CHAPTER 58

1049 Words
Gulat akong tumingin sa kaniya. "Marunong kang mag-Cebuano?" He nodded. "Puro kong Sugbuanon. Gipadako ako dinhi." And then he smiled. I exaggeratedly covered my mouth. "Hala ka! Bakit ngayon ko lang nalaman?" He just shrugged. Nabalik ang atensiyon ko sa aking tatay nang magsalita muli siya. "Naiintindihan ba, Klaire?" "Yes po, pa. Pag-aaral po ang uunahain bago ang lahat." "Good." 'Yon na lang ang huling sinabi niya bago siya nagpaalam na umalis at dumiretso sa taas. "O'sige maiwan ko muna kayong dalawa, maghahanda lang ako ng meryenda." My mom tapped my shoulder before she walked away. Sumesenyas sa akin si Khirro na makipagyakap, at pinaghiwalay pa niya ang braso niya habang nakade-kwatro. Sinamaan ko lang siya nang tingin at umayos nang upo. Lumukot naman ang mukha niya at lumapit lang sa akin nang bahagya. "Pa'no mo nalaman 'to? Stalker ka 'no?" tanong ko na siyang nagpalitaw ng mga guhit sa kaniyang noo. "What? I'm not stalker. I have my own ways," kunot-noong sagot niya. "E, ba't hindi ko alam na Cebuano ka pala?" sunod na tanong ko. Mas lalong nangunot ang noo niyang tumingin sa akin. "Because you're not asking me?" Hindi naman niya iyon tinanong na prangka, pero ganoon ang dating sa akin. "Sabagay. Pero dapat sinabi mo pa rin! Hindi 'yong mukha akong tanga na nagulat kanina kasi nakakapagsalita ka pala ng Cebuano and worst dito ka pa mismo lumaki." He squinted his eyes and smiled at me. "Even if your looked like a dumb earlier, you're still cute in my sight." He pinched my cheeks and my nose. Hinawi ko ang kamay niyang dumapo sa mukha ko. "Sus, inamin mong sa paningin mo lang talaga!" Tumaas ang isang sulok ng labi niya. "Mas okay kung ako lang ang nakakikita kaysa sa iba. Para wala akong kaagaw sa 'yo, 'di ba?" Pinalobo ko ang aking pisngi sa biglaang umusbong na kilig sa aking katawan. Kinakailangan ko pang umubo nang mahina para hindi maipinta ang ngiti sa aking labi. Ngunit kahit anong pigil ko rito, ramdam ko na ang pag-iinit ng aking pisngi at may nakasilay na ngiti sa aking labi. "Alam mo ikaw, tigil-tigilan mo 'yang ganiyang moves mo, masiyado akong kinikilig sa 'yo!" He smirked. "Why so straight-forward, babe?" "Tss. Ewan sa 'yo." Natapos ang araw na iyon na puro kami kuwentuhan ng mga magulang ko, nagulat pa ako dahil kasama pala niya si Gabriel pagpunta sa amin. Hapunan na ng malaman namin iyon, kaya sinabay na rin namin siya sa pagkain. Hindi man lang sinabi ito ni Khirro, at mukhang nagka-stiff neck pa nga si Gabriel dahil doon siya natulog pansamantala. Hindi tuloy niya magalaw ng ayos ang kaniyang postura at sinisisi si Khirro sa natamo niya. Nakita ko naman na nagiging masaya ang mga magulang ko sa presenya ni Khirro, para bang matagal na nila itong kilala kung makipag usap sila. Palagi naman ganoon ang mga magulang ko sa mga bago nilang nakikilala. Hindi ko nga lang maiwasang maguluhan dahil iba ang pakikitungo nila kay Khirro, kumpara sa mag bago naming nakilala. Nang gabing din iyon, hindi na sila pinauwi ng tatay ko at pinatulog sila sa bakanteng kwarto. Para sana iyon sa tita ko na uuwi ngayong December, pero dahil wala pa naman siya roon muna sila pinatuloy ng tatay ko. Nakahiga na ako sa aking kama at inaayos ang beauty skin mask nang mag-vibrate ang telepono ko na nakalagay sa side table ng kama ko. I instantly checked it only to realize that Khirro send me a message. "Are you still awake?" Umayos ako sa pagkakahiga at nagtipa ng ire-reply sa kaniya. "Hindi po, tulog na." Natawa naman ako sa sarili kong katangahan. K*ngina joke ba 'to? Nakatanggap din ka agad ako ng mensahe mula sa kaniya. "Hahaha, same po." "Ah, talaga namang sinakyan niya pati katangahan ko? Okay, pagpatuloy natin 'to," bulong ko sa sarili ko at magtitipa na sana ako ng mensahe nang mag-ring ang hawak kong telepono. "Oh? Mag tangahan tayo dali!" prankang sagot ko nang sagutin ko ang tawag ni Khirro. Pumunta ako sa salamin para alisin na ang beauty face mask sa mukha ko. "Babe... why you're so grumpy today? Are you in red days?" he asked on the other line and it looks like he is now pissed. "Wala! Paanong hindi maiinis sa 'yo, kanina mo pa ako inaasar and worst sa harap pa ng mga magulang ko." "See... inamin mo rin. Sorry na babe. I won't let it do it again... babe." Sa tingin ko nakanguso na siya ngayon habang sinasabi niya iyon. "Tss. Matulog ka na, maaga pa tayo bukas." "No, I won't sleep hangga't 'di tayo bati." I heard him sighed. "Oo na nga matulog ka na, ang kulit mo. Tss." "E, I'm not convinced babe... Hindi talaga ako matutulog." "Arte ah, e 'di 'wag kang matulog." "Babe! That's foul!" "Mama mo foul, edi wow." Pinatay ko na ang linya at bumalik sa kama para ayusin ang kama ko. Hindi na siya tumawag sa akin, pero panay naman ang text niya. Hindi ko iyon pinapansin at hanggang ngayon ay inis pa rin ako sa kaniya. Sino ba namang matutuwa kung harap-harapan ka nang inaasar sa harap ng magulang mo, at wala kang magawa kundi ngitian na lang sila kahit hiyang-hiya ka na. Wala rin naman akong magawa kay Khirro at mukhang masayang-masaya naman siya sa ginagawa niya. Ako lang talaga 'tong pikon palagi. I was scrolling through my social media account, when suddenly I saw one of the post of Khirro. It was a picture of us in the Batangas. Nakasakbit ang braso ko sa leeg niya habang nakataas nang bahagya ang isa kong paa. Nakahawak naman ang mga braso niya sa bewang ko at makikita ang malalapad na ngiting nakalapat sa kaniyang labi. Ang isang picture naman, ay picture ko na solo na naka-candid pose habang nakaturo sa araw. Hindi ko alam na kinuhanan pala niya ako nang ganoong shot, inaayos ko lang naman ang sarili ko n'on para maging maayos ang kuha pero hindi ko akalain na nakuhanan niya ako ng ganoon. Hindi ko rin maitatangging magaling din siyang kumuha ng litrato. I saw the caption which get rid of the annoyance that I was feeling. I finally found you. I will love you until the day after forever. Gihigugma tika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD