Lesson Twenty One Alia Est Malum “Pinasadya ang tanikala mula sa nakatatandang gabay ng mga Opalonia at katulong ang mga engkantong makapangyarihan sa Maradin. Susunod ka at luluhod sa pamunuan ko kung ayaw mong magdanas, Randall.” - Princess Naya – Gusto kong sakalin si Arya. Anong karapatan niya para itali si Randall na parang aso at utusan hanggang sa gusto niya? Kung hindi sana ibinigay ni Hana Nelissa ang basbas sa kanila hindi masasakop ng tuluyan ang Shiraniyo! Bakit nila hinayaang kunin sa kanila ang tanging lugar na iniwan ni Xanara? Tinignan ko ang tanikalang sinasabi ni Arya na nakatayo sa sentral sa mga oras na ito kasama ang mga kapatid niyang nakangisi sa mga nakaluhod naming magulang. Ang tani

