CHAPTER 6

2892 Words
Masiyado na akong naguguluhan sa mga iniisip ko. O 'di kaya ay 'yong Balboa na sinasabi ni Iyah ay same lang din sa Balboa na kaklase ko noon? "No, it can't be. Ewan ko na lang kung ano'ng mangyari, kung s'ya nga ngayon," iiling-iling na sabi ko sa sarili ko. I woke up at exactly 6:30 AM. Nang tignan ko ang bahagi kung saan nakapuwesto ang dalawa kong kasama, himbing pa rin ang tulog ni Iyah at nagagawa pang humilik nang malakas. Samantalang si Roxanne ay mukhang nasa banyo, dahil naririnig ko ang pagraragasa ng tubig galing doon. It's Friday today, so there's still one more week before the class resume. Hanggang ngayon wala pa rin akong nahahanap na trabaho, kaya kailangan ko ulit umalis mamaya para maghanap muli sa kabuuan ng Harmown Town. Minutes after, Roxanne suddenly came out of the bathroom. As soon as she saw me, she smiled at me. I smiled back. "Hey! Good morning. Ano oras pasok mo?" I asked her. Mukha siyang tanga na para bang pinipigilan ang kaniyang tawa kaya bahagya ko siyang sinamaan nang tingin. She pressed her lips to prevent herself from laughing. "Pasensya na, hindi ko lang talaga mapigiliang hindi matawa. Laugh trip kasi sa inyo kagabi." Kamot-batok na saad niya at nagawa pa niyang sumenyas sa akin ng peace sign. Wala namang nakakatawa sa nangyari kagabi. I just shrugged. Siguro masayahin talaga s'yang tao kaya ganoon. "Well, anyway my class start at 8:30 AM, bakit po?" she answered me politely. I nodded. "Oh, wala naman, naisip ko lang tanungin," I said giving her my genuinely smile. "E, how about you ate Klaire? Bakit napapadalas ho ata ang pag-alis n'yo?" she asked while combing her hair. "Ah, naghahanap ng part-time job. Baka may kakilala ka or may alam ka?" I asked, while sipping from my favorite Mickey Mouse mug. Nagkibit-balikat lamang siya at umarte pa na para bang may malalim na iniisip. "Ay! Teka teka, parang may hiring do'n sa isang restaurant malapit sa park. Don't worry, ate I'm going to ask my friend since ro'n s'ya nagwo-work," she said, assuring me. Wait parang 'yon lang din ang pinuntahang kong resto kahapon ah, 'yong lalaking may nunal na masungit. "Okay, thank you so much. Update mo 'ko agad ah," I said and gave her my phone number. She just nodded, and smiled at me. Hindi ko na alam kung saan pa ako maghahanap ng part-time job. At wala pa rin naman akong masyadong kakilala rito. 'Eto namang si Sakiya go lucky girl ang estado nito. Hinayaan ko na lang s'ya sa ginagawa n'ya, dahil palagi naman n'yang sinasabi na minsan lang daw n'yang gawin ang mga ganoong bagay. Biglang sumagi sa isip ko ang pamilya ko na nasa Cebu ngayon. Kumusta na kaya sina mama at papa? Palagi na naman ba silang nag-aaway? Sana matapos na mga problema namin. "Well, naniniwala naman ako na hindi 'yan ibibigay sa inyo kung hindi n'yo kaya'" 'Yon na lang pinaniniwalaan ko. Malalampasan rin naman 'to. "Hey, ate Klaire! Sabay ka na sa 'kin?" tanong sa akin ni Roxanne habang siya ay nasa pinto at mukhang papalabas na. "Ah yeah, sure, just wait a minute," I said while fixing my shirt. "Take your time ate," sambit n'ya at lumabas na ng pinto. Si Sakiya ay hanggang ngayon ay tulog pa at hindi ko alam kung anong oras ang gising n'ya since nakainom s'ya kagabi. Sana lang talaga makalimutan na n'ya ang Balboa na 'yon, at sana hindi rin 'yon ang kakilala kong Balboa. Nag-iwan na lang ako ng note sa side table malapit sa kama, at inayusan nang bahagya ang sarili niya. Ayoko rin kasi siyang gisingin, dahil paniguradong malalagot ako sa kaniya. I remembered again the time I wake her up, and it ended up she scolded me for the whole day! Habang naglalakad kaming dalawa ni Roxanne, nakasakbit ang braso niya sa braso ko inumpisahan niya akong tanungin, at hindi na ako tumutol pa dahil gusto ko rin naman ang magsalita, kaso nga lang hindi ko alam kung papaano uumpisahan. "Ate I have a question po," she said cheerfully. "Spill," I said looking at her. "Ano po palang strand n'yo?" she asked me excitedly. Akala siguro niya parehas kami. Well, naisipan ko na ring mag HUMSS before. "ABM," I answered proudly. "Aww, sayang