and bowed his head in the table. I quickly get my phone and texted Iyah. "Hoy umuwi kaagad sa dorm mamaya, magkuwento ka sa akin." Hindi ko na siya hinintay pang mag-reply at niyaya na ang mga kaibigan ko na bumalik sa room. Sabay-sabay naman kaming lumabas ng canteen, kaso nagkahiwa-hiwalay din nang dumaan na kami sa guidance office. Hindi ko pa rin mawari kung bakit kailangan magtago ng mga ganoong bagay sa akin si Iyah. 'Yon din ata 'yong guy na 'yon kung bakit siya napalipat sa STEM? Bukod kasi sa gusto niya talagang maging Architect, may malaking factor din na ng dahil sa Zeus na 'yon kaya siya lumipat. Ugh. Nakakainis na talaga si Iyah, natututo na siyang maglihim sa akin ng mga bagay na p'wede niyang sabihin. Mabilis na natapos ang klase namin, at wala ulit kaming last subject. Nag-iwan lang ng ilang activity ang teacher namin sa Gen Math, at pina-review na lang sa amin ang mga naging topic namin, para maging ready na kami sa exam. My phone vibrated and I got a message from Khirro. "Babe! I'm here in the coffee shop, waiting for you." He even send me a picture holding a cup of coffee with a wide smile plastered on his face. Cute. I just reply 'okay' and texted Iyah once again. "Hindi ko alam kung anong oras ako makakauwi, basta make sure na hindi kita mauunahan Iyah, sinasabi ko sa 'yo may paglalagyan ka sa akin." Hindi ko na hinintay ang reply niya at inayos ang gamit ko, maagang umuwi si Sebi at Denise para mag-review sa darating namin na exam. Hindi ko na sila pinigilan pa, dahil kasama ko na naman si Khirro at wala akong ideya kung saan kami pupunta. I checked the time on my wristwatch and it was already 5:15 PM. I looked at the sky, and I smiled quickly when the color of the sky was orange and yellow. It means there is a beautiful sunset that is going to happen later, and I need to convince Khirro to go to the park to witness the sunset. This is probably our first time together, seeing the beautiful sun setting down peacefully. Pagkapasok ko sa loob ng coffee shop, nahagip na agad ng mga mata ko si Khirro na nakaupo malapit sa counter at bahagyang nakakunot ang nga noo. "What's with the creased forehead?" I asked as I sat down infront of him. He looked at me and smiled. "None. What do you want?" Tinignan ko ang menu na nasa harap ko at wala naman akong ibang in-order sa coffee shop na 'to kundi cappuccino, and a bread roll chocolate. Minsan din um-order ako ng frappe or milk shake, kasi 'yon naman talaga ang mga best seller sa kanila. "I'll go with cappuccino and bread roll chocolate." "Hows your day?" tanong niya nang makabalik siya dala-dala na ang order ko. "Stressful as usual. Nakakapagod pero nandiyan ka naman so wala na." I smiled and I saw in my peripheral vision that he blushed. Slight lang. "How about you? Ano ginawa mo?" I asked while eating the cake. "Nothing, it just a usual day for me." He then shrugged. I scanned his body. Malalaman mo talaga na batak talaga siya sa gym, base pa lang sa pangagatawan niya. His broad shoulder are suit him perfectly. I must say that his biceps are all in good shape. Bigla kong naisip na yayayain ko nga pala siya na pumuntang park mamaya para ma-witness namin ang sunset. So I ask where we are going. "Sa'n nga pala tayo pupunta?" I asked. Pinatong niya ang kaniyang kamay sa table at patunghay na tumingin sa akin. "You, where do you want to go?" I smiled widely. "Sa park! May sunset maya-maya. Let's go there and witness it together!" I cheerfully said. Bahagya pa siyang natigilan sa sinabi ko, so I snapped in front of him. "Hey!" "Ah, yeah." Iyon lang ang sinabi niya, at may kinalikot na agad sa cellphone niya. Hindi ko na lang pinansin ang mga bagay na 'yon, dahil baka gano'n lang talaga siyang mag-react. This day, is the day. I'll answer him na. It's almost two months na rin simula no'ng nanligaw siya, and I guess that's enough. Gusto at mahal ko rin naman siya so bakit patatagalin pa? I can't wait to spend the rest of the sunsets with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD