[Aezelle's POV] "Aezelle." "P-po?" Naalarma ako nung tinawag ako ni Tito. Sinenyasan niya akong lumapit at nag-aalangan man ay bumaba rin ako ng bleachers. "Bakit po?" Tanong ko at ang mga mata nilang lahat ay nakatutok sa akin. Hindi na ako masyadong naiilang dahil nasanay na ako sa kanilang presensya... maliban na lang siguro kay Randall at Uno. "I want you to talk to Randall." "P-po? Eh diba, Tito, ikaw din ang nagsabi na mas kilala nila si Randall higit kanino man, bakit ako?" "Pero gusto ko na ikaw ang magkumbinse kay Randall para makipag-usap sa team. Knowing him, he would do anything to avoid any of his team mates." "Hindi ko po makukumbinse si Randall, hindi naman po kasi kami malapit sa isa't isa." Yeah, after what happened on the other day, I bet he would try to hurt me

