Chapter Two: Enrollment

1684 Words
Chapter Two: Enrollment A/N Ang settings po ay sa Pampangga. Si otor ay pinanganak at lumaki sa Manila at kasalukuyang naninirahan sa Cavite. Hindi po ako marunong mag kapampangan. Hi-hassume na lang na Pampangueno hang dialect. I-assume na rin na Colombian talaga si Joseph, tinatamad si otor na magresearch about Colombia. =JOSEPH'S POV= PAGTAPOS NAMIN KUMAIN... Umuwi na kami sa Pampangga. Gabi na nang makarating kami kaya hindi na nagawa pang magpa 'welcome party' para sa amin ni Serge. Nagpakita lang ako kay Nanny Uhlia, nauna kasi siyang umuwi sa amin ni Serge galing Colombia, after giving each other's hugs, I bade them goodbye. I'm so tired, thirtheen hours ahead kasi ang Pinas sa Colombia kaya may jetlag pa ako. Kaya umuwi na ako sa bahay ko na katabi lang ng bahay nila Serge, by the way, doon din nakatira sina Amber at foster mom niya na kapatid naman ni Nanny Uhlia. Si Tita Marge. Kaya lahat sila nasa isang bahay, ako lang ang nahiwalay. It's ok, I prefer to be alone. SA LOOB NG KWARTO KO... Hinubad ko ang aking polo at pants. Nag boxer shorts na lang saka nag dive sa kama. Though I'm so tired yet I can't sleep. Bigla kong naalala si Amber. I must admit, she's the most beautiful woman that I have ever seen, tama nga si Serge. I thought he's just exaggerating sa tuwing kinukwento niya si Amber sa akin. I don't want to admit it, but Colombian women cannot match up her natural captivating beauty. She’s so gorgeous too. But her stupidity and child-like acts turn me off. Bakit ko nga ba siya naiisip? Hey, brain cells, stop thinking of stupid things just let me fall to sleep. May enrollment pa bukas. Thanks, madali ka talagang kausap brain cells, I'm starting to doze off... KINABUKASAN... Early in the morning, dumaan ako sa bahay nila Serge. Nanny Uhlia told me a hundred times na doon ako sa bahay nila kakain ng breakfast, lunch, at dinner. Sure, it's fine with me. She's doing me a favor actually; I really love her food. Specially yung adobo and sisig. Nasa table na silang lahat para kumain nang dumating ako. Binati ako ni Amber ng 'good morning' with a sweet smile. Oh, something struck my heart. I wanted to greet her with 'good morning sunshine' but I got tongue-tied. Ugh, what's happening with my senses? I furrowed my eyebrows then lines formed on my forehead. What the heck am I doing? I should greet her back, but I turned to Nanny Uhlia and Tita Marge instead, and greeted them. Serge gave me an edgy look, displeased with what I acted toward Amber. I'm sorry, I don't know what's happening to me either. A suddden guilt hit me when I saw Amber frowned with sadness. I saw it in the corner of my eye. PAGTAPOS NAMING KUMAIN... Sabay- sabay kaming tatlo nina Serge at Amber na pupunta sa school. Si Serge na sana ang magda-drive but I insist na ako na lang. Si Amber mag isang nasa likod while Serge sat beside me in the passenger seat. I can't help but take a stolen glance at the rear-view mirror, I want to see her face. Maybe I just want to make sure she's safe. Why is she always smiling? "Ako na, Boss." Nabigla ako nang nagsalita si Serge. Tinignan ko siya ng masama. "I'm sorry, Joseph." Ilang beses ko na kasi siyang sinabihan na huwag niya akong tawaging boss. "Ako na lang mag drive, Joseph, para mas safe." Ok sige na. Hindi na ako makikipagtalo, mukhang napansin niyang panay ang sulyap ko sa rear-view mirror. Kahiya naman baka ano isipin niya. Baka isipin pa niyang type ko si Amber. =Amber's POV= Bakit kaya ang aga-aga sinusupladuhan ako ng tukmol na 'to? Yung si Joseph na kaibigan ni Serge na bigla na lang sumulpot sa Pilipens bilang kapitbahay namin. Saka ang yabang naman n'ya, sinabihan lang s'yang 'boss' ni Serge, ang sama na ng tingin niya. Ano ba yan, magkapit-bahay na nga kami, schoolmate pa. Siguro naman, hindi kami magiging classmates kasi left behind na ako ng three years. Dapat mga nasa third year college na siya. "Amber..." Sabi ni Serge sa akin na ikinagulat ko. "Anong year mo na nga pala?" Tanong n'ya. "T-third year high school." Medyo nahihiya pa akong sabihin baka pagtawanan na naman ako ni Tukmol at sabihan ng stupid. "Good! magiging classmates tayong tatlo! Isang section lang naman ang high school sa Kabalenn University,” masayang sambit ni Serge. "Ha?! anong tayong tatlo? Hindi ba eighteen na rin iyan si Tuk—" "Yeah, pero nag stop s'ya ng three years.” "Bakit?" tanong ko. "It's none of your business." Sabat ni Joseph. Grr. Kainis, yabang talaga. Baka hindi pinasa ng teacher dahil sa kayabangan. "Saan ka ba nag aral?" Tanong ko. Hindi ako pinansin ni Tukmol. Kainis talaga. "Sa IS..." Si Serge na ang sumagot. Para siguro hindi na ako mapa-hiya. "IS?" Ngayon ko lang iyon narinig. "Ilimintary Skol ba iyan?" "It's International School." Si Serge na naman ang sumagot, serious lang siya. Napatingin ako kay Joseph baka naiinis na siya sa katangahan ko na dinadaan ko sa cringey jokes. Aba! Medyo nakangiti siya. Pinagtatawanan niya yata ako. Nauunawaan niya na yata na sadyang masayahin lang talaga ako. "Actually, I'm into— home-schooling." At aba naman talaga, nagsalita na siya at mukhang maaliwalas na ang mukha. Home-schooling? Ang cool naman no'n. Kaya siguro sobrang seryoso n'ya kasi hindi siya nakikisalamuha sa iba. Gusto ko rin yun, lagi kasi akong binu-bully sa school. Maganda naman ako, mabait rin, and most specially, I am proud that I am humble. "Amber..." Owowow! First time niyang binanggit ang panglan ko! "Bakit Third year ka pa lang?" Hindi naman ako na-offend sa tanong n'ya kasi maayos naman yung pagkakatanong. "Kasi... hindi ba obvious? Ang bobo ko." Biglang natuyo ang lalamunan ko. Nakaramdam ako ng lungkot... pero hindi ako iiyak. "Kasi seventy lang ang grade ko." Hu hu hu. Parang gusto ko na talagang umiyak. Pero hindi! Nag-uusap lang kami walang iyakan. Ayokong kaawaan nila ako. "Seventy lang ang grade ko, pero wag ka, half day pa lang iyon. Paano pa kapag hin-whole day ko pa edi one hundred sixty na!" Tawa nang tawa si Serge. Hindi niya mapigilan, naluluha na ang kanyang kaliwang mata. Samantalang si Joseph tuod talaga. But wait, nakatingin siya sa akin at naka-ngiti. Hala bakit ang gwapo niya. "Amber, it's one-fifty. Pag nagtuturo ang teacher makinig ka kasi." Inirapan ko na lang siya. At dinilaan ng belat! Oo masyadong isip-bata, pero nakakainis kasi siya. Ang nakaka-inis pa, naga-gwapuhan ako sa kanya. PAG PASOK NAMIN NG KABALENN UNIVERSITY... Nakasalubong agad namin si Andrew G. Hay, my ghad ang aga-aga. Matagal na siyang nangungulit sa akin. May crush siya sa akin at gusto manligaw. Hindi ko siya pinapansin, ang angas kasi feeling pogi. Ang taba naman. Hindi naman sa panlalait alam kong bad iyon pero ang taba niya talaga. Ang lakas ng loob na sabihin ang mukha niya na pogi-yang mukhang iyan pogi? edi wala ng pangit. Bad Amber. Saway ko na naman sa sarili. Kapag si Andrew G. ba naman makasalubong mo ay kung hindi ka ba naman mabuang. At pinagkakalat niyang model daw siya ng Bench. Eh, mas mukha siyang logo ng B-Meg. Pinaki-usapan ko na siyang tigilan niya na ako, lahat na ginawa ko para layuan niya, kulit pa rin nang kulit. Pinapa-pangit ko na nga sarili ko, grabe effort ko, hirap na hirap ako. Inakbayan niya kaagad ako. Aba! feeling close. Ang bigat-bigat pa naman ng braso niya na parang hita. Naiirita na ako kaya tinabig ko ang kamay niya para matanggal sa balikat ko. Hindi niya nagustuhan ang ginawa ko. Napahiya ata siya kay Serge at Joseph kaya sila ang napagbuntunan. "Sino naman iyang mga kasama mong patpatin? Kumakain ba iyan mga iyan? Iyan ba pinagmamalaki mo? Pinagpalit mo ako sa, kanino ba sa dalawang pangit na iyan? Eh Mukhang tataob iyan pag sinuntok ko kahit hindi tamaan..." Nagtawanan ang mga schoolmates naming mga usi. Dinuro pa si Joseph, naku eh suplado pa naman iyan. Baka magkapikunan sila. "Hetong payat na 'to? Sa sobrang payat mo pag nagsinturon ka umaabot ng dalawang ikot. Siguro pag nag suot ka ng skinny jeans, hindi sasayad sa balat mo." Ha ha ha. Tawanan ng mga nakapalibot sa amin. Naku! ang dami na nila. Nakakainis na 'to si Andrew G. Poporma na sana si Serge ng fighting move, icho-choke-slam at i-3-3619 n'ya na pag bagsak; Batista Bomb. Hindi mo alam yon, pang wrestler yon. Mukhang papatulan na niya si Andrew pero pinigilan siya ni Joseph. Aba mukhang siya ang papatol kay Andrew. Sure ba siya? Eh kahit mag gym siya ng tatlong dekada hindi siya magkaka muscle dahil mas lamang ang kaniyang buto-buto. "Cellulite occurs when underlying fat deposits begin to push through layers of collagen fibers, or connective tissue, under the skin (often in the buttocks and thigh areas, but also on arms, stomachs, and other common trouble spots, as well). Connective tissue can be weakened by hormones, lack of exercise and muscle tone, excess fat, and poor circulation." Nagpalakpkan ang mga tao sa paligid. Manghang mangha sa sinabi ni Joseph. Ako rin, grabe kahit hindi ko naunawaan pero ang sarap pakinggan. Biglang nag-iba ang tingin ko sa kanya. Parang ang cute cute n'ya. "Hoy, payatot! Anong imbento iyan? Paki-explain!" Hiyaw ni Andrew G. "I said..." Grabe ang cool ni Joseph. Kalmado lang siya. "Kapatid, hindi naman sa pagmamayabang pero isa kang hampas-lupang patay-gutom na hindi kumakain ng Spam." Ha? Iyon pala ibig sabihin no'n. Grabeng bars, double meaning at word play iyon. Muntik na dumugo utak ko. Ang haba-haba iyon lang pala. Bigla na lang hinablot ni Joseph ang kamay ko at hinila ako papalayo doon. Ang lambot ng kamay niya, parang nakukuryente ako, bakit ganu'n? Saan naman kaya niya ako dadalhin? Author's note: May iba pa po akong stories, nawa ay ma add to lib nyo rin. Hindi ko po forte ang romcom kaya mas maayos yung iba kong stories haha. Thank you po sa support.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD