CHAPTER 55

1044 Words
Narinig ko ang malalaim na buntong-hininga ni Nadine. "Klaire, 'wag mong sisihin ang sarili mo dahil lang nakasakit ka ng isang tao na alam mo namang hindi mo intensiyon na maramdaman nila 'yon. Hindi mo rin kasalanan kung bakit hindi mo nagustuhang pabalik si Suze, dahil may una ng nakapuwang diyan sa puso mo. Wala kang kasalanan at wala rin siyang kasalanan. Sadyang pinagtagpo lang kayo, para maging isang magkaibigan, at hindi magka-ibigan." Mahabang litanya ni Nadine habang inaayos ang mga basura at baso na ginamit namin. "Lakas maka-guilt trip ni Suze tsk, tutuktukan ko 'yon bukas." Tumayo si Denise at tinulungan si Nadine. I felt Iyah caressing my back, to calmed me down. "Shh, tama na. You already did your part and that's enough." Nagising ako, nang dahil sa paulit-ulit na ring ng cellphone ko. Tumayo ako at dumiretso sa kung saan nakalagay ang ref namin para kumuha ng tubig pero nagtataka ako kung bakit wala ito sa tamang p'westo niya. Saka ko lang napagtanto na hindi nga pala kami umuwi kagabi nina Roxanne at Iyah, dahil gabi na at wala rin naman kaming sasakyan. I get my phone in the table and I answered it. "Hey, good morning. What took you so long?" I heard Khirro's voice on the other line. I checked the time and it's already 10 AM in the morning. Literal na nanlaki ang mga mata ko, at dali-daling ginising si Iyah at Roxanne na prente pa ring nakahiga sa kama. "I'm here in front of your dorm, but it looks like you're not here, huh?"] "Hala teka, papunta na! Hindi ko namalayan 'yong oras. Umuwi ka muna at tatawagan na lang ulit kita." Agaran kong pinatay ang tawag at inayos ang mga gamit ko habang ginigising ang dalawa. "Roxy, Iyah, Nadine! Gising na tanghaling tapat na!" Niyugyog ko pa ang mga balikat nila, pero kaunting galaw lang ang ginawa ni Roxanne, samantalang si Nadine ay walang nangyari, at si Iyah na ngayon ay literal na nanlaki na rin ang mga matang nakatingin sa orasan. Dali-dali siyang tumayo at inayos ang gamit niya. "Hala g*go, uuwi ako ng Cebu ngayon! "Uuwi? Sabay tayo bukas, ah?" "Nakalimutan kong sabihin sa 'yo kahapon! Tara na mag-iimpake pa ako." Tuluyan siyang lumabas ng k'warto at narinig kong tinawag pa niya ang pangalan ni Denise. Kinuha ko ang paper note sa bag ko, at iniwanan ng note si Roxanne at Nadine na nauna na kami. Lumabas ako ng kuwarto at nakita si Denise na nag-aayos ng umagahan. "Kagigising mo lang din?" tanong ko. "Siguro? Mga one hour ago na. Breakfast muna kayo," saad niya habang inilalagay ang mga pagkain sa lamesa. "Kahit gusto namin hindi p'wede. Mauuna muna kami may pupuntahan pa kasi kami ni Klaire e," saad ni Iyah habang sinusuot ang rubber shoes niya. "Ay hala, sana nagpagising kayo. Sige, sige ingat." Huling sabi ni Denise bago kami umalis sa condo niya. Hindi ko alam kung bakit na-late ako nang gising gayong hindi naman ako masiyadong tinamaan ng alak. Ang alam kong huling pag-uusap namin kahapon ay 'yong patungkol kay Suze at pagkatapos n'on ay pinagpahinga na kami ni Denise. Hindi ko pa rin lubos mawari na kahit anong comfort words na sabihin ng mga kaibigan ko, pilit ko pa ring sinisisi ang sarili ko sa mga nararamdaman ni Suze. Hindi niya siguro mamaramdaman 'yon, kung naibalik ko lang ang pagkagusto niya sa akin. Hindi ko siguro sinisisi ang sarili ko kung nagkagusto rin ako kay Suze. Pero kahit anong anggulo hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya. O, baka kung hindi ko pa nakikilala si Khirro, may pagkakataon siya. I get my phone from my pocket and texted him. "Hey Suze. I'm sorry. I didn't know what to do. I hope you're feeling better right now. See you soon." Hindi ko na hinintay pa ang reply niya nang makarating kami agad sa dorm, dumiretso ako sa cabinet ko para maghahanap ng isusuot ko sa alis namin ni Khirro. Samantalang si Iyah ay hinanda na ang maleta niya para maayos ang gamit niya papuntang Cebu. "Akala ko pa naman sabay tayo bukas, pupunta pa naman sana ako kay tita Arlyne," pagtatampong kunwaring saad ko. Inismiran niya ako. "Magkikita rin naman tayo roon, ikaw pa rin kasama ko hanggang doon jusko naman." Pumunta siya sa ref at kumuha ng tubig. "Hoy baka tuktukan kita r'yan! Ni-hindi mo pa nga ako nakukuwentuhan patungkol sa guy mo!" Nabilaukan naman siya sa sinabi ko na siyang pinagtaka ko. "Guy? Sinasabi mo?" Bumalik siya sa pag-aayos ng gamit niya nang matapos siyang uminom ng tubig. "Ewan sa 'yo, hintayin mo 'ko sa Cebu gigisahin kitang g*ga ka." Tuluyan na akong pumasok sa CR para maligo. Ilang minuto rin ang nakalipas at nakahanda na ako, hinihintay ko na lang si Khirro na dumaan dito sa dorm, para makaalis na kami. Samantalang si Iyah ay naliligo na at paniguradong ilang minuto na lang din ay tutulak na siya papuntang Cebu. I just wear a color beige knitted top and skinny jeans. I partnered it with my pointed-toe pump heels. Nagdala na rin ako ng isang maliit na sling bag para sa gamit ko. Nang may marinig akong bumisina, pumasok ako saglit sa loob para magpaaalam kay Sakiya. "Hey, see you in Cebu. Have a safe flight!" Lumabas ako at sinalubong si Khirro ng isang matinding yakap. "I miss you so much." He hugged me tight and he gave me a sudden kiss on my temple. "Sus, kasama mo naman ako ngayon. Saan ba tayo?" "Hmm, secret." Inalalayan niya ako papasok sa kotse niya at ngayon ko lang napansin na naka-white button down polo siya at pairs of ripped jeans. Habang nasa daan, hindi ko maiwasanag mangunot ang noo lalo pa't hindi ako pamilyar sa tinatahamak namin ngayon. "Kapag kidnap 'to, walang pang-ransom mga magulang ko, Khirro." Umupo ako nang maayos at tinignan muli ang daang tinatahak namin. "I should marry you first, before I kidnap you," he said with a small smile on his lips yet in a serious tone. Tinikom ko na lang ang bibig ko bago pa ako makasambit na kung ano. Panigurong mag-iinarte ang boses ko dahil kinilig ako. Hindi ko naman akalain na kasama na pala sa plano niya ang pagpapakasal sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD