CHAPTER 57

2958 Words
TRIGGER WARNING: DEATH "I'm back Cebu," mahinang wika ko sa aking sarili nang makatungtong muli ako sa lupaing nakagisnan ko. Kinuha ko ang cellphone sa dala kong sling bag and I dialed the number of Iyah. Pero nakailang ring na ito pero hindi pa rin niya sinasagot. I texted her, instead. "Hoy bruha pasundo ako, nasa'n ka?" Hindi ko sinabi o pinaalam sa mga magulang ko na uuwi ako ngayon, because I want them to be surprise. Tumawag naman sila kagabi, at kinamusta lang ako pero hindi rin nila nabanggit na kung uuwi raw ba ako o hindi. Sinabi ko lang na busy ako, pero hindi ko sinabing makakauwi o hindi ako makakauwi sa kanila. Sapat na siguro 'yong naipon ko para makatulong sa kanila. And I can't wait to see them! I really really missed my parents so much. Naghintay pa ako ng mga ilang minuto sa airport bago mag-decide na pumunta kina Tita Arlyne. Bibisitahin ko lang ang parents ni Iyah, at ibibigay sa kanila ang dinala kong pasalubong. Siguro tulog pa 'yong bruhang Iyah na 'yon. While on my way, I checked the message from Khirro. "Babe, good morning, have a safe flight. I love you." As soon as I read the message I smiled. Again, how lucky I am that I have this guy? Hindi na ako nag-reply nang makarating na kami sa bayan ng Alcantara. Na-miss ko ang hangin na amoy probinsiya na purong sariwa. "'Eto po manong, salamat." Pagkaabot ko ng bayad bumaba na 'ko, at dumiretso sa bahay nila Iyah. Wala itong pinagbago at ganoon pa rin ang estilo nito. May mga iba't ibang uri ng halaman sa labas ng bahay nila na siyang nagpapaganda sa kabuuan ng lugar. Hindi ko lubos mawari kung paano naaalagan ni Tita Arlyne ang lahat ng mga halaman niya. "Tao po, Tita Arlyne, Tito Roy." Naka-ilang katok muna ako bago sumalubong sa akin si Tita Arlyne "Hala bata ka! Kumusta ka asa ka magpuyo karon? Kumusta ang pagtuon?" tanong niya sa wikang Cebuano sa akin at pinapasok ako sa loob ng bahay. "Sa Harmown Town pa rin po, okay lang din naman po 'ta ang pag aaral ko, kinakaya ko po. Si Iyah po pala?" sagot ko sa tanong niya. At napansin ko si tito Roy na kakababa lang ng hagdan. Tumango lang siya sa akin bago dumiretso sa kusina. Inaabot niya sa akin ang juice at umupo sa katapat ko. "Nagtuo ko nga magkauban ka sa pagpauli? Wala pa siya dinhi. Miingon siya nga kamong duha mopauli sa Martes." Bahagya naman akong nagulat sa sinabi niya pero hindi ko iyon pinahalata. Sabay kaming uuwi? E, siya na nga 'yong nauna kahapon at Tuesday pa talaga ang sinabi niya sa mga magulang niya, ah. "Ah, gano'n po ba, baka ho nagkamali lang ako ng intindi. Sinabi ko po pala sa kaniya na ako ang mauuna." Kamot batok na saad ko, dahil ayoko rin na ilaglag muna si Iyah lalo pa't hindi ko naman alam ang rason niya kung bakit ganito ang nangyari. "'Ta, pasalubong po pala. Baka ho bukas dadalaw po ulit ako rito." Abot ko sa isang paper bag at kinuha na ulit ang mga maleta ko para lumabas. "Roy, uuwi na si Klaire, dadalaw na lang ulit dito bukas," sigaw ni Tita Arlyne habang papalabas kami. "Ingat, iha!" Rinig kong sigaw din ni Tito Roy. Pagkalabas ko kinuha ko agad ang cellphone sa maliit kong bag at hanggang ngayon ay wala pa ring text si Iyah. "Thanks to me tomorrow hindi kita nilaglag sa mga magulang mo g*ga ka, magpaliwanag ka sa akin bukas." Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at naglakad na lang muli papunta sa bahay namin dahil sa kabilang kanto lang din naman ito. I quickly check the time and it's already 10:36 in the morning. Makulimlim ang kalangitan kaya hindi ako masiyadong naiinitan at paniguradong malamig na sa bahay. Kapag kasi tirik ang araw, halos free trial na ng impyerno ang bahay namin. Kaya kapag kasya ng pera ko ngayon, bibilhan ko ng sila ng aircon. "Naa si Klaire! Malipayon nga pagbalik sa Alcantara, Klaire!" "Kumusta imong flight? Lingaw sa imong pagpuyo, iha!" "Gimingaw mi nimo Klaire!" Bungad sa akin ng mga kapit-bahay namin nang makatungtong ako sa street namin. Ang iba sa kanila ay kung makatingin ay para ba akong isang taong hindi minsang nakatira rito. Sa halos tatlong buwan na wala ako, marami na ring nagbago sa street namin. Mayroon na rin akong mukha na hindi pamilyar marahil sila ang mga bagong lipat na bahay. Ngumiti na lang ako sa mga bumati sa akin at niyakap ko rin ang iba kong kakilala. Medyo malayo pa lang ako sa bahay, pero may naririnig na agad akong bulyawan. Pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito, at baka ito 'yong sigawan palagi sa katabing bahay namin. "I'm finally hom—" "Mariana manahimik ka nga! Malapit na, nakabayad na naman tayo sa iba, ah? 'Yong kay p*steng Nelia na lang naman ang kulang!" "Oo nga, pero sinisingil na nga niya. Ilang linggo na rin tayong hindi nagbabayad." "Isa pa, isa pa. Hindi ko babayaran iyan!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig ko silang nagsisigawan. Akala ko naman sa tatlong buwan na wala ako magiging okay ang estado ng buhay namin, hindi pa rin pala. Inagaw ko ang atensiyon nila sa pagitan ng pagkatok sa pintuan namin. "Hi Ma, Hi Pa! I'm home!" Masayang bati ko sa kanila, kahit pa ramdam ko na ang pangigilid ng aking luha. Gulat silang tumingin sa akin, at pinunasan muna ni Mama ang kaniyang luha bago lumapit sa akin. Ilang beses ko na nga bang nakitang umiyak ang nanay ko? Hindi ko na mabilang e. Nang makapaunta siya sa tapat ko, agaran niya akong niyakap nang mahigpit na siyang nagpabagsak ng mga luha ko. I couldn't stop sobbing on her shoulders. Namataan kong tumango at ngumiti lang nang tipid sa akin ang tatay ko, bago siya umakyat sa taas. "Shh, Klaire baby, why are you crying?" my mother asked while caressing my back. Basta ang alam ko hindi pagod o ang pagkita sa mga magulang ko ang dahilan ng pag-iyak ko. 'Yon ay naawa ako sa palagiang pagkita ko sa pag-iyak ng nanay ko. How cruel this world that my mother will always end up crying? Kung p'wede ko lang itigil ang pag-aaral ko para makatulong na agad sa kanila ginawa ko na. Pero palagi ring pinapaalalahan sa akin ni mama na unahin palagi ang pag-aaral kaysa sa iba. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko alam kung paano ako makakatulong. I'm 19 years old woman, but I'm still depending on my parents. May sapat na ipon ako, oo. Pero hindi ko alam kung makakatulong ba ito sa utang ng mga magulang ko. I wiped all the tears that kept streaming down my face. As soon as I let go of my Mom's hug. I smiled at her. "Wala po ito, na-miss ko lang po kayo." Yumakap pa ako ng isang beses bago dumiretso sa kusina para ilagay ang mga pasalubong ko. "Hindi mo naman sinasabi sa akin anak na makakauwi ka pala ngayon, sana pala naghanda ako kahit papaano." "Okay lang po, surprise po e. Kaso mukhang ako po ang na-surprise," pagbibirong anas ko habang hinuhugasan ang mga karne at gulay para ilagay sa ref. I heard my mother's deep sigh. "Pasesnya na anak ah, hayaan mo matatapos din ito. May awa ang Diyos." I smiled at her. "Akyat po muna ako ma, magbibihis lang po ako." Nakipag-beso ako sa kaniya bago kinuha ang bag at maleta ko para ayusin sa k'warto ko. Pagkabukas ko ng k'warto ko, dumiresto agad ako sa kama at pasalampak na humiga rito. Wala pa man ding ilang minuto, nag-uuhanahan nang magsitulo ang mga luha ko. Dali-dali akong tumayo at isinara ang pintuan. As soon as I close the door, my knees tremble. Wala akong nagawa kundi ang mapaupo na lang at doon humagulgol. Nasasaktan ako para sa magulang ko, nasasaktan ako sa mga maaaring mangyari sa kanila ng dahil sa mga utang namin. Baka maging dahilan pa 'yon ng paghihiwalay nila kung palagi nila itong pagtatalunan. Kahit anong pilit kong pigilan ang mga luha ko, mas lalo lang napupuno ang mga mata ko ng mga panibagong luha. Na kahit anong punas ko, nababasa at nababasa pa rin talaga. Sa problemang 'to ng pamilya ko, napaka walang kwenta ko dahil wala akong magawa. I was in the middle of crying when my phone rang. I quickly got it in my bag, and Khirro's name flashed to the screen. I inhaled a large amount of air, and compose myself, before I asnwered it. "B-babe!" Pilit kong pinasigla ang boses ko kahit pa alam kong nabasag na ito. "Babe hey, what's problem? Are you crying?" he sounds concerned on the other line. Natunugan 'ata na hindi ako okay. I pursed my lips to stifle my cries. "N-no... why would I cry? I'm...o-okay..." I heard a sighed on the other line. "Will you please send me your location? I badly want to see you..." Sa kasagsagaran ng luha ko hindi ko pa rin maiwasan na mapangiti. "At bakit? Ano'ng gagawin mo?" "Nothing. I want to go there to meet your family as well as to wipe your tears whenever you are crying..." Para bang desido na siya sa gagawin niyang pagpunta sa amin. I didn't replied. I just pressed my lips to stop myself from smiling. Para na akong baliw na iiyak at tatawa sa sitwasyon ko ngayon. "Is there any problem? Are you sure... you're fine?" Ingat na ingat siya sa bawat salitang binibitawan niya sa akin. Ngunit dahil dakilang sensitive ako, ang kaninang pagngiting nakalapat sa labi ko. Unti-unti napalitan nang panginginig nang marinig ko ang tanong na siyang lalong nagpapabagkas ng mga luha ko. I hate someone asking me if I'm fine in the middle of whimpering. But I can't hate Khirro, because he's the man that I love. "B-babe..." Hindi ko na napigilan po at tuluyan nang nabasag ang boses ko na kanina ko pa pinipigilan. Hangga't maaari, kung kaya ko naman solusyunan ang problema ko, ginagawa ko. Pero pagdating sa punto ng problema na ng pamilya ko hindi ko maiwasang maiyak na lang sa mga nararansanan namin. Did we deserved this? Do I need to struggle like this? "D*mn. Wait for me. I'll go there." Narinig ko pa na dali-dali siyang kumilos at bago pa man ako makasagot ay pinatay na niya ang linya. Hindi ko na naisip pa kung anong sasabihin ng mga magulang ko kung sakaling makita nila si Khirro, wala sa wisyo ang utak ko kung ano ang gagawin ko. I opened one of my social media app. I composed a post. Dito naman ako palagi nagra-rant sa t'wing nakakaramdam ako ng problema. It's either my friends will say katarantaduhan or least of them will gave me an advice. Hindi nila tinatanong ang problema ko, makita lang nilang may tweet ako nandiyan sila para bigyan ako ng payo. Hindi rin naman sa lahat ng pagkakataon puro sad post ang pino-post ko. klaire @kleyr_cpa "I don't know if I deserve this. I'm just a person who wants to be happy, but why does this cruel world won't let me?" Minutes after, I received a notification that someone reply on my post. levy @levypog replying to @kleyr_cpa "Dapat na bang maging patatas na lang? Tara na't maging patatas." Napangiti naman ako sa sinabi ni Levy. Kahit kailan talaga 'tong nunal na 'to walang kwenta. Binasa ko pa ang ibang sinabi ng mga kaibigan ko. denise @dnslrrt replying to @kleyr_cpa "Hey, sometimes we have to feel and experienced that struggle to become better version of ourselves. I know you can, keep fighting bebs, mwa!" nadine @nadz26 replying to @kleyr_cpa "Klaire mahal kita! Nandito lang ako always!" roxanne @roxy_anne replying to @kleyr_cpa "Keep fighting ate! You'll learn a lot from that struggles! We love you!" I just smiled on their replies. Wala na akong hihilingan pa pagdating sa mga kabigan ko. Ang suwerte ko dahil nandiyan sila sa akin palagi, at ganon'n din naman ako sa kanila. Hindi ko alam kung makakahanap pa ako ng mga kasing solid nila. Sana habang tumatagal ang panahon kasama ko pa rin sila. Unti-unti namang gumagaan ang pakiramdam ko kaya inayos ko na ang mga gamit ko. Nilagay ko ang cellphone sa ibabaw ng kama at inumpisahang ilipat ang damit ko sa cabinet. Minutes after, my phone vibrated. I checked it, only to realize that Suze replied on my tweet. suze @kielsuzeurto replying to @kleyr_cpa "I'm sorry. I'm always here, Kaykay." I quickly replied. klaire @kleyr_cpa replying to @kielsuzeurto "Gaga ka hindi mo nga pinansin message ko sa 'yo!" As soon as I replied that. Most our friends replied to the comment of Suze. Sinisisi nila si Suze na nangyayari sa akin kaya siya na ang naging sentro ng usapan sa tweet ko. Hindi ko maiwasang mapailing na lang at pinagpatuloy ang pag-aayos ng gamit ko. Nagising ako dahil sa tatlong katok na nagmumula sa pintuan ng kwarto ko. Hindi ko namalayan na nakatulugan ko pala ang pag-aayos ng mga dala kong damit at gamit. I quickly checked my phone and it's already two in the afternoon. May mga notifications din ako galing sa post ko at mga missed calls kay Khirro! Hindi man lang ako nagising sa pag-ring ng telepono ko, pero sa katok nagising ako. Hanep! Pumasok si Mama na may magandang ngiting nakalapat sa kaniyang labi. "Ma! Hindi niyo naman ako ginising." Umupo ako sa gilid ng kama at inayos ang maliit na cabinet ko roon. My mom smiled genuinely. But behind those smile are the tears that keep on streaming down to her face. Nalungkot naman agad ako sa naisip ko. "Wala ko ikaw gipukaw, tungod kay malinawong natulog ka." Maraan niyang hinawakan ang buhok ko at umupo sa tabi ko. Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga. "Hindi ko naman natikman ang luto niyo." I pouted. "Marami naman sa baba, Klaire. Hindi ka mauubusan ikaw pa ba." Ang kamay niyang marahang nakahawak sa buhok ko ay dahan-dahang bumaba sa mga kamay ko. She looked at me with the sadness clouded her feautures. "Anak, no matter what happen don't be mad on us, hmm? We're just doing it for your own sake. I love you." Lumapit siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. I heard her sigh. "Maging bukas sana ang isip mo sa mga bagay na hindi mo inaasahan, maging mapag-unawa ka sana at 'wag mong paiiralin ang galit sa puso mo," my mom added. I my creased forehead. Hindi ko maintindihan ang sinasabi ng nanay ko. Wala namang galit sa puso ko, at mas lalong hindi ko kayang magalit sa mga magulang ko. "Ma, what are you talking about? Is there anything wrong? May alam po ba kayong 'di sinasabi sa akin?" tanong ko at humiwalay ng yakap sa kaniya. Her mouth curved into a small smile. "May bisita ka sa baba, kanina ka pa hinihintay." Hindi niya pinansin ang tanong ko, pero sapat na dahilan na ang sinabi niya para kabahan ako nang todo. Sino ang pupunta sa akin ngayon? Kung si Iyah naman ito sasabihin agad sa 'kin ni Mama 'yon, at hindi siya gagamit na salitang "bisita". Hindi kaya si Khirro? Omg! Dali-dali akong bumaba sa hagdan at laking gulat ko nang makita si Khirro na prenteng nakaupo sa sala habang may malaking ngiting nakalapat sa kaniyang labi at kausap ang tatay ko! Hindi ko naman alam na tototohanin pala niya ang pagpunta sa Cebu! Paano niya nalaman ang bahay namin? I composed myself before I went straight down the stairs. Hindi nila napansin ang presensiya ko kaya tuloy pa rin sila sa pag-uusap. "Ehem." Kunwaring ubo ko pa habang ang mga palad ko ay pinagkikiskisan ko na sa labis na kaba. Nalipat naman sa akin ang gawi ng tatay ko, at ngayon ay may mas malakapad na ngiti na ang nakaimprinta sa labi ni Khirro. Naramdaman kong humawak sa bewang ko ang nanay ko at hindi man lang namalayan na nakasunod pala siya sa akin sa labis na kabang bumabalot sa pagkatao ko. Hindi naman ganito ang eksenang aakalin kong ipapakila ko si Khirro sa mga magulang ko. "Klaire sweety, you didn't tell me about Khirro. Kung hindi pa siya pumunta rito hindi ko malalaman na may relasyon kayo," seryosong saad ni Mama pero may ngiti namang nakalapat sa kaniyang labi. Tumayo ang tatay ko at lumipat ng upuan malapit kay Khirro, inalalayan naman akong maupo ni mama sa kung saan unang nakaupo ang tatay ko. I gulped. "Ah ma... may balak naman po k-kaso medyo k-kinakabahan po..." Pag-aamin ko at hindi makatingin ng diretso sa mga mata nila. "Why did you feel nervous? Aren't you proud that you have a boyfriend?" prangkang tanong ng nanay ko. Literal naman na nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kaniya. Narinig ko rin na bahagyang napasinghap si Khirro at umarteng para bang nasaktan sa sinabi ng nanay ko. "Oh, so you're not proud pala na I'm your boyfriend, ah," saad ni Khirro na bahagya pang nakalagay ang kamay niya sa dibdib, umaarteng nasasaktan. "Hala Ma! Hindi sa ganoon, nag-iipon pa ho ako ng lakas ng loob—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ang aking tatay. "Basta kanunay nimo nga giuna ang imong pagtuon. Okay lang nga mosulod sa usa ka relasyon, apan ayaw pasagdi ang imong pagtuon. Kasabot ka?" wikang Cebuano anas ng aking tatay. Habang tumitingin sa aming dalawa ni Khirro. I was about to translate it, so that Khirro will understand it but he preceded me, that make me astonished. "Nakasabot ko, Tito." Gulat akong tumingin sa kaniya. "Marunong kang mag-Cebuano?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD