CHAPTER 54

3498 Words
Kinuha ko ang bottled water ko sa bag at inumpisahan itong inumin. Masiyadong natuyot ang utak ko dahil sa mga tanong na hindi ko inaasahan habang sinasagutan ang mga subjects namin para sa final exam. Hinihintay na lang namin ang adviser namin bago kami umuwi. Sana lang talaga maging maaayos ang resulta ng exam ko. Hindi naman ako takot bumagsak o ano, sadyang may bagay lang talaga na ayaw kong ma-dissapoint 'yong mga magulang ko. I'm not smart. I'm just an average student who can be fail as well as pass. "Good job class! I know all of you did well today. This day would be our last meeting, because next week is Undas Break. I know all of you did hard work for this and I'm so very much grateful because I have you, all of you as my students. The result of the exam will be announced three weeks from now, and no matter what the outcome of it, be happy because you did your best. Have a safe Undas Break my fellow students. Class dismissed." Our adviser smiled, and fix his things before he goes to his table at the back. "Grabe naman 'yong speech ni Sir. akala mo naman namamaalam na," bulong ni Carlo habang inaayos ang gamit niya. Nagsitawanan naman kaming malapit sa kaniya. "Baka kasi, mamimiss tayo, 'no?" gatong na saad naman ni Andrew. Hindi ko na lang sila pinansin and I just shook my head at them. Sina Denise at Sebi ay busy sa kakaayos ng gamit nila lalo pa't nalipat ngayong araw ang gala o hang-out naming magkakaibigan. Friday kasi ngayon, at kumpleto kami. Wala ako bukas, because I'll spend my whole day with Khirro. Sa Sunday naman ang uwi ng mga kaibigan ko sa mga parents nila to spend the Undas Break. Kaya nagdesisyon kami na ngayong araw na lang since lahat naman kami ay may free time. Pero wala pa rin kaming desisyon kung saan kami pupunta at paano namin sasayangin at magpapakasaya mamaya. Naghihintay na ang mag kaibigan namin sa Bani Hall, at kaming tatlo na lang ata ang wala roon. I felt my phone vibrated. I instantly check it. It was a message coming from our group chat. Walang kuwentang gc "Klaire, Sebi, Denise nasan na kayo? Tulog na mga kasama ko rito." Text ni Roxanne. All of them seen the message of Roxanne. I replied. "Akala ko tulog?" Nag-haha react lang sila sa tanong ko, pero nakitang ko nagta-type ng message si Levy. "Ang bobo nila. Nasa'n na ba kasi kayo ang tagal, ha?" Sineen ko na lang ang last message ni Levy and I texted Khirro. "Babe, 'wag mo na 'kong sunduin, may gala kami ng mga friends ko. I'll call you later na lang." Minutes after he replied. "Can I come? insert the pouty face." I laughed. Naiimagine ko na tuloy 'yong face niya habang sinasabi niya iyon. As much as I wanted to include him. I can't. Ang pangit namang tignan na ako lang ang may dalang boyfriend sa kanilang lahat. At baka hindi ko pa sila maasikaso kung sakaling may gawin silang kagimbal-gimbal. "Hindi p'wede e, may alis naman tayo bukas right? See you! I love you!" I didn't wait for his response, and we started to walk to the Bani Hall. After what happened to me three days ago, up until now I'm still confused. Hindi ko na alam ang gagawin ko, hinayaan ko na lang ang sarili ko na tandaan ang dapat tandaan at maging handa sa mga bagay na magpapagulat sa akin kung sakiling matandaan ko na ito lahat. Nagising na lang ako no'ng araw na iyon na nasa kama ko, at may kirot ng kaunti sa aking sentido. Hindi nagawang magtanong sa akin ni Iyah marahil ay alam na niya ang nangyari. And up until now, wala pa rin siyang sinasabi sa 'kin. Tanda ko pa rin hanggang ngayon, kung papaano siya umiyak noon sa akin, at kung paano niya sabihan na hindi ko pa dapat matandaan ang lahat. Ayoko siyang tanungin sa nangyaring iyon, at gusto kong magkusa siyang sabihin sa akin. We've been friends for almost one decade, and only now did I feel suspicious about her. At hanggang ngayon hindi pa rin kami nakakapag-usap nang maayos patungkol sa lalaking Zeus na iyon sa daming nangyari. Mas naging busy ako sa final exam reviewer ko at bibihira ko na lang din maabutan si Iyah sa dorm. It's either I'm sleep when she got home, or she already left in the morning. Hindi naman kasi parehas ng schedule kaya minsan ay siya ang nauuna pumasok o ako. Minsan na lang din kaming magsabay sa pagpasok at pag-uwi, pero palagi ko naman siyang kasabay mag-lunch. Ayoko siyang komprontahin sa harap ng kaibigan namin, kaya bago ako umuwi papuntang Cebu I'll talked to her intensively. Napansin ko rin nitong mga nakaraang araw masiyadong naging weird sa akin si Khirro, he even more become clingy at me. Hindi ako nasanay sa ganoon niya kaya hanggang ngayon ay nag-aadjust pa rin ako. Sa t'wing dalawa lang kaming magkasama, palagi siyang nakayakap sa akin, at palaging gustong niya na hindi nawawala ang atensiyon niya sa akin. Tinatanong ko naman siya kung bakit nagiging iba ang akto niya palagi niya lang sinasabi na "I just missed you so much." E, halos araw-araw ko naman siyang kasama, halos araw-araw ko rin siyang katawagan at ka-text. Hindi ko na lang iyon pinansin at baka ganoon ang soft side niya when it comes to entering a relationship. Nakarating kami sa Bani Hall ng hindi ko man lang namalayan. "'Wag isama si Klaire, masiyadong occupied utak!" biglang saad ni Sebi nang umupo siya sa bench katabi ni Suze. Sinamaan ko naman siya nang tingin at umupo sa tabi ni Iyah, sumunod naman sa 'kin si Denise at umupo sa tabi ko. "Masiyado kasing 'di namamansin kanina! Halos naka-ilang beses na namin siyang tinawag parang wala sa hulog!" gatong naman ni Denise. Tinawanan siya nang iba namin ng mga kasama at sumimangot lang ako sa kanila. Hindi sila suportado sa pagiging walang hulog ko! "Teka sa'n tayo? Baka sa park na naman? Jusko mag-isip kayo ng bago, mga wala kayong taste," saad ni Levy na ngayon ay inaayos na ang gamit niya. "E, roon lang naman available na place e, saan pa ba?" dagdag ni Nadine. Napaisip naman ang mga kasama ko, at napansin ko ang iba sa kanila ay tinignan si Denise. Patay malisya siyang tumingin sa amin habang subo-subo ang kaniyang lollipop. She even arched her brow. "Bakit?" Ang iba sa amin ay sinukbit na ang mga bag sa balikat nila at naglakad papunta sa parking lot. Narinig ko pang sumigaw si Levy. "Sa condo tayo ni Denise!" Aligagang tumayo si Denise at hinabol si Levy na ngayon ay papasok na sa dalang medium van niya. Sa aming lahat na magkakaibigan, si Denise ang masasabing kong mas angat sa amin pagdating sa pera. She had a condo in Arkyala Building, malapit lang din iyon sa school kaya minsan ay hindi na siya nagdadala ng sasakyan. Ewan ko lang ngayon at kung bakit naisipan niya. Sa huli napapayag namin si Denise na aksayahin ang natitirang araw sa condo niya. Nasa passenger seat si Sebi at kaming lahat na natira ay nasa rear seats. Katabi ko si Iyah sa kanan at katabi ko sa kaliwa si Denise magkatabi naman si Roxanne at Nadine at sina Levy at Suze. Halos walang puwang sa amin ang katahimikan habang nakasakay kami sa van niya. "Ehem, baka may available kayong ibang kotse, sa amin na lang." Kunwari pang naubo si Levy nang sabihin niya iyon kay Denise. Tumawa naman kami, at inlingan siya dahil masiyado siyang straight forward kung magsalita. Halatang walang biro ang mga sinasabi niya. Nang nasa elevator na kami, nagtulakan pa kami kung sino ang pipindot papunta sa floor ng condo ni Denise e may elevator girl naman doon para asikasuhin kami. "Hello, please quite po. Baka mapaalis po kayo agad," sabi ni elavator girl na halata naman ang pagkainis sa kaniyang mukha. Pero dahil dakilang bitchessa si Sebi, bahagya niya itong dinunggol kaya bago kami lumabas, muntikan pang malaglag si elavator girl sa upuan niya. She gave us deadly glare. Tinawanan namin iyon, at patakbo kaming sumunod kay Denise na pumasok sa isang pintuan na kulay puti. Pasalampak na umupo sina Sebi, Denise at Levy sa couch dahil hindi na ito ang unang beses na pumunta kami, sila rito. Samantalang sina Nadine, Iyah, Roxanne at Suze ay parang mga batang pinagalitan ng nanay at nakaupo lang sa gilid. Makikita ang pagkamangha sa mga mata nila, dahil literal na kaakit-akit ang condo ni Denise. Hindi ito gaanong kalaki hindi rin naman gaanong kaliit. Babagay na nga ang isang pamilya sa condo niya. I checked the time at my wristwatch and it's already 5:45 PM. Hindi ko alam kung may balak silang umuwi, at buti na lang na-i-lock ko ang dorm kanina. "Guys feel at home, 'wag kayong mahiya parang hindi kaibigan e." Pumasok si Denise sa room niya at nagbihis. Dali-dali namang tumayo sina Roxanne, Nadine, Iyah, at Suze at kaniya-kaniyang sumalampak sa mga couch nang sinabi iyon ni Denise. Sebi opend the TV and he even fix it so that we can watch Neftlix. Kumuha naman ng pagkain si Levy at sinama niya si Suze na aarteng tatanggi pa pero pinandilatan ko siya ng mata. Masiyado silang awkward kung kumilos kahit pa sinabi ni Denise na feel at home Um-order si Denise sa isang fast food chain habang nagkalat na ang ibang bote ng alak sa coffee table niya. We've been drinking for almost one hour at ang medyo sumusuko na ay si Nadine. Mababa raw kasi ang alcohol tolerance niya kumpara sa aming lahat. We're watching "The 8th Night" in Neftlix. Pangalawang movie na naman itong pinapanood na horror, pero halos lahat kami ay sumisigaw lang dahil sa gulat o takot. Kaya ang ending hindi naman naiintindihan masiyado dahil palaging nasasapawan ng gulat namin, na ang mas matindi ang kay Sebi. "Guys, guys! I have a question." Roxanne raised her hands as if she was being called by teacher. Suze paused the movie, and we looked at Roxanne. She looks a bit drunk, but she managed to composed herself. "What do you guys achieve ten years from now?" She asked with a wide smile pressed on her lips. All of us nodded. Napaisip ang iba sa amin, pero si Roxanne pa rin ang unang sumagot. "Ako, I want to become a policewoman. Gusto kong baguhin 'yong sistema ng Pilipinas, pagdating sa kapulisan. Pero malabong mangyari 'yon kung isa lang akong makikipaglaban." She shook her head. "Kayo?" "Ako naman, ten years from now I want to become a good chef on my own restaurant with different branches world wide!" Nadine said ethusiastically, as if she was already planned her future. Kahit pa sa sampung taon na 'yon, ay maraming mangyayari. "Ten years from now, I saw myself chasing the love of my life even if he continued to walk away," saad ni Iyah na may malamyang tono ang tinig. Nagtataka naman kaming tumingin sa kaniya at akmang tatanungin ko na sana siya nang bigla siyang mag-peace sign. "Char lang mga bonak. Basta gusto kong maging Architect. Kaya ten years from now ako ang kuhanin n'yong magde-design ng mga ipapagawa niyong bahay, ah?" dagdag ni Iyah and she gulped the remaining wine on her glass. "Engineer, Kiel Suzuerto. Oh, 'di ba bagay na bagay ang salitang engineer sa pangalan ko. Kaya kung si Akifina ang kukunin niyong taga-design ng mga bahay niyo. Aba, dapat lang umpisahan niyo munang mag planong magpatayo ng bahay 'no. Kaya ako ang kukunin niyo." Sinabi iyon ni Suze na parang isang taong nangangampanya, he even shook his hands with Roxanne and Nadine. Siraulo talaga. "Tenyears from now, I am a Certified Public Accountant. Kung hindi papalarin sa tabi-tabi na lang at magtitinda." Humalakhak si Denise at nagsalin ulit ng wine sa baso niya. "Basta ang alam ko sabay-sabay kami nina Klaire at Denise na kukuha ng CPALE. Sa iisang company lang din kami magtatrabaho bilang Accountant. So, ten years from now I'm happily marriage with Lee Jong Suk!" Tumili si Sebi nang sinabi niya iyon, kaya nakatanggap siya nang malakas na hampas mula kay Iyah na katabi niya ngayon. Yeah. Sebi's right. May company na kaming gustong pasukan kung sakaling magkakasama pa rin kami hanggang college. Sabay-sabay din kaming kukuha ng licensure exam kahit pa magkakaiba na kami ng school. And I can't wait for it to happen. All of my friends look at me, because I'm the only one who couldn't answer. I sighed. Tumingin ako sa bintana na ngayon ay kita na ang mga nagliliwang na butuin. "Ten years from now, of course... you guys are still my friends." I smiled and reached the stars with my hands even though I knew to myself that I couldn't reach that. "Ten years from now, I'm CPA board passer, and working on a environment with positive vibes," I added. Ten years from now, I hope I fully remember what happened to me in the past. Hindi ko na iyon sinabi at ayoko na maghinala sila sa akin. Hindi nila alam na may mga ganito akong problema dahil ayokong makaabala sa kanila. I can deal with my own struggles, and I know to myself that eventually I'll overcome them. Alam ko namang palagi silang nandiyan para sa akin, kahit pa hindi kasama sa plano nila ang pagkakaibigan namin ten years from now. Napangiwi ako sa sarili ko ng maisip ko iyon. Siguro focus lang talaga sila sa mga pangarap nila kaya hindi nila naisipan iyon. I convinced myself that was the only reason. Nag-ring ang cellphone ko at pangalan ni Khirro ang bumungad dito. I made an excuse to answer the call. Pumunta ako sa veranda ng condo ni Denise at tumingin sa tahimik na kalangitan. "Yes po?" I stated. I heard him sighed on the other line. "Nothing babe...I just wanna hear your voice." Unti-unting sumilay ang ngiti sa aking labi. I let out a small chuckle. "Parang tanga, 'di naman ako kenekeleg e," pag iinarteng saad ko. Narinig ko naman siyang tumawa sa kabilang linya. "Magkakasama naman tayo bukas ano ka ba, whole day mo 'kong kasama 'di ba?" "Yeah, then after one day. I will not be able to see you again and it sucks because it's one whole week.." Grabe naman 'to magmahal sagad-sagaran. "Mahal na mahal mo 'ko 'no?" I crinkle my nose as if he was in front of me. I heard him chuckles. "Mahal na mahal mo 'ko 'no?" he mocked. I smiled. "Opo, mahal na mahal 'yong bigas namin." "Hey!" Tuluyan na akong natawa dahil nai-imagine ko na ang itsura niya ngayon. Nakakunot ang noo, na bahagyang nakatagilid ang mukha dahil sa pang-aasar na sinabi ko. "I love you, panget." Tinapat ko ang bibig ko sa speaker ng phone para mas rinig at dama niya. "Wow, ganda mo 'no?" he sarcastically stated. "Oh, e, ano? Maganda naman talaga 'ko." I even flipped my hair as if he was watching me right now. "Yeah you're beautiful. I love you," he said in a low voice. Pero damang-dama mo talaga na sincere siya sa sinabi niya. How lucky I am that I have this guy? "Sige na, see you tomorrow." I was about to end the call when he whispered that bring chills to my spine. "I love you so much, Klaire." I ended the call. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nasasanay sa palagian niyang 'I love you's'. Ewan ko ba, siguro ito 'yong disadvantage ng mga first time magkaroon ng boyfriend o kaya girlfriend. Pumasok ako sa na ulit ako sa loob, at nagulat nang makitang ilang bote na ng alak ang walang laman at halos lahat sa kanila ay lasing na. Sina Denise at Sebi na tutok na tutok sa pinapanood, at sina Roxanne at Nadine na pupungay na ang mata marahil tinamaan na ng alak. Sina Levy at Suze na halata na rin na lasing na kaya kung anu-ano na ang pinag-uusapan nila sa tabi. Si Iyah na nakatitig lang sa alak na para bang maiiyak. Grabe, nawala lang ako ng ilang minuto ganito na ang eksena sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Iyah at kinuha ang baso sa kaniya. "Tama na 'yan, magpahinga ka na." Bago pa man siya makasagaot kinuha ko na ang baso. Nilagay ko iyon malayo sa kaniya. "Hey Kaykay! May tanong ako," wika ni Suze na humarap pa talaga sa gawi ko para itanong ang tanong niya. Sakto rin na natapos ang movie na pinapanood nila kaya pinatay nila ang TV. Narinig kong bahagya pang nag-uusap sina Denise at Sebi sa naging ending ng movie. I looked at Suze and I arched a brow. "Ano? 'Wag katangahan ah, sinasabi ko sa 'yo." He shook his head, and he gave me a weak smile. "Bakit... bakit hindi ko?" My lips parted. I wanted to say something but my mind can't process what he said. I heard my friends inhale a large amount of air. Na ultimo sina Denise at Sebi na nag-uusap ay napatingin kay Suze. Ang pupungay-pungay na sina Roxanne at Nadine ay nanlaki ang mga mata. Hindi ko alam ang sasabihin ko, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Akala ko ba napag-usapan na namin 'to? Nakatingin lang siya sa mga mata ko na may malungkot na ngiting nakalapat sa kaniyang labi na para bang sa pamamagitan n'on ay nakakausap niya ako. "I... I d-didn't know what... t-to say..." I stuttered. Lahat ng atensiyon ay nasa amin, walang umiimik at hinihintay ang sasabihin ni Suze. Nadine faked a cough, she was about to say something but she was preceded by Suze. "Okay lang, hanggang ngayon kasi ikaw pa rin..." Tumawa siya na para bang sa ganoong paran niya napagagaan ang loob niya. "Mawawala rin naman 'to 'di ba? Makatatagpo rin ako ng iba, hindi ko nga lang alam kung mapapantayan ka nila..." My lips parted once again. I didn't know what f*****g to do. Hindi ko intensiyon na makaramdam siya ng ganitong emosyon. Kasalanan ko ba? Ako ba talaga ang may sala? "I already dated so many girls, pero hindi ko alam kung bakit ikaw ang hinahanap ko sa kanila. Hindi ko alam kung bakit patuloy kitang kinukumpara sa kanila. Hindi ko alam kung bakit nasa iba akong tao, pero palagi kong hinahanap ang presenya mo. Alam ko namang mayroon ka ng iba... pero bakit patuloy pa ring sumisibol 'yong nararamdaman ko sa 'yo, kahit na alam kong ikasasakit ko ito?" I gulped. "We already... t-talked about this... r-right?" No matter how I tried to utter properly, it always ended up stuttering. He nodded. He looked at the window where he could see the rain pouring peacefully. Para bang ang ulan na iyon ay sumasabay sa lungkot na nararamdaman niya. "Yeah, we have already talked about this." He diverted his gaze to me and met my eyes. "But no matter how I tried to forget all the feelings I have been feeling towards you. I don't know why it still continues to grow with each passing day." Yumuko na lang ako at pinaglaruan ang mga kamay ko na ngayon ay nanlalamig na sa labis na kaba na aking nararamdaman. Hindi ko naman in-expect na magsasabi siya sa akin ng ganito. As much as possible, I don't want to blame myself for what happened to him. Pero sa ginagawa niya, para bang kasalanan ko talaga. I heard Levy faked a cough. "Sige na, iuuwi ko na si Suze medyo knock out na 'to maya-maya e," wika niya habang inaalalayan si Suze na makatayo. "Hoy Sebastian, sumunod ka na sa 'kin!" dagdag ni Levy. Sa labis na kalituhan at gulat, sumunod agad si Sebi. "Klaire see you, nandito lang ako, mwa." And then I heard they closed the door. May katahimikang namayani sa loob ng condo na iyon ni Denise, at hindi ko maiwasang pangiliran ng luha. I quickly wiped it out when it continously streaming down to my face. "Hindi k-ko naman k-kasalanan, 'di ba? Hindi ko naman i-intensiyon na gano'n ang maramdam n-niya..." I sobbed and I felt that Iyah is hugging me. Naramdaman ko rin lumapit sa akin ang iba kong kaibigan at pilit nila akong pinapatahan. "Shh, wala kang kasalanan okay, hindi mo intensiyon 'yon," sabi ni Roxanne na ngayon ay nakahawak sa kamay ko at pilit akong pinapatahan. As much as I wanted to stop this cry, I would do it. Ayokong makita ng iba na umiiyak ako, dahil alam kong sa akin lang sila kumakapit sa t'wing nanghihina na sila. Ayoko kong ipakita sa kanila na mahina rin ako lalo pa't mababaw na dahilan lang din ito. Pero kahit anong punas at pigil ko sa luha ko mas lalo lang itong lumalabas na para bang matagal na itong naipon sa mga mata ko. "Nagmahal ka lang, wala kang kasalanan," wika naman ni Denise.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD