Tanggapin Mo Na

1058 Words
[Aezelle's POV] Napanganga ako sa sinabi niya. Mataman niya akong tinitigan dahilan para manginig ang paa at mga daliri ko. Kumakalabog ang puso ko sa pinaghalong tensyon, kilig at kaba. "B-bakit?" "Dahil iyun ang gusto ko. 20,000 pesos para ipangbawas sa utang mo sa akin." Naguguluhan ako sa kanyang inaasta. "Si Griffin kaya kong layuan pero si Kishmar? Magkaibigan na kami nun." "25,000 pesos, layuan mo siya." Napakunot ang noo ko. He's really persistent, I can see it in his eyes and it makes me confused. "What? Why?" "Basta!" Ginulo nito ang kanyang buhok at mukhang nairita sa tanong ko. "I-i can't a lose a friend as a payment." "Find another one." Sarkastiko akong napatawa dahil sa kanyang sinabi. "Another one? You think it's easy for a loner like me to find a friend? If Kishmar didn't save me from the bullies, I would be alone with myself again, especially that I lost my best-friend!" Nagulat siya at nanlalaki ang mga mata. "Were you bullied?" "Yeah, I was bullied for being your room mate. Of course hindi mo alam, sino ba naman ako para pagtuonan mo ng pansin?" Malungkot akong ngumiti sa kanya. "Then why didn't you told me?" "Because I know you wouldn't care. It's my fault anyway, I deserved it. Palagi kong nakakalimutan na pilitin si Tito na ilipat ka ng dorm, pero huwag kang mag-alala. I'll call him right now para matapos na." I reached for my phone and I was about to dial Tito Xavier's number when Uno suddenly took it from me. "What?!" "I'll transfer to another dorm, forget the scholarship and leave the basketball team after you pay your debt." "Why? It's been your dream to graduate as the MVP of Reamwork University ever since you were 7." Napaawang ang labi niya sa sinabi ko. Napaestatwa siya at nakataas ang magkabilang kilay. "How did you know?" "We're neighbors," I shrugged. I saw him gulped and looked away in embarrassment. Syempre hindi niya alam. I was invisible to everyone not until I became his room mate. "I want to achieve my own dreams, Chan. I love basketball, but i'm not good at it without the Summoners." Napatunganga ko. Gusto ko siyang sampalin para gisingin siya. Hindi ako sanay na ganito siya magsalita, sobrang seryoso. Kadalasan ay pang-iinsulto ang maririnig ko sa kanya. "Kaya magtitiis muna ako sa mukha mo hanggang sa mabayaran mo ang pagkakautang mo sa akin." Napasimangot ako. Si Uno pa rin pala ang kaharap ko. "Kaya kung ayaw mo talaga na makasama pa ako lalo nang matagal, layuan mo si Kishmar. I'm offering you 25,000 pesos." "I said no. Kishmar is not a thing to bargain. Kishmar is the only friend I have. I can't lose him, Uno." "Then, i'll be your friend, Chanelle. Think about it, I won't offer anything until we get this deal done. Good night." Agad niya akong talikuran at iniwan na nakanganga ang bunganga. Nawe-weirduhan ako sa mga salita at kilos niya. Be his friend? I don't think so. I'll settle with Kishmar as my friend, with him, he guarantees my protection. . Himala at maaga pa siyang nagising. May practice siguro. Kinusot-kusot ko ang mga mata ko bago bumaba ng kama at nag-ayos. Bago ako makalabas ng kwarto ay napataas ang kilay ko nung makita na kalahati lang ng foam ng kama ni Uno ang natatakpan ng bed sheets. Depressed ba siya? Napanganga ako nung makalabas at hindi na ako magtataka kung bakit ganoon ang itsura ng kama niya. Sa kusina ay nakita ko siyang nagsisipilyo sa may lababo at katabi niya ang isang babaeng naka-panty lang habang suot ang jersey niya. Ano ang nangyari sa Uno na nakaharap ko kagabi? Nandidiri ako sa ngiti na meron sa mukha ng babae habang maiging pinapanood si Uno na magsipilyo. Ipagluto ko kaya siya ng popcorn? Napabuntong-hininga ako at hinawakan ang knob ng pinto ng aming kwarto na marahang nakabukas. Hindi ako nagdalawang-isip na ihampas iyun pasira. Pareho silang napatalon sa gulat dahil sa ginawa ko. Malawak at sarkastiko akong ngumiti sa kanila bago nagsimulang pumasok ng kusina. Kumunot ang noo ko nung makakita ng mangkok na may lamang alphabet cereals... alphabet cereals KO. "Sino ang nagnakaw-" "Who is she?" Nakataas ang kilay at tinitigan ako ng babae mula ulo hanggang paa. "She's my room mate." "Really? You have a room mate? Why didn't I noticed her last night when we were playing?" Ngumisi ng mapanloko ang babae. She's obviously not from Reamwork and I wonder kung saang pusonegro naman napulot ni Uno ang isang 'to. Walang manners, cereal ng iba ay kinakain niya. "Gusto mo?" Pagyaya ko sa kanya habang hinawakan ang cereals at nilagay sa sarili kong bowl. "I already have some cereals-" "Gusto mo ng manners kako. Bigyan kita." Napaawang ang labi niya at si Uno na kakatapos lang mag-toothbrush ay nakanganga. "Wow, let me introduce myself. Hindi mo yata kilala ang binabangga mo. I am Reese-" "Ikaw ang bumabangga, hindi ako, pero wala akong planong magpakilala. Obvious naman kasi na hindi ka matalino para mangilala. Utak-ibon ka nga para pumatol sa isa diyan." "What?!" "Kita mo na, sobrang simple hindi pa maintindihan. Lahat pala ng talino ay napunta sa hinaharap mo. Mukhang mas alaga pa yan kesa sa iyong mga neurons." "Hey, b***h! Don't piss me off or you'll see what my family can do to yours-" "Mist, shut up and leave now." Parehos kaming natigilan nung magsalita si Uno sa isang nakakapanindig-balahibo na boses. "P-pero, siya yung nauna-" Napalunok ang babae at nakayukong bumaba ng hagdan nung ginawaran siya ni Uno ng matatalas na mga tingin. "Buti naman," bulong ko at umupo na bago sinimulan ang pagkain sa cereals ko. "I didn't know you can insult people like that." Ang nakakatakot niyang mukha ay napawi. Nakasandal siya sa counter habang nakangisi sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin at hinagis sa kanya ang box ng cereals na walang laman. "Ba't kasi panay dala mo ng bisita na hindi nagpapaalam sa akin? Mas worse ay pati yung cereals ko ay ginalaw!" Natatawang pinulot niya ang box at nilapag iyun sa mesa. Tinitigan niya ako habang nakapatong ang magkabila niyang kamay sa mesa. "Madami pang araw na ganito, Chan. Kaya kung ako sayo, tanggapin mo na yung ino-offer ko. Trust me, kung magiging kaibigan mo ako, everything will go according to your desires."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD