CHAPTER 51

1985 Words
"So literal na ginulat talaga tayo ni Ms. Dalia? Jusko, pa-easy easy lang ako no'ng week end ta's ngayong Monday morning siya magsasabi na ngayon bibisita 'yong mga board of directors? K*nginang buhay 'to! Saksakin niyo na lang ako!" pag-iinarteng saad ni Denise habang papasok kami sa loob ng school. Talaga namang ginulat kami ni Ms. Dalia dahil wala siyang sinabing specific time and date no'ng last meeting. Ta's bigla siyang magcha-chat sa gc na "Be ready guys. Today is the day." E, halos paalis na sa mga bahay nila 'yong mga estudyante no'ng chinat niya 'yon. Baka talaga may galit sa amin 'yong teacher na 'yon! "Let's ditch the class! Let's ditch the class!" pandedemonyong paulit-ulit na saad ni Sebi na may kasama pang pagtalon na para bang mareresolba n'on ang problema namin ngayon. Umiling na lang ako sa mga sinasabi nila, dahil alam kong panigurado na kahit hindi sila nag-review may maisasagot pa rin sila mamaya. Sus, takot lang nila sa mga magulang nila kapag nag-failed sila. My mind is still occupied with what happened on Sakiya. She refused to tell me everything and she always said that she was okay. Ayoko naman siyang pilitin sa mga bagay na ayaw niya pang sabihin. Kilala ko naman siya kapag hindi na niya kaya, lalapit siya. Pero bakit nag-iba na? Bakit kasi lumipat pa siya ng strand. Babantayan ko na lang ang every action niya. Bibisitahin ko na lang din siya mamaya. I need to assure that she's okay everytime, especially since she had this side of suicidal behaviour. Nakalagpas na siya rito noon, so I make sure she will overcome it again. Naramdaman ko naman na may pumitik sa noo ko, at nagulat ako nang makitang si Suze ito. Tinignan ko pa rin siya nang masama at bahagyang hinimas ang noo ko. "Isa pa? Wait buwelo lang ako." At talaga namang uulitin pa niya. "Tss. Ano bang problema mo? Ang aga-aga ang sarap mong ilibing!" He just smiled and patted my hair. "Tinawag kita roon sa loob ng room niyo, ta's lumabas ka nang parang wala sa sarili. So what's the tea?" Lumapit pa siya sa akin para ibulong ang tanong niya. Lumapit din ako at bumulong sa kaniya. "Bumalik ka na sa room niyo at baka ikaw pa po ang gawin kong tea." I smiled and I was about to walked away when he shouted. "Sabay tayong lunch mamaya!" Napangiti na lang ako at hindi na siya pinansin. Naramdaman ko naman ang mapanghusgang tingin sa akin ng mga kaklase ko kaya bahagya ko silang sinamaan nang tingin. "Kaibigan ko 'yon, 'wag kayong tamang hinila!" "'Wag ka ring tamang defensive!" Sabay pang sinabi iyon ni Denise at Sebi kasabay ng pagbatok sa akin. Sinamaan ko sila nang tingin. "Napaka niyo, kaibigan naman natin 'yon, ah!" Hindi nila ako pinansin at inumpisahan na nilang review-hin ang magiging topic namin sa Oral Communication. Ilang minuto na lang din kasi, mag-uumpisa na ang pag-oobserve sa amin. I decided to text Khirro since I didn't call him last night. Wala rin kasi silang class today dahil may ginagawa raw something ang mga teachers nila. STEM-I lang naman ang wala and the rest of the section ay mayroon na. Pero nag chat naman ako sa kaniya kanina kaso 'di pa siya nagre-respond. "Hi good morning again! Don't forget to eat your breakfast, I know you did a great job. Just rest." Natapos na rin kasi ang finals nila, at hindi pa rin kami nagkikita simula noong last na pagkikita namin. Puro call and texts lang pero naiintindihan ko naman iyon kaya wala akong masiyadong nagiging reklamo. Ngayon week na rin ang finals namin then after this week, undas break na! Wala pa akong masiyadong plan sa Undas, but I think I will go home to visit my parents in Cebu and spend it with them. I just missed them so much. I got a reply from Khirro, and I quickly checked it. "Hi babe good morning. I'll pick you up later, study hard. I love you." Napangiti naman ako sa sinabi niya at sapat na dahilan na 'yon para maging maganda ang araw ko. Naging maayos ang pag-oobserve sa amin ng tatlong board of directors. Kahit na late na nasabi sa amin ni Ms. Dalia naging maayos pa rin ang daloy nito. Nagulat pa nga si Ms. dahil hindi niya akalain na makakasabay kaming lahat sa tinatanong niya. 'Yong iba kasing tinatanong niya ay no'ng mga nakaraang topic pa at mga pang next week na topic, buti na lang talaga masisipag ang mga kaklase ko. Tch. nag-group study kaya kami no'ng nakaraang araw. "Good job class. I didn't expect that all of you would participate to this observation. Because of that, your section will be exempted from final exam this coming Thursday and Friday. Class dismissed." She fixed her things before she walked away. Saktong pagkalabas naman ni Ms. Dalia nagkagulo ang mga kaklase ko. Mayroong mga natuwa na akala mo'y isang malaking achievement na iyon sa kanila. Ang iba naman ay walang pakialam, at diretsong lumabas kahit 'di pa lunch. We still have 15 minutes before lunch, so we end up staying in the room for a while. I texted Khirro. "Hello! I hope you gain a lot of rest today. Eat your lunch mwa!" Minutes after I received a reply. "Hi babe! Yeah, as of now I'm here in the gym with my friend, Gab. Don't forget to eat your lunch too. I love you." I quickly respond. "Yes, yes. Be safe. See you later!" Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at tinago na lang ito habang nakikinig sa kaklase kong nagra-rant sa harap. "Sus, kahit naman hindi tayo exempted doon sa exam niya, mapapasa rin natin 'yon. Tch!" reklamo ni Carlo. "Agree, and easy easy ng mga lesson niya 'no," sabat naman ni Andrew. "Hoy mga impakto kayo! Kung hindi ko pa kayo binulungan ng sagot kanina paniguradong galit sa 'tin 'yon si Ms. Dalia!" reklamo naman ni Janna habang tinuturo pa si Carlo at Andrew. Nagsitawanan naman ang mga kaklase ko at nagpatuloy lang sila sa pag-aasaran. "Ang dami niyong satsat. Isipin niyo na lang na one week na lang tapos Undas Break na!" saad ni Lorencio. "Magsi-lunch na kayo, gutom na utak niyo," dagdag pa niya bago siya lumabas. Sumunod naman sa kaniya ang mga kaibigan niya na sina Carlo at Andrew. Inayos ko na rin ang gamit ko, at tinapik si Denise na kasalukuyang nakayuko. "Hoy tara na, ba't nagdadasal ka pa r'yan?" May ginawa na naman 'tong kababalaghan kagabi, kaya puyat ngayon. Inangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin na nagtataka. "Sino ka? Who are you? Your name please?" Babatukan ko na siya nang unahan ako ni Sebi. "Ang dami mong pakulo sa buhay! Tayo na't lumarga nagugutom na ako." Nauna nang lumabas si Sebi, at hinihintay ko na lang na ayusin ni Denise ang gamit niya. While waiting for her I texted Iyah. "Hintayin mo kami sa canteen, sa dating place papunta na kami r'yan. Nakatanggap din naman ako ng reply kaagad. "Oks na nandito na kami, kasama ko si Suzeurto." Hindi ko na pinansin ang reply niya at nag-umpisa nang maglakad papunta sa canteen. Lately ko lang din nalaman na magkaklase pala si Iyah at Suze at parehas silang STEM-II. Si Khirro at Ciara ay parehas na STEM-I. Samantalang si Roxanne at Levy ay HUMSS-I at si Nadine ay sa TVL-Culinary Arts. Si Nadine lang talaga ang walang kasama sa section niya na kaibigan namin. But I heard from some students that she had this circle of friends that she belongs to. Ang alam ko close rin sina Roxanne at Nadine kaya hindi na rin masama. Minsan na lang din kaming nagkakasama dahil busy sa pag-aaral, lalo pa't lahat kami ay may finals na. Mayroon din kaming gc, pero p'wede na siyang libingan sa sobrang tahimik. Naging maingay naman 'yon no'ng mga panahong wala pa kaming iniintindi. Marahil mamaya at mag-uumpisa na ulit 'yon mag-ingay dahil lahat kami ay tapos na ang finals. Palagi namang si Levy o si Suze ang nag-uumpisa ng ingay sa gc namin. At palaging si Sebi ang nag-aaya ng mga gala namin, lalo pa't one Undas break ang mayroon kami. Pagkapasok namin sa canteen boses agad ni Iyah ang narinig namin habang kumakaway siya. Nagtaka pa ako dahil ang dami nila sa table namin. Isa lang din ang ibig sabihin n'on. Nandoon lahat ng mga kaibigan namin. Patakbo akong lumapit sa table sa sobrang sabik na makita sila. Minsanan lang din kaming sabay-sabay na kumain ng lunch, dahil minsan hindi rin same ang oras namin. Una akong lumapit kay Nadine na ngayon ay nakalahad na ang mga braso para yakapin ako. "Hala gaga, na-miss kita! Kumusta sa resto? Tanggal na ba ako?" sunod-sunod na tanong ko. Inismiran naman niya ako. "Don't ask questions at the same time, tch!" And then she crossed her arms. Ayaw niya nga pala 'yon. I was about to ask again when she halted me. "Okay naman! Alam na rin naman ni Mrs. Villanasis, kaso medyo galit kasi ba't hindi mo raw napapagsabay samantalang ako raw keme-thingy niya," saad niya. "Hayaan mo na 'yon, basta okay kay Sir Khirro." Nag-iba naman ang boses niya nang sinabi niya iyon. Kaya inilingan ko na lang siya. Lumapit din ako kay Roxanne na madalang ko na lang din makita sa dorm dahil sa sobrang busy. "Hoy laughter-buddy! Na-miss kita! Same dorm lang tayo pero 'di pa tayo nagkikita." Yumakap ako kay Roxanne at tumawa. Tawa lang din ang naging tugon niya. Lumapit ako kay Levy na ngayon ay may masamang timpla ang mukha. Nakipag-fist bomb na lang ako at hindi naman siya umarte. Subukan lang niya, hindi ko siya pasasabayin sa amin. Minsan na lang din kaming mag-asaran ni Levy dahil palagi ako ang pikon sa aming dalawa. Sa t'wing napipikon ko it's either puwersahan ko talaga siyang paaalisin o sasaktan ko siya. Na-trauma na 'ata no'ng ginawa ko 'yon sa kaniya. Umupo naman ako sa tabi ni Iyah na ngayon ay may kinakalikot sa cellphone niya. I nudged at her. "Hoy libre naman d'yan!" "Ay libre!" Nagulat pa siya at dali-daling tinago ang cellphone niya. Sinamaan naman niya ako nang tingin at kinurot ang hita ko. Napakasamang nilalang nito, bakit ko nga naging kaibigan 'to? Narinig ko naman na may tumikhim sa sa bandang kanan ko. "Hindi mo man lang ba ang yayakapin o babatiin?" Suze stated and he pouted like a child. "Halika rito, payakap sa leeg!" Inamba ko pa ang braso ko para yakapin siya. He just nodded interestingly. At talaga namang lumapit pa. Tinawanan tuloy siya ng mga kaibigan namin. "So anong order niyo? Hang-out tayo sa Sunday. Present dapat lahat! Wala ng excuse-excuse!" magiliw na saad ni Sebi at tumayo para kunin ang ipapabiling pagkain ng mga kaibigan ko. We decided to buy the Barkada Meal para hindi na mahirapan si Sebi na alalahanin 'yon. Sakto lang din naman sa amin 'yon, kaya mabubusog kami. Habang hinihintay ang order, kinamusta ko sila. "So tapos na finals niyo?" "This week kami, sa Thursday ang Friday," saad ni Nadine. "Same," sabay na saad naman ni Roxanne at Levy. "Last week kami. Ang daya nga e, walang pasok STEM-I tas's kami mayroon. Lord anak niyo ho ba ako?" Suze exaggeratedly said and he even clasped his palm. Our friends just laughed at him, and their shook his head. "Napaka OA talaga ni Suzuerto ever since," saad ni Levy na ngayon ay may kinakalikot sa kaniyang telepono. Suze didn't respond to him, and he just tried to roll his eyes. But it ended up like he was not accustomed to that action. Tinawanan lang siya ng mga kaibigan namin, at sakto rin na dumating si Sebi na dala na ang mga pagkain namin. "Guys I have a tea!" Interesadong tuloy kaming lumapit kay Levy nang bigla niya iyong sabihin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD