[Aezelle's POV]
"May game match kami, manood ka ah?"
"Ano pa pwedeng gawin ko rito? Edi manood na lang din," nguso ko. Lowbat yung phone ko at wala naman akong maisip na gawin sa loob ng gym.
"Stop pouting, it's better to be bored than to go outside. Kung ayaw mong manood lang, cheer mo na lang ako." Pabiro niya akong kinindatan at sarkastiko na lamang akong ngumiti.
Iniwan na ako ni Ymar sa bleachers at tumakbo papuntang locker room ng gym para magbihis.
I feel lucky to be friends with the Summoners. Kung pati sila ay nilayuan ako ay ewan ko na lang kung ano ang mangyayari sa akin.
Napalingon ako nung makarinig ng mga boses papasok ng gymnasium. Lumiwanag ang mga mukha nila nung makitang nandoon na ako.
"You're here! Sino ang kasama mo?" Tanong sa akin ni Kuya Yvo nung tumigil sila sa harapan ko.
"Si Ymar. Nagbibihis na siya roon sa locker room."
"Ymar? Si Kishmar ba? Wow, may callsign na kayo."
"Kayo na ba?"
"Ba't hindi sinabi sa amin ni Kishmar?"
Sunod-sunod nilang mga tanong. Hindi obvious sa mga mukha nila na may lahi pala silang pagka-chismoso. Maliban na lang siguro kay Uno na nasa pinakalikod at hindi ko maaninag ang mukha.
"You got it wrong guys. Mag-best friends lang kaya kami ni Kishmar." Bakas ang pagka-disappoint sa mga mukha nila. Seryoso ba sila? Hindi kaya kami bagay ni Kishmar. As in! He's an ideal guy to be anyone's boyfriend except mine, and I don't like Ymar romantically. I only like his company and as a friend. Besides, my heart is reserved for someone who doesn't give a damn what I feel.
"Where's Griffin?" I asked.
"Hindi siya makakapag-practice. May lakad daw." Nagulat ako sa sagot ni Tyler. Kanina lang kasama ko siya ah. Palusot lang ba niya para maka-skip ng practice? O talagang may lakad siya?
"What about Griffin? May gusto ka ba roon?" Malalim ang boses at seryosong tanong ni Randall. Napaawang ang labi ko at hindi ko maintindihan kung bakit bigla na lang kumalabog ang dibdib ko na parang kinabahan. It's just a simple question, but it made me literally speechless. Syempre wala akong gusto roon, the only Summoner I ever liked more than just a friend is Uno.
"You can say the truth now, Aezelle. Tayo-tayo lang naman dito at mailap ang ibang mga estudyante kay Griffin kaya walang magiging sagabal sa relasyon niyo kung maging kayo nga." Seryosong payo sa akin ni Kuya Yvo.
"N-nagkakamali ka, Kuya. Hindi ko–"
"He's right, Aez, and it's also obvious that Griffin likes you. You seemed to be so important to him. Lahat kami ay nakita kung gaano ka kagusto ni Griffin. You can also ask Kishmar about that, I mean, it's because of him that made everyone stopped bullying–"
"Ngayon lang kayo? Magsibihis na kayo. Sesermunan na naman tayo ni Coach paghindi pa kayo nakapagbihis pagdating nun." Biglang dumating si Ymar at inakbayan si Vance dahilan para hindi na nito napagpatuloy ang sasabihin.
"What do you mean?" I asked. Curious akong malaman kung ano ang sasabihin niya. I know he was about to say something important.
Napakunot ang noo ko nung bahagyang tumingin si Vance kay Kishmar at napalunok. Kishmar is smiling awkwardly and hinting something with his eyes.
"Paanong gusto ako ni Griffin? He barely knows me and what about the bullying?"
"I'll explain everything to you, Aez, after our practice. I promise i'll make it clear to you," sabi ni Kishmar na may nag-aalalang mga mata.
Tahimik silang dumiretso sa locker room para makapagbihis. Sumabay sa kanila si Kishmar at may ibinubulong na kung ano kay Vance. Napatingin ako kay Uno nung siya lamang ang natira.
"Pinagmamayabang mo si Kishmar na kaya kang protektahan pero isang showman lang pala siya. He's a coward, Chan."
"He's a better coward than you." Pilit siyang napangisi sa sinabi ko.
"So he's your best friend? What about Griffin? Do you really like him?"
"They mistook it. Hindi ko siya gusto. Bakit? Yung utang ko ba ang inaalala mo? Sabi ko naman kasi na iba na lang iutos mo."
"You want a different one?" Napaangat ako ng tingin sa kanya nung biglang ginanahan ang tono ng boses niya. Tumango ako at sinalubong ang kanyang mga tingin.
"You're debt will be paid and you'll also be given incentives with this one condition."
"What condition?"
"Be mine, Aezelle Cabrera. Be my girlfriend, be my cheerleader, be my everything."
Hindi ako makapagsalita at nakatulala lang ako sa kawalan sa sinabi ni Uno. Seryoso ba siya? Oh my, baka nananaginip na naman ako o hindi kaya ay hallucinations ko lang. Panay iling ko at hilamos sa mukha ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. I got an intense unknown feeling that made me just wanna run a thousand miles or jump through the window.
Uno Navarro, my ultimate crush is asking me to be his. Napakagat ako ng labi at tinanaw ko sila. They are playing three versus three, si Kuya Yvo ang hindi nakasali sa kanila at siya muna ang magiging Coach since may urgent meeting si Tito kasama ang iba pang mga Coaches.
Pawisan sila at suot-suot ang first-year uniforms nila. Everyone is taking focus on the game, Uno is the only who is distracted. He keeps glancing at my direction from time-to-time. He must be bothered kung ano ang magiging sagot ko.
"Mas nakakaganang mag-practice pagmay nagpupunas sa likod ko," nakangusong sabi ni Vance at umupo na sa bleachers sabay hablot ng kanyang towel.
"Alam mo namang bawal magpapasok ng iba kapag may practice."
"Edi wow. Buti nga at napigilan mo ang mga chiks mong handang sirain ang buong gymnasium para lang mapanood kang mag-practice," panunuya ni Vance kay Tyler.
"Inggit ka lang."
"Ba't naman ako maiinggit? Ano ako? Babaero?"
"Isang salita pa at pag-uuntugin ko kayong dalawa diyan," pagbabanta ni Faxton sa kanila dahilan para tumikom ang mga bibig nila.
"Aezelle," agad kaming napalingon kay Uno nung tinawag niya ako... sa totoong pangalan ko.
"Huh?"
"I will wait for your answer."