naman. Bakit hindi po HUMSS?" she asked me with a confusing tone. Wow, so kailangan pala na ang kunin ay HUMSS? "Wait, let me tell you a story," I calmly said. "Okay, okay makikinig," sambit n'ya at nagpalatalon-talon pa. "Kaso tinatamad ako magsalita, 'wag na." Pagbibiro ko pa. "Ate naman," she said to me while pouting. Hindi ako sumagot, at pinipigilan ko na lang na matawa. "Kahit paikiliin n'yo na lang po," dagdag pa n'ya habang niyuyuyog ang balikat ko. Basically pinipilit ako. "Okay." I smiled. "Since then, I am totally decided to take HUMSS, but lately ko lang nalaman na no more on public speaking pala 'yon which is do'n ako hirap. Tapos nalaman ko 'yang ABM, since hilig ko ang mag-solve ng something related to Math, basta something gano'n. So 'yon, I decided to take ABM na," I said, and I can't help but to laugh with my stupid reason. "Tapos po?" aniya, na para bang bitin sa kuwento ko. "Tapos na," I said giving her a smile. "'Yon na yon?!" sigaw n'ya sa 'kin na parang bang kasalanan ko pa na maikli ang nai-kuwento ko sa kaniya. "Paiikliin ko nga 'di ba tch," I said nonchalantly. Actually ayoko talagang i-k'wento 'yon. The reason why I don't tell the whole story to others is because I don't want them to feel regret about my decision. Kay Iyah ko huling sinabi ang desisyon kong iyon, at grabe ang pangangaral na binigay niya sa akin. We were at Sakiya's house because it was her mother's birthday today. I suddenly remembered to ask Iyah what strand she would take. "Iyah, anong strand pala ang kukunin mo sa SHS?" "STEM! I want to be an Architect someday," she said, confidently. "Kung 'di papalarin, future ng Architect," she added in a whisper tone. Mukhang ayaw niya iparinig kay tita. "Wait, how about you?" she asked me. "Actually, naguguluhan pa ako." Humarap ako sa gawi niya at nagpangalumbaba na tumingin sa kaniya. Ilang buwan na lang kasi at umpisa na ng buhay namin as a Senior High School student. Pero ako, hanggang ngayon 'di pa rin makapili kung anong strand ang kukunin ko. "Wait, what do you mean naguguluhan?" she asked, confused. "Ganito kasi, gusto ko maging teacher someday, since my mother is a teacher. So basically ang strand n'on is HUMSS, right?" "Oo, 'yon nga, oh, e ano'ng problema ro'n?" she asked me. "Lately ko lang nalaman na ang HUMSS is more on public speaking," I said sadly and let out a sigh. "Natural. Abnormal ka ba? S'yempre kapag nag teacher ka, kailangan mo talaga ng confidence 'no," she said and gave me a poke. "Aray naman!" Do'n nga ako hirap sa public speaking kaya ayoko," I said, defensively. "Ay, gaga ka? Kaya nga nag-aaral 'di ba?" "Pero wala na, 'di na ako maghu-HUMSS. Piliin ko na lang maging ABM mag-a-Accountancy na lang ako," I added. "Seryosa ka Klaire? Ang ABM is more on analyzation 'yan gaga!" she shouted at me and emphasizing the word analyzation. "E, ano! Analyzation lang, ay teka ano nga kamo?" "More on analyzation," she said emphasizing all the words. "Seryoso?" I asked her, confusingly. Minsan ko ring naiisip na hindi talaga para sa 'kin ang pag-aaral. Kasi kung STEM ang kukunin ko, na more on Math and Science walang wala na ako. Kung HUMSS naman, bagsak din ako kasi lack of confidence 'to. ABM naman bagsak pa rin kasi bobo ako sa analyzation. Hindi ko talaga alam kung anong strand ang fit sa 'kin. Mayroon nga no'ng Grade 10 ako, may real-life-problem na pinapa-answer sa 'min, but it takes me how many sleepless nights before I could understand it. Pero ngayon pursigido ako maging Accountant, at kung papalarin man magiging Certified Public Accountant ako balang araw. "Ate, hello! Kanina ka pa po tulala," Roxanne said while waving her hand in front of my face. "Oh, I'm sorry, I just remembered something," I said, and by that time, I saw the girl who took Sakiya to the dorm yesterday. "Anyways, ate Klaire, this is—" She didn't finish what she was going to say when the girl and I halted her. "Ikaw?" We said it at once and pointed at each other. "Omg! Magkakilala kayo?" Roxanne uttered, surprisingly. "Hindi siguro." And for the second time, we said it once again. Roxanne looked at the girl and confronted her. "Nadine naman, bakit hindi mo sinabi sa 'kin na kilala mo pala 'tong si ate Klaire?" saad ni Roxanne na akala mo'y nagtatampo. Well nice name, Nadine. That girl named Nadine just shrugged. "Well, anyway, my name is Klaire. Nice to meet you again," I said, and I held out my hand to her. "Yes po Ma'am, palagi ka nga pong naiku-kwento sa 'kin ni Roxanne," she said, shyly. "Ah, ganon ba?" I chuckled. "And don't call me Ma'am or saying po, you're too formal. Parang same age lang naman tayo," I said, ridiculous. "I'm sorry nasanay lang. Well my name is Nadine, nice meeting you again po." Inabot niya rin sa akin ang kaniyang kamay at malugod ko naman din itong tinanggap. "So ate Klaire 'eto 'yong sinasabi kong friend na nagwo-work do'n sa resto malapit sa park," Roxanne stated. "I see, hmm, do you have any hiring position in that restaurant?" I asked Nadine. "Ah, yes, halika, roon tayo sa loob," Nadine answered and opened the door for us. Now that I'm here, I just realized that we are here in the restaurant, which is also the restaurant I went to yesterday. "Hey! Nadine wait, nagpunta na rin ako rito kahapon, and sabi n'ong guy na nasa counter wala raw hiring?" I asked, confused. Natatawa akong nilingon ni Nadine. "Tsk, tsk, si nunal talaga," iiling-iling na bulong niya. "Ay 'te! Una na po ako sa school. Good luck to your interview po!" Pagpapaalam sa akin ni Roxanne, at kumaway sa akin. I waved my hand too. "Good luck, study well." I smiled at her. Pinaupo ako ni Nadine sa isa sa mga upuan na malapit sa bintana. Halos lahat kasi ng tables ay occupied ng mga customers, at dito yata kalimitan ini-interview ang mga bagong empleyado. I bit my lower lip. Inuumpisahan na akong kabahan gayong ito ang first time kong magtrabaho. I did research a few days ago on how to answer some interviews. Pero hindi ko lang alam kung magagawa ko iyon ngayon. "Okay, Klaire all you need to do is calm, 'yon lang Klaire," I reminded my self. I really really hate interactions with someone, unless close kita or nakilala na kita. I sighed heavily. "Hey Klaire, si Mrs. Villanasis ang magi-interview sa 'yo ngayon. 'Wag kang kabahan ah," Nadine said, encouraging me. "Who is Mrs. Villanasis?" 'Yon lang ang natanong ko at mahahalata sa boses ko ang sobrang kabang nararamdaman ko "Mother of the owner of this restaurant," she said, and based on her tone, she was also nervous. M-mother? "T-teka, ba't naman s'ya pa?" naguguluhang tanong ko. She shrugged. "I don't know. Dapat ang mag-i-interview sa 'yo is ako, kaya lang narinig ni Mrs. Villanasis 'yong sinabi ko kanina. Kaya nagpresinta siya na siya na lang daw," she answered. "Don't worry 'di naman s'ya nangangain, just be comfortable with her okay?" she added. "Yes," I said and sighed heavily. "Oh, Klaire nandiyan na s'ya. Relax. Stay calm." Huling paalala niya sa akin bago puntahan ang isang ginang na papalapit sa amin. She looks very young, hindi mo aakalain na nanay na siya dahil sa mga suot at kutis niya. Base sa pagkakasuot nito. She was wearing a black chiffon cocktail dress and a pair of red stilettos that made her even more stunning. Omg, ina na ba talaga 'to? "Ah, Ms. Villanasis, this is Klaire—" Nadine didn't finish what she was going to say, when she looked at me. Parang sinasabi n'ya na ituloy ko ang sasabihin n'ya. "Klaire Marriane Frakier po," I said politely. "Have a sit po," I added. She just nodded at me. "Mauna na po ako Ms. Villanasis," Nadine said and giving me an encourage look. "Sorry, what is your name again?" Mrs. Villanasis asked me and looked deeply into my eyes. "Klaire Marria—" I didn't finish what I was going to say when she halted me. "Nice name. Well anyway, how old are you?" "I'm 18 years old po," I said giving her my resume. "I don't need that. I'm going to ask you some questions lang," sambit n'ya at tinuro n'ya ang hawak kong resume at sinenyasan na itago ko na ito. "Oh, I'm sorry Mrs. Villanasis," I said apologetically. "Pang-ilang trabaho mo na ito, hija?" Umupo ako nang komportable at ngumiti sa kaniya. "Actually, Mrs. Villanasis, this is my first