Simula
[Her POV]
Palihim akong dumungaw sa may bintana para panoorin siyang kumuha ng mga gamit mula sa kanyang sports car.
Ang brown niyang buhok na kumikinang habang tinatamaan ng araw. Mas kitang-kita ang brown hazel niyang mga mata. Kaya ko siyang panoorin buong araw.
"Aezelle! Ano ang tinutunganga mo diyan? Itapon mo na ang mga basura!" Pumasok sa kusina si Mom na magulo ang buhok.
I sighed and took the garbage outside. Panay sulyap ko sa aking gilid para makita siya. Ang mga mata niyang nagpapalambot sa puso ko ay natakpan na ng itim niyang sunglasses.
Napatalon ako nung biglang makarinig ng maingay na busina. "Magpapakamatay ka ba?!" Singhal ng driver sa akin at na-realize ko na nasa gitna na pala ako ng highway at lumampas na ako sa bakuran.
Iba talaga ang epekto mo sa akin, Uno Navarro.
.
"Ang swerte mo kaya! Libong mga babae ang hihilingin na maging ikaw." Napairap ko sa best-friend kong si Tess nung panay tili niya habang binubukas-sarado ang kurtina ng bintana sa kwarto ko.
"He's just my neighbor, Tess. He doesn't even know that I exist." Nagpangalumbaba ako.
"Who cares, Aze? You can watch him do his workout and make-out session. Magkaharap lang ang bintana ng mga kwarto niyo and take note, he's not just any guy, he's Uno Navarro."
"You keep saying those things everytime na pumupunta ka rito." Tumabi siya ng upo sa akin matapos niyang buksan ng marahan ang kurtina, enough to make us watch Uno Navarro.
Ramdam ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko nung makita siyang pumasok sa kwarto niya at tinapon ang malaki niyang bag sa kama. Napalunok ako nung ginulo niya ang ash brown niyang buhok. His biceps flexed every time he raise his arm.
"Diba ngayon ka lilipat? Hahatid na kita." Tess offered kaya hindi na ako tumanggi. Ngayon kasi ako lilipat sa Raindrops Dorm since malapit iyun sa University.
.
"Tawagan mo ako pagmay ka-dorm kang gwapo." Kinindatan niya ako bago pinaharurot na ang kanyang sasakyan.
Tinulungan ako ni Mr. Chavez na ilagay ang mga gamit sa loob ng magiging dorm ko.
"Siya nga pala, Aezelle, may magiging ka-room mate ka."
"Sa tingin ko nga," komento ko habang nakatingin sa kamang kaharap ng kama ko. Bagong dorm ito malapit sa University kaya it's a good choice to stay here. May mga bakanteng shelves sa katabi ng kama, maliit na study table at kabinet na may iilang hanger.
"Pagkatapos mo diyan ay fill-up mo na yung form mo sa baba." Tumango ako bago sinimulang ilabas ang mga damit ko para i-transfer sa cabinet.
Room mate? It would be my first time to have one. Sa antisocial kong katawan, I don't think we would get along no matter who it is.
.
Naka-staple ang reservation form ko at purchase form na kaka-fill up ko lang. Binigay ko na kay Mr. Chavez ang one-month advance payment ko.
"Mukhang swerte ka, iha."
"Po?" Napatigil ako sa pag-ayos ng mga pera ko sa wallet sa sinabi niya.
"Ang magiging ka room mate mo ay si Mr. Navarro." Napaestatwa ako. Navarro... ang kapit-bahay lang naman namin ang kilala kong mga Navarro. Could it be him?
"B-baka ho namali lang kayo. A guy like Uno would never choose someone like me to be his room mate."
"Tama ka, but Mr. Navarro don't have a choice. Puno na ang Raindrops Dorm and his coach insisted to stay here." Akala ko ay ico-comfort niya ako. Tss, umasa nga naman.
"Where are my keys?" Napayuko ako nung marinig ang boses niya. Hindi ako nagkakamali. Kabisado ko ang boses niya eh, naka-record sa phone ko ang speech niya noong naging back-to-back champion sila last year.
Wala man lang good morning? Gwapo at hot nga pero nakalimutan kong wala pa lang manners ang isang 'to.
"Here's your duplicate key. Yung isa ay nasa kay Ms. Cabrera na, your room mate." Parang nakabaluktot na ang katawan ko nung mas yumuko pa ako, kasi naman eh, tinuro pa ako ni Mr. Chavez.
"Who the f**k is that?" Tanong ni Uno na walang kaalam-alam na katabi nasa tabi niya lang ako.
"She's Miss Cabrera, she'll be your room mate." Unti-unti akong tumingin sa kanya at napalunok ko nung nakatingin na pala siya sa akin na magkasalubong ang mga kilay.
"You gotta be kidding me. Is there any room available?"
"We're currently full, Mr. Navarro. Your coach already signed the form and paid for a month."
"You should do something about this. I need to change room before next month, you get me?" Maotoridad na bilin niya na agad ikinatango ni Mr. Chavez.
.
"Who are you again?" Napaayos ako ng tayo nung bigla niya akong tinanong.
"Aezelle–"
"Well, I don't care, but don't get too cocky just because you're sharing a room with me." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya kaya nakapameywang ko siyang hinarap habang abala ito sa pagtutupi ng mga damit.
"For your information, Mr. Navarro, it's unfortunate to live with you in a single room. Don't also be so cocky. Not everyone likes you." Parang gusto kong kainin ang sinabi ko. That's not true! Ibebenta ko ang kapatid ko, makita ko lang siyang maligo.
"Really?" Napalunok ko at ang tapang ko kanina ay nagtago na sa pwet ko nung nagsimula siyang lumapit sa akin nang may panghamong titig.
"R-really," Nauutal na sabat ko nung ilang inches na lang ang pagitan ng mukha namin at naaamoy ko na ang chamomile niyang hininga. Pwede bang gawing fabric conditioner ang hininga niya?
"Okay, i'll look forward to that, Chanelle." Ngumisi ito at naglakad na papunta sa pintuan.
"It's Aezelle–" Agad niyang sinarado ang pintuan matapos lumabas.