[Aezelle's POV] "Here, eat some. Baka nagpapagutom ka na sa sobrang pag-aaral mo diyan." Nakangiting dinalhan ako ni Ymar ng pagkain. Napagdesisyunan ng mga Summoners na mag-take turns sa pagbibisita sa akin. So ngayong araw ay sina Ymar at Vance. Nasa labas si Vance at nakikipag-usap kay Uno, na expected niyo na... buong linggo na nandito sa hospital. Unti-unti namang nawawala yung mga pasa, so baka next week ay makakapasok na ulit ako. "I need to study hard, yung pagbalik ko naman ay two days before ng exam tsaka kailangan kong humabol." "You're so punctual... you really care about your grades." Humila siya ng upuan bago umupo sa tabi ko. "I need to study well and have a stable job, I only have myself, Ymar." Sagot ko na hindi inaangat ang tingin. Seryoso kong binabasa ang bawat sal

