[Aezelle's POV]
Napangiti ako nung makita ang pagkatuwa sa kanilang mga mukha habang tinitingnan ang sample ng uniform na ginawa namin.
"I thought pink?" Uno asked with his forehead creasing. I licked my lower-lip after getting the Summoners' attention.
"Well, the uniform shouldn't just about me. It's about your play guys. It's about Reamwork and of course, the Summoners."
I made the exact design of the uniform but it has different color than the sample sketch I showed them. The color is gradient from pink to blue. The jersey number and surname is printed in black with moons and stars printed in silver. It looks perfect and I guess the entire Summoner agrees.
"It's fantastic and unique. Unique, that I bet the other schools would be jealous to see us wearing these."
Napangiti ako sa komplimento ni Kuya Yvo. The inter-high is just a month away, so I need to finish the uniform within this week.
"Ipapakuha ko na ang sukat ninyo."
"Ikaw ang susukat sa amin, Aez?"
"Hindi. Sina Peppa ang naatasan doon."
Agad silang nataranta nung masabi kong sina Peppa ang magsusukat. Panay ingay nila at reklamo.
"Oh please, not them!"
"Ikaw na lang, Aez!"
"No way!"
"I won't go near those gays!"
Nagkatinginan kami ni Tito Xavier at bumuntong-hininga siya bago tumango.
"Ikaw na lang ang magsukat, Aezelle." Napanganga ako. It's a dream come true to closely touch them, but I will absolutely be uncomfortable! Hindi lang sila basta mga basketball players, they are the Summoners.
"Kuhanan mo na sila ng sukat. We don't have all day." Tumango ako kay Tito bago kinuha ang phone ko at tinext sina Peppa na ako na lang ang gagawa.
Kinuha ko ang measuring tape at listahan ko bago bumaba ng bleachers.
I took Kuya Yvo's measurement and it was no sweat. Medyo nahirapan nga lang ako kay Vance dahil panay kamot nito ng kanyang likod at pagmamatigas.
"Can you please stand still?" I almost beg. Nakalaglag ang balikat niya habang sinusukat ko ang sa bandang nape niya. Napabuntong-hininga ako nung napakamot siya sa kanyang ulo nung akmang susukatan ko na sana siya sa shoulders.
"Aray!"
"Umayos ka, ulupong!"
"Umaayos naman ah!"
Napanguso siya nung hinagisan siya ni Uno ng water bottle na walang laman sa ulo kaya bumuntong-hininga siya at umayos na.
"Stop that, you pervert." Suway ni Uno kay Tyler nung nagsimula itong maglakad papalapit sa akin na may nakakalokong ngisi.
"Fine, fine!" Tinaas nito ang magkabilang kamay at huminga ng malalim bago ako hinayaang kunin ang sukat niya.
Tyler and Kishmar made it easy for me. Tahimik lang at masunurin sa kung ano ang hihingin kong pabor, pero nung kay Randall... sobrang suplado.
"I said don't touch me!" Reklamo niya kung aksidente kong nasagi ang braso niya habang kinukuha ko ng sukat ang sleeve niya.
"S-sorry," madami pa siyang reklamo pero bigla na lamang siyang tumahimik. Tumingin ako sa kanya at sinundan ang kanyang mga tingin. Napalunok ako nung makita si Griffin na seryoso kaming pinapanood habang pinaglalaruan ang water bottle. Have he been staring at me this whole time?
Agad akong nakaramdam ng ilang at pagkataranta na hindi ko na alam kung ano ang susunod kong gagawin.
"Are you done?"
"Ah– oo. Pwede ka nang umupo."
Nawala ang kaba ko nung makita si Uno na naglalakad papalapit sa akin. Napairap ako dahil sa ngising naglalaro sa kanyang mga labi.
"Parang hindi ka masaya na susukatan ako ah."
"Ba't naman ako masisiyahan sa pagsukat ng taong may putok?"
Kaming dalawa lang makakarinig ng pag-uusap namin dahil busy na yung mga natapos kong sukatan sa pag-uusap.
"Ako? Amoy putok? Sige nga, amuyin mo nga, Chanelle." Tinaas niya ang kanyang mga braso at lumapit sa akin pero natatawang umatras ako. Hay, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya alam ang pangalan ko.
"Oo na, oo na! Binibiro ka lang eh."
Of course, it was just a joke. Kahit nga walang deodorant ay amoy attractive pa rin siya kaya hindi na ako magtataka kung marami ang patay na patay para amuyin lang ang kili-kili niya.
Kinuha ko ang sukat niya at bumalik na agad siya sa kanyang upuan. Bigla namang tumahimik ang buong gym at tanging mga yapak lang ni Griffin ang gumagawa ng ingay. Ang buong atensyon ng mga Summoners ay nasa amin at tumigil na sila sa pagbibiruan. Seryoso nila kaming pinanood.
Nagtama ang mga mata ni Griffin habang naglalakad siya papalapit sa akin. Napasinghap ako nung makaramdam ng isang hindi pangkaraniwang pagwawala ng puso ko.
"Hey," dinig kong sambit niya at umiwas ng tingin. Napalunok ako nung marinig ang baritonong boses niya.
"S-susukatan na kita." Tumango siya at hinayaan akong kuhanan siya ng sukat.
I felt something blissful when I took his collar's measurement and our eyes met again. I could feel my soul getting insane and my heart keeps jumping from time to time.
His biceps... my goodness, ito ba ang sinasabi nilang nerd? Ang sarap gawing unan! Marahan kong iniling ang ulo ko.
"The uniform... it's beautiful."
"Salamat. Ikaw din naman kasi nag-suggest. By the way, how did you know that pink is my favorite color?" Umiwas siya ng tingin at napalunok.
"Y-your things they all look pinkish... and i'm just an observant person."
I'm an inch closer to Griffin and I felt something extraordinary that I never felt before. Hindi kami close at ngayon lang kami nag-usap pero pakiramdam ko ay sobrang komportable ako. Kanina ay natataranta pa ako pero ngayon ay bahagya ko na siyang nahahawakan at parang may bumubulong sa akin na haplusin ko siya.
"How is it? Being Uno's room mate?"
"Magulo... alam mo na, may iba't ibang babae palagi sa dorm at minsan ay pinapakialaman pa ang mga gamit ko."
Griffin is known for being the shy member of the Summoner but I like how comfortable he is, the way he he talks to me.
"Uno is really troublesome."
"Kayo lang siguro ni Kishmar ang hindi sa Summoners– Ayan tapos na."
Napatitig ako sa kanyang mukha. He has a light auburn brown hair, flawless face and thin pinkish lips. He's second to the most shortest and also the least famous despite being the most handsome among the Summoners.
"Tapos na siguro kayo diyan? Magpa-practice na kami!" Naputol ang pagtitigan namin nung marinig ang sigaw ni Uno.