time. But don't worry, I will assure you na kaya ko pong gawin lahat, kung ano po ang hiring dito," I said, confidently. "Oh, I like your spirit." And she just smirked at me. Gosh, mali ba 'yong ginawa ko? "Well, anyway, the only available position is waitress, is that okay with you?" she asked. She even arched her brow. "Ah, yes, sup—" I got halted by her. "Alright then, you can now start today," she said smiling. Tumayo siya nang marahan at bahagya niyang tinapik ang balikat ko bago umalis. Sa labis na gulat at saya dahil nagkatrabaho na ako, tumayo ako at sumigaw sa kaniya. "Thank you Mrs. Villanasis!" I shouted, cheerfully. Doon ko lang napagtanto ang maling nagawa ko, dahil sa sigaw na iyon lahat ng customer sa restaurant ay tumingin sa akin. Kahihiyan ka, Klaire. "I'm sorry," I said formaly. Minutes after, Nadine approached me again. "Kumusta? Anong sabi? Natanggap ba?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. I bit my lower lip to stop myself from smiling. "Actually, p'wede na raw akong mag-umpisa ngayon," I said, excitedly. "Omg, congrats!" she said and gave me a warm hug. Bahagya akong nagulat sa inasal niya kaya nahihiya ko siyang niyakap pabalik. Siya rin ang kusang kumawala sa yakap na iyon, at tinapik ang balikat ko. "Sorry, nasanay lang." She chuckled. "It's okay." I smiled. "Wait, tara! Nando'n 'yong uniform sa office room. Hanap tayo ng shirt na fit sa 'yo." Hinila niya ako ng walang pasabi, kaya wala akong nagawa kundi ang magpadala na lang din sa hila niya. Pagkapasok namin sa loob, maraming mga locker ang nandoon, at may isa pang maliit na kuwarto sa bandang kanan na nasisiguro kong office ng mga higher position dito sa restaurant na ito. "Eto dai check mo, oh." Nadine handed me a yellow polo shirt that had the logo of the restaurant. Sinukat ko sandali ang damit, at tumingin sa salamin. Kasya ang damit na iyon sa akin, kaya napangiti na lang ako sa aking sarili. Ngayong may trabaho na ako matutulungan ko na ang pamilya ko, at makagagastos na rin ako para sa pag-aaral at pangagailangan ko sa school na iyon. Lumabas ako ng bathroom at pinakita kay Nadine ang suot ko. "Perfect! Wait, so mag-uumpisa ka na talaga ngayon?" tanong niya habang inaayos ang mga damit na kaniyang kinuha mula sa storage box. "Yes, pero tomorrow na lang? Kasi kung mag-uumpisa ako ngayon, parang nag-half day lang ako since malapit na rin ang lunch." I chuckled. Nadine nodded repeatedly. "Sabagay. Anyway, good luck to your first day tomorrow," she said, smiling. I smiled at her. "Yeah, thank you. I know you're there naman to help me." "Yes, yes!" Tara na po sa labas, bawal kasi mag-stay dito tuwing working hours, magagalit 'yong dragon," pabulong na saad niya sa akin. Inilingan ko na lang ang sinabi niya at sumunod na lang sa kaniya papalabas ng office room. Pagkalabas namin galing office room, unang dumapo ang aking mga paningin sa counter na kung saan nandoon 'yong lalaking nakausap ko kahapon na nagawa akong pagsungitan dahil lang nagtanong ako. Siya nga siguro 'yong Balboa na mortal enemy ko no'ng high school. Humarap sa akin si Nadine at nagpaalam. "Punta muna ako saglit sa kitchen ah, may aayusin lang ako." Ngumiti pa muli siya sa akin bago tuluyang umalis. Pumunta ako sa harap ng counter, at tinignan siya nang mabuti. Hindi pa niya napapansin ang presensiya ko dahil busy siya sa ginagawa niya sa kaniyang cellphone. Ang alam ko during working hours, bawal gumamit ang mga empleyado ng mga gadgets. So, he's not obeying the rules, huh? "Hey!" I greeted him. I even waved my hand. He slowly looked at me. "Hello, welcome to Cachi—" He didn't finish what he was going to say when she recognized me. His face contorted. "Ikaw na naman? Sinabi ko na sa 'yo wala nga kaming hiring ngayon ah," he said, irritatedly. "Next please." He added. I smirked. The Levy Balboa I used to know was so irratated by my presence. 'Eto pa lang ang ginagawa ko sa harap ng lalaking 'to, grabe na siya kung mairita sa akin. I smirked. I'll just confirm if you are the Levy Balboa that I used to know.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD