CHAPTER 5

1918 Words
Inumpisahan kong puntahan ang isang coffee shop na malapit sa aming dorm. I guess, dalawang kanto lang ang pagitan nito mula sa dorm na tinutuluyan ko. As I entered the room, the aroma of different coffees I smelled first. Well, of course, the place was really nice. It has many paintings on the walls. The chairs and table were made of wood. It has a professional look and its design is intuitive and enticing as it has been carved by expert developers. And the one that got my attention is the theme of it. I decided to talk to the one who was at the counter. "Hi, Miss, good day! I just want to ask if you have any hiring positions here in this shop?" I asked her formaly. She looked at me as if I am a big hardship in her life. "Wala naman nakalagay sa labas na hiring kami, so basically hindi kami naghahanap," saad niya na para bang nagmamaldita at binalik na muli niya ang kaniyang tingin sa kaniyang ginagawa. Bahagya akong nagulat sa inasal niya, pero pinatili kong kalmado ang aking itsura. Tumango ako nang bahagya bago nagpaalam at umalis. "Salamat." Nagtanong lang ako ah, mukhang sawa na siya sa mundo. I pressed my lips to stop my laughter. Nang makalabas, doon ko na naibuga ang tawang kanina ko pa pinipigilan. "Grabe kung magmaldita, kilay nga niya 'di pantay." Natawa ako sa sarili kong naiisip, marami pang mga bagay na naghihintay sa akin at maliit na bagay lamang iyon para sirain n'on ang araw ko. Naglakad na lang muli ako at nilibot ang paningin sa mga stall na madadaanan ko. May nakatawag pansin sa akin na restaurant at nang tignan ko iyon may poster sa labas na hiring sila ngayon. Typical restaurant. That was the first thing I noticed. There were chairs and tables and a painting on the wall. And the color scheme of the restaurant was black and white. Pumunta kaagad ako sa counter para kausapin kung anong hiring position ang mayroon sila. Hindi na rin ako mag-iinarte kung ano pa iyon, dahil ang goal ko naman ay magkatrabaho. I was about to approach him but then he preceded me. "Hi, Ma'am! Welcome to Cachinèes Restaurant! May I know your order?" he asked cheerfully and then he smiled. Iyong energy niya, katulad n'ong kay Roxanne. Bahagya akong nagulat sa salubong niya pero kalauna'y nginitian ko pa rin siya. Paano ko ba sasabihin na hindi ako o-order at magtatanong lang ako? I smiled awkwardly at him. "Uhm... I just want to ask about the hiring signage thingy outside?" I bit my lower lip. Ang kaninang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng pagkaseryoso. "Wala na 'yon, nakalimutan lang tanggalin," he said nonchalantly at patingin tingin sa cellphone n'ya na akala mo'y may hinihintay dito. Bakit ba lahat nang napupuntahan ko ay sinusungitan ako? I remained calm. Siguro bad trip lang ang mga araw nila kaya sa ibang tao nila binubuntong ang inis nila. Nagpaalam pa rin ako nang maayos at hindi na niya ako pinansin pa. Umalis ako sa lugar na iyon na may ngiting nakaukit sa aking labi. 'Yong nunal niya kasi sa pisngi pamilyar sa akin, at natatawa ako dahil lutang na lutang ang kaniyang nunal. Siguro matagal ko na rin siyang nakita, pero hindi ko matandaan kung kailan. Winakli ko na lamang iyon sa aking isipan dahil paniguradong maaalala ko rin naman iyon, hindi nga lang ngayon kundi mamaya pa. Sa buong araw na naghanap ako ng trabaho wala akong nakita o wala man lang naging saysay ang lakad ko ngayon. Mapa-bar, restaurant, tapsilugan, mga stall sa tabi-tabi lahat sila hindi tumatanggap ng bagong trabahante. Huminga ako nang malalim at nag-jsip ng mabuti. Kailangan ko muling maghanap ng trabaho, bago dapat magpasukan may naipon na ako o may naipadala na ako sa mga magulang ko. I closed my eyes, and sighed heavily. I can do it. For my future, for my family. Halos pagabi na rin ng makauwi ako, pero wala akong naabutan sa dorm miski isa. Wala pa si Roxanne na marahil ay nasa school pa o may ginagawang project, at si Iyah na hindi naman ganito kung umuwi, kaya ako'y nagtataka. I checked my phone and it was already 6:38 PM. I decided to call her. While the phone was ringing, the door suddenly opened and Roxanne entered. She looked exhausted. "Hello, kumusta?" she asked me, at kitang-kita mo talaga sa kanya ang pagkapagod. She was a HUMSS student in Harmown university. She mentioned it last time that she wants to become a policewoman someday. Hindi ko siya masisi dahil lahat naman ng strand ay mahirap, at nakakapagod talaga. Kailangan lang talaga ng sipag at tiyaga sa lahat ng bagay. "I should be the one who's asking you that, how's your day?" I asked her while laughing softly. Saka na ako tatawa nang bongga, baka ma-mis-interpret pa ako nito. "Well, a very very tiring day," halos pabulong na niyang saad at pasalampak na humiga sa kaniyang kama. "Oh, rest well. Kaya mo 'yan. Para sa pangarap!" I said encouraging her. "Para sa pangarap," sagot niya at tuluyan nang nakatulog. Pagod na pagod ba talaga siya sa pag-aaral? O 'di kaya ay may trabaho kaya mas lalo lang napagod? Sana naman kayanin ko rin ang pagiging working student. Puro ring lang ang naririnig ko sa kabilang linya, kaya pinatay ko na agad ito. Bago ko pa man siya mai-text, bumukas na muli ang pinto at iniluwa nito ang isang babaeng hawak-hawak si Iyah sa bewang at paakay na pinasok sa loob ng dorm. Tsk, lasing ang gaga. Inalalayan ko na agad sila at dinala si Iyah sa kama niya, pabagsak ko siyang nilagay sa kaniyang kama at tinanggal ang mga sapatos niya. I looked at the girl who is beside me and it looks like she was tired carrying Sakiya. "Hello po, pasenya na sa inasal nito ah, pasensya na talaga," I said apologetically. She smiled at me. "It's okay Ma'am. Nag-iingay po kasi s'ya sa resto kanina. Actually umaga pa po s'ya ro'n mukhang may hinihintay po tapos 'di po "ata sinipot," halos pabulong na n'ya sinabi ang mga huling salita. Pero wala e, si Iyah 'to kaya narinig. "Hoy, mga babae, nagpakita s'ya sa 'kin 'di n'yo lang nakita, tss," lalasing-lasing na saad pa niya at bahagya pa niya pa kaming tinurong dalawa. Hindi ko na lang s'ya pinansin, at kinausap muli ang babae sa gilid ko. "Ay, gano'n ba? Sige salamat sa paghatid, pasensya na talaga, ah." Ngumiti muli siya sa akin bago siya tuluyang umalis. Hahabulin ko sana s'ya para tanungin ang pangalan n'ya, kaso si Iyah ay hinawakan ang kamay ko at pinaupo sa tabi niya. Mukhang alam ko na sunod na mangyayari. And as expected nag-drama lang naman siya at kung anu-ano na naman ang sinasabi niya. "Klaire, bakit naman gano'n? Gusto ko lang naman na may maka-date ulit, tapos gano'n pa 'yong mangyayari?" tanong niya sa akin na para bang anytime iiyak na siya. "Shh, matulog ka na forget that guy," sagot ko at pinipilit s'ya na pahigain muli, pero iniiwas n'ya lang ang katawan n'ya sa t'wing hahawakan ko s'ya. "No, base ro'n sa dating app, lahat ng nakaka-date sumisipot daw, pero bakit 'yong sa akin hindi?" Humahagulgol pa siya na parang tangang hindi nabigyan ng candy. Konting tiis pa Klaire, mapapatulog mo rin 'yan. "Shh, kung gusto mo i-rate mo ng one star 'yong dating app na 'yon, for now yo—" I didn't finish what I was going to say when she halted me. "Kingina lahat ng Balboa mga yawa sila, sa ganda kong 'to 'di nila ako sinisipot." Umarte pa siya na para bang pinupunusan niya ang kaniyang pisngi kahit wala namang luha. Wait, Balboa? Sounds familiar again. "Shh, sleep na, sleep na. May bukas pa para magsumpaan okay? Nakaiistorbo ka na kay Roxanne oh," sabi ko at tinuro ang bahagi kung saan nakahiga si Roxanne. Pero laking gulat ko nang makitang nakaupo siya sa kama niya habang pinipigilang tumawa na nakatingin sa aming dalawa ni Iyah. "You can now laugh, if you want to do that," I said nonchalantly. At nang sandaling sinabi ko iyon, tumawa siya na para bang walang katapusan. She even held her chest because of too much laughter. Sinasabi ko na nga ba may tinatago 'tong kabaliwan. "Okay, okay tapos na! Hoo! Nawala pagod ko sa inyong dalawa ah? Ganyan ba talaga kayo?" she asked while stopping herself from laughing. "Depends on a situation, I guess?" I said sarcastically. I even creased my forehead at her. When I turned my gaze to Sakiya, she was already asleep, saying the surname Balboa. "Shh, sleep tight. Alam nating pareho na makakalimutan mo rin 'yan," I said and put a blanket on her. I decided to take a half bath first before scrolling through my news feed to find some part-time jobs again. Nang matapos maligo, inayos ko na ang aking higaan at sinara ko na ang pintuan at bintana. Tulog na tulog na sina Iyah at Roxanne, na para bang sumabak sa isang gulo sa sobrang pagod na kanilang pinagdaaanan. Nakakailang oras na ako sa pag-scroll sa news feed ko, pero hanggang ngayon, wala pa rin akong mahanap na part-time job sa online. Halos lahat na ata ng pages napagtanungan ko kung may mga available hiring position sila, nagre-reply naman sila pero ang kadalasang reply nila ay wala na. I sighed heavily. Kung nasa Cebu ako, paniguradong marami akong trabahong makukuha roon. I decided to sleep since it was already 9:30 PM. Maaga pa muli akong aalis bukas para maghanap muli ng trabaho para kapag nag-umpisa na ang klase, kaya ko ng bayaran ang mga dapat kong bayaran at hindi gagalawin ang mga perang binibigay sa akin ng mga magulang ko. While scrolling and letting the drowsiness visit me. There is one girl who posted some educational stuff. It looks like it's all about globalization, and there is a picture posted too. The picture tells us about the 5 perspectives on the history of globalization. And base roon sa caption, mukhang pinapapili sila ng kanilang teacher kung ano ang best na perspective na nagpapatunay o ang mga ebidensiya ng globalization. Right at that moment, I remembered something that happened before when I was a Grade 10 student. "Pumili sa lima ng isang perspektibo na nagpapatunay o ang pinaka-angkop na dahilan kung bakit nangyayari ang Globalisayon," sabi ng guro namin sa Araling Panlipunan. Groupings 'to panigurado. Akala ko groupings ang magiging labanan pero ang nangyari magde-debate pala at kailangan ng dalawang representative. Payuko na sana ako nang may isa akong kaklase na itinuro ako. As expected ito yung bida-bida sa room. "Sir, si Klaire po, magaling po s'yang mag-debate!" he said cheerfully. Magaling? Ni hindi nga ako nagsasalita. "E, bakit kaya hindi ikaw yung sumali?" I asked him sarcastically. The whole class just said, "Ohhhh." "Enough, enough. Okay Klaire Frakier versus hmm," the teacher said. Hindi na ako tumutol pa dahil wala na rin naman akong magagawa. Baka 'yong grades ko pa ang atakihin niya, at malalagot ako sa mga magulang ko kapag iyon ay bumaba. Hindi ko namalayan na may napili na makakalaban ko, at mukhang si Sir ang pumili since favorite n'ya naman 'tong kaklase kong 'to. "Okay I will give the two of you ten minutes, para pag-isipan kung ano ang inyong sagot." And he set his timer. Habang binabasa kong muli ang topic namin about Globalization, iniisip ko na agad ang uwiian. Well, hindi naman ako tamad mag-aral actually I'm consistent honor student since then. Pero minsan talaga may time na parang gusto ko na lang matulog maghapon kaysa makipag-plastikan sa mga kaklase ko na walang ginawa kundi ang magpasikat lang sa mga guro namin. I'm not good at socializing, and I don't know why. Ayoko lang sa matao gano'n. Mayroon akong kaibigan, pero hindi ko alam kung tinuturing din nila akong kaibigan. Bumalik ako sa reyalidad ng marinig ko na natapos na ang timer na sinet ng guro namin. Tapos na 'yong ten minutes? Sure na iyon? Wala pa nga akong naiisip. Hanep. "Okay enough, let's start. Klaire Frakier versus Levy Balboa. Gawin n'yo lang din 'yong dati nating ginagawa kapag may kaganapan tayong ganito," the teacher said cheerfully. "Sir ako na mauuna," Levy said giving me a smirk. I just rolled my eyes at him. Wala naman akong laban sa kaniya, gawin niya kung anong gusto niya at gagawin ko lang din kung ano ang gusto ko. Nakangiti siyang tumingin sa mga kaklase ko at kitang kita sa kislap ng mata niya ang pagka-proud sa kaniyang sasabihin. "Para sa akin ang pinipili kong pananaw ay 'yong pangalawa na nilikha ni Scholte noong 2005. Bakit? Kasi naniniwla ako na ang globalisasyon ay isang cycle, at ang patunay po nito ay ang ating teknolohiya noong panahon. May Globalisasyon na ngunit hindi naman ito tinatangkilik ngunit ngayong panahon ay umusbong ito at mas lalong nakilala. May isa pang patunay. Ang mga paggalaw ng tao sa mga nakalipas na panahon ay sobrang dami nilang ginagawa ngunit ngayon napapabilis ang ating ginagawa dahil sa mga makabagong makinarya na nakakatulong upang mabawasan ang ating ginagawa at naniniwala ako na sa hinaharap matatapos din ito dahil lahat naman ng nilalang sa mundo o gawa ng tao ay may hangganan o limitasyon at wala tayong magagawa kung ito'y matapos o mawala." After he uttered those words, he bowed. All of our classmates clapped their hands. "Magaling, magaling," komento ng guro namin at nagawa pa niyang palakpakan ang sinabi ni Levy. "Thank you Sir," Levy said sincerely. "So Klaire, it's you turn." The teacher looked at me. I sighed heavily. Sa totoo lang, hindi ko alam ang sasabihin ko lalo pa't sa ten minutes na binigay ng guro namin ay hindi naman ako nakapag-isip. Sapat na siguro 'yong mga idea na pumapasok sa isip ko para masagot ang tanong ng guro namin. Halos walang buhay akong tumayo at pumunta sa unahan. "Well, para sa akin ang pinakaangkop na dahilan sa pagsibol o pagsisimula ng Globalisasyon ay ang unang perspektibo o pananaw na sinasabing ang globalisasyon ay taal o nakaugat sa bawat tao. Ito ay ayon kay Nayan Chanda (2007). Samakatuwid, dahil dito mas magiging maayos ang pamumuhay ng tao, kung ito ay nakikipagkalakan sa ibat-ibang bansa. At naniniwala rin ako na isa rin sa mga dahilan ay ang pagkakalat o ang magpakalat ng pananampalataya, sapagkat sa panahon natin ngayon marami ng iba't ibang relihiyon ang pinaniniwalaan ng mga tao. Isa rin sa mga nagtulak ng globalisasyon ay ang pagiging madigma't manakop o ang maging adbenturo. Base sa mga naging kasaysayan ng daigdig, marami na rin ang sumakop sa bansang Pilipinas kaya hanggang ngayon maraming gawi ang bawat Pilipino na kung saan pinaniniwalaan nila ang ganito o ganoong bagay. Kaya mas sumasang-ayon ako sa unang perspektibo. 'Yon lang at maraming salamat." Bahagya akong yumuko at dumiretso na sa aking upuan. Wala na ring saysay kung makikinig pa ako kung sino ang nagwagi since opinyon lang naman 'to at hindi pa ako sigurado sa sagot ko. "Magaling, parehas magaling," manghang-manghang sabi ni Sir. I diverted my gaze to Levy's direction, only to realize that he was looking at me badly. Ang sama niya kung makatingin kaya, nirolyo ko na ang aking mga mata at tumingin na lang muli sa bintana. May araw ka rin sa akin, Levy Balboa. If I am not mistaken, the Levy Balboa that I remembered was the same as the guy who I talked to earlier in the restaurant?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD