Kataka-taka

1020 Words
[Aezelle's POV] "What?" Naguguluhang singhal niya. "My best-friend hates me after knowing na room mate kita. She has a crush on you... big time, but I think it's better this way. Ayaw ko siyang mapalapit sa isang heartbreaker na tulad mo." Tinalikuran ko na siya bago pa tumulo ang mga luha ko nung maalala ang mga eksena sa school. "Why? You'll think I will like your best-friend?" "She's likable, Uno. Heartbreakers doesn't know standards." Mababa ang boses na pagkakasabi ko bago humiga sa kama ko at binalot ang sarili ko sa kumot. "Standards?!–" Hindi niya na natuloy pa ang sasabihin niya nung pinatay ko ang ilaw. Hindi na ako naligo o nagpalit man lang ng damit... i'm too tired. My mind and body wants to rest. . Hindi ko mapigilang humagulgol thinking na papasok na naman ako sa school. Bullies are now waiting for me at the main gate. I never experienced something like this before. Yes, I was bullied pero hindi yung tipo na buong school ay kakalaban sayo... but I have no choice but to go. "Kanina ka pa diyan ah! Nagje-jebs ka ba?!" Mabilis kong pinunasan ang mga luha ko nung panay katok ni Uno sa pinto ng banyo. "Ito na, ito na!" Singhot ko at lumabas na ng banyo matapos makapagbihis. Natigilan ako nung tumambad sa akin ang topless na si Uno. Nakasampay ang tuwalya niya sa kanyang balikat. Hindi ko mapigilan ang sarili at kusang lumakbay ang mga mata ko pababa sa kanyang six pack at matipunong pecs. Shems... "Parang gusto mo yatang maligo ulit eh... pero kasama ako," he winks at me and I felt my face getting burn. My eyes widened and I was about to say something, but he just laughed at my reaction. "Hmmp!" napipikon akong tumalikod at hinayaan siyang sumakit ang tiyan niya sa kakatawa. Argh! Crush ko siya, dapat sa tuwing kita ko sa kanya ay dapat kikiligin ako pero naiirita ako. Lalo pa yung naabutan ko kagabi sa room. Sarap talaga niyang sakalin. . Hindi ko maiwasang magtaka nung dumating ako ng school na walang nakaabang na mga grupo ng mga bullies or booby traps... it just seems like a normal day to me except that Tess is not with me anymore. Back to being invisible na ako, just like what I want. Dinadaan-daanan na lang ako nina Trice na parang hindi nila ako binantaan kahapon. No one even dared to look at me. Nakakapagtaka-taka. What the hell happened? Nung hapon ay pumasok ako sa cafeteria, kita ko ang iba na tumingin sa gawi ko but after that, they didn't mind me. No more tricks, no more bullies. Matapos kong kumuha ng pagkain ko ay tumingin ako sa kung saan pwedeng umupo. Madaming bakante... pero ayaw kong umupo nang mag-isa. Lalo pa na mukhang enjoy na enjoy si Tess kasama sina Cassie. Iniling ko ang ulo at napagdesisyunang pumunta ng Student Council Office. Nagulat si Kishmar sa pagpunta ko roon pero bakas ang pagkatuwa sa kanyang mukha. "Pwede ba?" Nguso ko sa pagkain ko para humingi ng permisong kumain sa table niya. "Of course! Be comfortable. Kumain ka lang diyan at may kukunin lang ako kay Mrs. Suarez, babalik din ako." Ngumiti ako sa kanya at tumalima. I wonder kung bakit si Uno pa ang nagustuhan ko. Ba't hindi ko na-notice noon si Kishmar? Maybe because kapit-bahay ko si Uno? Or dahil minsan ko lang makita si Kishmar? "Binu-bully ka pa rin ba nila?" Nilapitan ako ni Natalie habang kumakain ako. "Hindi na. Hindi ko nga alam kung bakit. Parang wala lang nangyari." "Actually... kinausap ni Kishmar ang bawat estudyante ng Reamwork na tigilan na ang pangbu-bully sayo. He announced it on the school's website. Hindi mo na-check?" Nagulat ako roon. Sinabi ko na kay Kishmar na hayaan na lang kaya hindi ko inaasahan na gagawin niya iyun... para sa 'kin. "I guess he cares for you. Paano pala kayo nagkakilala?" "T-tito ko ang coach nila." Biglang tumuwa ang mukha niya sa sinabi ko. "Kaya pala. Ang ganda ng skin mo, morena. Maganda rin ang mga mata mo, napaka-charming." Natawa ako nung tumili siya na parang ewan. "Malabo yata ang mata mo." "Marunong kaya akong tumingin ng mga mukha. Napakaganda mo, hindi ka lang tagal marunong mag-ayos." Nagpintig ang tenga ko sa narinig. Parang may mainit na humaplos sa puso at hindi ko maiwasang ngumiti. No one has ever said that before, not even Tess. "What's your name again? Full name?" "Aezelle Cabrera. Ikaw? Natalie Zamora, hindi ba?" Malawak ang ngiting tumango 'to. "Continue your lunch. Sorry at nadisturbo kita." "Naku, ayos lang. I'll see you around." . Hindi mapagkunwari si Natalie at sobrang approachable niya. Konti lang ang mga ganoon dito sa Reamwork University. "Kishmar," tawag ko sa kanya. Nagpumilit kasi itong ihatid ako sa room at dahil tumigil na ang lahat sa pangbu-bully sa akin, pumayag ako. "Hmm?" "Why did you do that?" "Do what?" Inosenteng tanong niya balik sa akin. "Ang bantaan ang lahat na itigil ang pangbu-bully sa akin." "We're friends." Sa simpleng sagot niyang iyun ay tumalon ang puso ko sa tuwa. Friends? I never thought that someone aside from Tess would see me as their friend and I couldn't help but to be grateful. "P-paano?" "I like your personality. You're one-of-a-kind and a girl like you should be appreciated." "I'm not one-of-a-kind. I'm just like the others, i'm a crazy fan girl of the Summoners." "That's why you're one-of-a-kind. You're just too honest to be true," he looked down at me and gave me a warming smile that made me feel relaxed. After Dad died, I never receive a smile like that and it's scary; knowing I won't be able to seize it again one day. "T-thank you!" "By the way, why don't you call me Ymar from now on? Diba ganun yung mga magkaibigan? May nickname?" Excited niyang tanong habang naglalakad kami. Para siyang bata, ang mga mata niya ay kumikislap sa tuwa kaya hindi ko rin maiwasang mapangiti. "What about mine? Aez?" "Elle na lang kaya... oo! Elle ang tawag ko sayo. What do you say?" "It's... perfect!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD