[Aezelle's POV]
This is it. This is what everyone is dreaming about; to personally meet the Summoners, the eight members of the Reamwork University basketball team.
Randall Danvers, palaging may dalaw at ubod ng sungit. Mailap ito sa ibang tao pero makikita mo naman siyang tumatawa kapag kasama ang team niya.
Vance Davis, ang tagagiba ng awkward atmosphere. Sunshine siya ng team at siya rin ang pinakabata kaso hindi halata dahil sa height niyang 5'9.
Yvo Hall, may pagka-perfectionist ito. Training palagi ang laman ng isip niya at strikto. Siya ang pinakamatanda at ang sub-coach.
Griffin Ortiz, tahimik palagi at hindi masyadong nakikisabay sa team niya. Pinakamatalino at kung hindi bola ay libro ang kanyang best-friend.
Kishmar Tan, maliban sa pagiging basketball player ay Vice President din siya ng Student Council. Maarte ito sa katawan at siya talaga ang matatawag mo na role model.
Tyler Villegas, ang number one na babaero ng Ream U. Iba-iba ang girlfriend at ayaw mag-stick to one kasi allergy daw sa commitment.
Faxton Hamm, kung makikita mo yan na may mga pasa, hindi yan dahil sa basketball kundi sa panghahamon niya ng away sa kalye. Dakilang mayabang din ng team.
Last but not the least,
Uno Navarro, hindi ko alam kung paano ko siya made-describe pero iiklian ko na. Siya ang love of my life ko. Tapos!
"Uy, ano na? Kwento mo naman," nakangising pukaw ni Tess sa atensyon ko. Kanina pa kasi ako pangiti-ngiti.
"N-nakabili lang ako ng bagong perfume." Napasimangot naman siya. I lied, ewan ko pero parang mali kung sasabihin ko sa kanya na ako ang gagawa ng uniforms ng Summoners.
May lahing chismosa kasi si Tess at alam ko ay kung sasabihin ko sa kanya, hindi pa sumasapit ang gabi ay kalat na ito sa buong school.
"Sus, akala ko kung anong exciting na ang ganap. Siya nga pala, sasama ka sa akin? Naimbitahan kasi ako ni Cassie sa party nila mamaya. Hindi ka makapaniwala, sa Blue Port gaganapin!" Tumili at ako naman ay nagulat.
"Cassie?! As in Cassie Villaflor?!"
"Oo, sis!"
Si Cassie Villaflor ay isa sa mga pinakamayamang estudyante sa Reamwork University. Her parents own 17% of the University. She's also locally famous dahil sa trabaho niya bilang model.
"So sasama ka ba?"
"Okay lang ba? Wala akong invitation eh," ngumuso ako. Tess Pangilinan is beautiful with her short straight her and cheerful cute eyes, unlike me. My skin is so dark, my lips and face is pale and my short is curly and so frizzy, that's why I never wonder why I only have one single friend.
"Okay lang yun, ano ka ba. Tsaka sa invitation ko ay pwede raw akong magdala ng plus one."
"Anong oras ba?"
"Eight ng gabi. Galaxy yung theme, bhe."
Galaxy?
"Susundin ba kita?" Tanong niya sa akin at agad akong umiling nung maalala na room mate ko si Uno.
"A-ah, ako na! Nakuha ko na yung kotse ko kaya ayos tayo."
"Sige tawagan kita mamaya ah?"
.
Ano ang susuotin ko? I know it's a simple question, but for girls?! This can be the cause of an economic crisis.
Bibili na lang kaya ako? or magre-rent sa online? I know it's only few hours until the party pero is it even possible to rent online?
"Holy!... May bagyo ba?!" Inirapan ko si Uno nung pumasok na ito ng kwarto habang may bitbit na bola at gym bag.
"Don't mind me," sabi ko habang nakatuon pa rin ang atensyon ko sa paghahalungkay ng kabinet.
"As if."
I spent fifteen... thirty... an hour choosing what to wear at wala akong maisip kaya nag-rent na lang ako online at agad akong nakitang dress na natipuhan ko.
"Pwede ba ho kayong mag-deliver before seven?" Tumingin ako sa wall clock at mag-aalas singco na. I still need to do my make-up and choose some jewelries to wear.
"Saan po ang address, Ma'am?"
"Sa Raindrops Dorm po, Araneta Street."
"Opo, Ma'am. Malapit lang naman, we'll be there in a few minutes."
"Thank you!" Parang nabunutan ako ng tinik doon. Bumuntong-hininga akong umupo sa kama para kumalma.
"Didn't know someone could be so stupid to take you out on a date." Napasimangot ako. Demonyo talaga 'to sa buhay ko.
"I thought you wouldn't mind me."
"I'm not, you're the one who's distracting me," napaismid ako sa sinabi niya. May headphones itong nakakabit sa batok niya.
"Ganun na ba ako kaganda?"
"Mas lamang ka lang nang konti sa baliw doon sa kanto."
"Really? Salamat ah," I said sarcastically.
"Welcome," sinamaan ko siya ng tingin. Pinapainit niya talaga ang ulo ko. Napalunok ako at agad na napaiwas ng tingin nung tinaasan niya ako ng kilay at parang hinahamon.
Bwisit ka, kung hindi lang kita crush.
"May party si Cassie Villaflor, hindi ka ba invited?" Impossible naman na hindi siya imbitado. Ang dakilang Uno Navarro ay hindi invited? Pinapatawa niyo ba ako?
"I declined the invitation."
"What?!"
"Jeez, calm down." Umarte ito na parang nabibingi sa biglang pagsigaw ko.
"How can you decline such an invitation? To think it was from Cassie Villaflor. Uno, si Cassie Villaflor yun."
"And?" Napairap ako at bumuntong-hininga.
"How can you miss such an opportunity?"
"Opportunity? It's just a party. Don't need to overreact... What about you? Why would Cassie Villaflor invite someone like you?" I cleared my throat when he asks me... mixed up with such an humiliating insult.
"My friend got an invite and she would bring me as her plus one," I confidently said.
"Really? Nerds don't attend parties."
"Well, it's Cassie Villaflor," he looked at me as if he's disappointed by my reason.
"You think Cassie will pay attention to you?" Sasagot pa sana ako nung biglang tumunog ang phone ko.
"Baka dress ko na- Hello?"
"Umm... Aezelle, nakabihis ka na? Si Sarah kasi sasama at papunta na kami sa Blue Port. Ayos lang ba sayo? Biglang tumawag kasi na mapapaaga ang party."
Hindi ako makapagsalita. Parang nahiwa ang puso ko at nangingilid ang mga luha ko. I feel betrayed. Si Sarah ay kaibigan at kapit-bahay niya. Why didn't she called me soon? Of course, ayaw niya akong isama dahil nga baka mapahiya siya.
"O-okay lang, madami rin naman kasi akong aasikasuhin." Buti na lang at hindi ako pumiyok. Nanghihina akong bumalik ng upo sa kama ko.
Panay lunok at tangla ko para pigilan ang luha ko. Ang sakit... she's the only friend I have. Parang pasan ko ang mundo, ang sakit na hindi ko na namamalayang umiiyak na ako.
"Delivery!" Dinig kong sigaw mula sa baba. Agad kong pinunasan ang mga luha ko at inayos ang sarili bago bumaba.
"K-kuya, babayaran ko na lang po ang renta at ipapabalik ko sana-"
"Actually, bibilhin ko na." Napalingon ako nung makarinig ng boses.
"H-huh?"
"Bibilhin ko na. I'll double the price." Tuwang-tuwa naman ang lalaki na inabot kay Uno ang malaking box.
Umalis na ang lalaki habang ako ay nakatunganga pa rin. What just happened? Aanhin niya ang damit? Don't tell me na may date siya kaya ayaw niyang pumunta ng party?
"Oh!" Napatalon ako nung bigla niyang hinagis sa akin ang malaking box.
"Ano ba!"
"Suotin mo yan. We're going somewhere."