Chapter One: The First Sight
Chapter One: First Sight
=AMBER's POV=
SA AIRPORT...
Excited na akong makita si Serge! Ilang taon din siya sa Colombia. Ano na kaya ang itsura niya sa personal? Ang gwapo gwapo niya sa mga pinapadala niyang pictures. Mahirap lang kasi ako, walang pang padala ng pics sa Colombia. Sa sobrang hirap ko, hindi na ko poor- Three na ako.
Kaya hanggang ngayon hindi pa rin niya alam kung ano na itsura ko. Sayang, hindi niya makita kung gaano na ako kaganda. Dini-describe ko na lang kay Serge kung ano itsura ko tuwing tumatawag siya sa akin sa cellphone. Sinasabi ko na lang, maganda ako. Totoo naman eh. Maraming nagsasabi sa akin n'yan. Lahat maganda sa akin.
Utak lang ang hindi... Bobita daw ako. Shongaers. Boploks. Sobra naman sila. Wala lang akong f*******:, Twitter, at Skype dahil hindi ako marunong mag computer, boba na? Mali-mali lang ang English at spelling ko, bobita na? One out of ten ang score ko sa quiz (bonus question pa) ibig sabihin bobo na?
Noong bata ako, ang sabi ng mga kalaro ko, sa sobrang bobo ko raw, bakit gusto kong tikman yung Chocolate Hills? Eh hello, chocolate nga 'di ba? Tanga lang ako pero hindi ako bobo. I believe, English is not a measurement of intelligence. Saka bata pa naman kasi ako no'n. Literal kong naiisip ang mga bagay-bagay. Nalaman kong may figurative, metaphor, word play, etcetera pa palang nalalaman sa mundo.
Anyway, ito na si Serge! Naku! ang daming tao, buti na lang naisip kong gumawa ng placard para madali n'ya akong makita. See, hindi naman sagad ang kabobitahan ko. Pinaghandaan ko talaga 'to.
[Itinaas ko ang placard, sige taas pa, na may nakasulat na: Serge! Welcum Bak, Tol! Amber Hir!]
Siya nga si Serge. Kitang-kita ko na ang dimples niya ngayong malapit na s'ya sa akin. Nakangiti lang siya at inamoy-amoy ang sarili lalo na ang kili-kili.
"Mabango naman ako ah." Ang sabi niya.
"Huh? wala naman akong sinabing mabaho ka ah."
"Sabi mo kasi sa placard mo, 'welcome baktol'. Anyway..." Sabi niya habang naka ngiti pa rin. "May kasama nga pala ako."
Napatingin ako sa lalaking nasa likod niya. Isang lalaking matangkad, maputi, makisig. Mukhang serious. Mukhang hindi siya Pinoy. Ang ganda-ganda ng mga mata niya. Kulay brown pero hindi pangkaraniwang brown. Medyo light. Kakaiba talaga. Natulala ako.
"Who's that--" Naku, hindi ko alam kung paano i-Englishin yung 'gwapong nilalang' ah bahala na. "Who's that pokemon?"
Tumawa na naman si Serge. Oo na, alam kong hindi yun ang English no'n. Lagi na lang nila akong pinagtatawanan, hindi naman ako joker. Pero itong isang 'to, hindi siya natawa. Napansin kong kumunot pa ang noo niya.
"Joseph, this is Amber. Kinakapatid ko. She's kinda older sister to me."
Ah ok. Joseph ang pangalan niya pero hindi siya nakipag kamay sa akin. Suplado.
"Amber, ito si Joseph, kaibigan ko sa Colombia. Magiging kapit-bahay natin siya."
Huh? Kapitbahay? Bakit? Sino ba siya bukod sa kaibigan siya ni Serge? Napaka misteryoso ng lalaking ito sa unang tingin ko. Hindi kaya isa siyang wanted sa Colombia? Kaya dito siya sa Pilipinas nagtatago.
Hoy, grabeng judgmental naman yan, Amber. Saway ko sa isip ko. Paano magiging wanted ang ganyang ka-gwapong lalaki? Hoy, grabeng racism naman yan, Amber. Kapag pogi hindi na pwede maging suspek? Kapag pangit kriminal? Hustisya sa mga 'di kagwapuhan.
Ah ewan, bahala siya. Ang mahalaga, naka uwi na si Serge. Mayroon na ulit magtatanggol at poprotekta sa akin.
=Serge's POV =
That's really her! Amber, my little princess. Kahit na she's already eighteen and I'm just fifteen, s'ya pa rin ang little princess ko. May pagka isip bata kasi. I really admire her for being strong and a joyful woman despite of her tragic life.
Ikaw ba naman, ipaampon sa ninang mo na hindi mo kaano-ano. Yeah, pina-ampon siya sa nanay ko. Sadly, noong seven years old ako (and she was ten), my mother and I had to move to Colombia, doon kasi siya nakahanap ng work as a nanny. We have no choice but to leave her in my aunt's foster care. Yung tita ko ang kumupkop at nag alaga sa kanya ngayon.
Finally, after eight years magkikita ulit kami. Tama nga, she's grown up into a charming woman that I imagined her to be. I don't know how to put into words how beautiful she is. Her wavy brown hair falls over her shoulder down to her waist. Those majestic green eyes captured mine. I can't let my eyes off her.
I believe hindi lang ako ang nabighani n'ya. This man behind me, my best bud, Joseph, I know kahit gaano pa siya katuod, ka-weirdo, at apathetic, attracted siya kay Amber. That startled look in his amber eyes can't deny it. Wala pang babae ang nagpatulala sa kanya. Ten seconds of Joseph's life, looking at a girl without blinking, tulala na ang tawag doon.
Matapos kong ipakilala sila Amber at Joseph sa isa't isa, nagkayayaan kaming kumain.
SA LOOB NG TAXI...
Umupo ako sa harap, katabi ang driver para mag guide sa direction. So, magkatabi sila sa likod. They look good together, siguro dahil magkasing age sila. Plus, when green eyes and amber eyes meet together--totally awesome! Aw, I felt jealous.
"Saan nga po pala tayo ulit, Sir?" Tanong ng driver sa akin.
"Sa Vicenci St. po. Pero daan po muna tayo sa ano..." I turned to Amber, nakalimutan ko kasi kung saan yung favorite naming kainan noong mga bata pa kami. "Amber, ano nga pala kasunod ng Makati City?"
"My ghad, Serge akala ko ba matalino ka. Kasunod ng Makati City? Edi Makati utso." Nagjo-joke lang si Amber. Joker talaga siya. Ginagawan niya ng katatawanan ang maraming bagay dahil sa tragedy sa kanyang buhay. It's her coping mechanism to forget her childhood traumas.
Napatingin si Joseph sa kanya. Ito ang unang pagkakataon na nakitaan ko siya ng matinding facial expression.
"Serious... are you crazy or just a douche bag?" supaladong hayag ni Joseph. That was so rude.
Nakita ko yung mukha ni Amber, nanlaki ang kanyang mga mata. Masyadong sineryoso ni Joseph yung supposed to be a childish joke.
"Ako douche?!" Naku! Napikon ata si Amber.
"Ano yung d-dou-che?" Luh. Hindi pala niya alam meaning no'n, kung makapag react, affected much.
"Stupid." Sagot ni Joseph.
"Ah ok. Akala ko kung ano na," sagot ni Amber. Mukhang hindi naman siya affected. Sanay na kasi siyang sabihan n'on. Nung tumawag ako sa kanya dati, hindi niya napigilan na umiyak. Sinabihan daw siyang stupid ng schoolmate n'ya. Syempre, I cheered her up.
Hay... Napakamot na lang ako ng ulo.
Nakakita ako ng banner ng Mang Inasar. Buti na lang. Doon ko na lang inutos sa driver na ibaba kami sa malapit na Mang Inasar. Yung kainan kasi namin noong mga bata pa kami ay malamang wala na iyon ngayon.
SA LOOB NG MANG INASAR...
In-order namin ang famous na, "HITA AT PAA, PINAGSAMA!" Gutom na gutom kami ni Joseph kaya agad naming nilantakan ang pagkain. Samantalang si Amber nakatitig lang sa kanyang pagkain. "Hey Princess, bakit hindi ka pa kumakain?" I asked her.
"Hinahanap ko yung adidas." I choked. Anong kabalbalan yan, Amber?"
“Sabi 'di ba hita at paa pinagsama? Eh nasaan na yung paa ng manok? Hita at binti lang 'to. Paborito ko pa naman ‘yon."
I just smiled. May point nga naman siya. "Kumain ka na lang d'yan. Mamaya pag dating natin sa Kabalenn, ibibili kita ng ihaw-ihaw." Napa-ngiti na rin sa wakas si Amber at hindi na siya pinansin ni Joseph, gutom eh. Galit-galit muna kaming tatlo.
Nag request pa kami ng rice. Si Amber, nagsimula na rin kumain. Maya- maya, naghingi na rin siya ng rice. After seven minutes, si Joseph naman ang nanghingi ng kanin. Gutom talaga. Pang-apat niya na iyon. Ako dalawa pa lang at malamang panghuli ko na.
Nagtataka ako dahil ang lakas niya kumain pero hindi siya tumataba. Ganoon din si Amber. Sa katunayan, ang sexy ni Amber. Maliit ang bewang, mabilog ang hips, at hindi naman sa pagiging manyak pero nakaka turn on ang kanyang malaking hinaharap.
"Joseph, bukod sa tiyan, saan mo nilalagay yang kinakain mo?" Tanong ko kay Joseph.
WAITER! RICE PLEASE. Tawag ulit ni Amber sa crew.
"S'ya... saan n'ya nilalagay yung kinakain n'ya?" Tinutukoy ni Joseph si Amber. "It's already her fifth. Lugi ang unli rice sa kanya."
"Wow, nagsalita ang hindi kumakain." Yan na, nagsalita na si Amber. "Akala mo kung sinong mataba, picture ni Pepe Smith ang lalabas pag picture mo in-edit." May kasama pang irap na turan ni Amber.
Anong connect no'n sa asaran nila ni Joseph?
"Wait! nagtatagalog ka pala." Ngayon lang napansin ni Amber na marunong si Joseph na magtagalog.
"Yeah. I can speak Spanish, English, French, Mandarin, Filipino etc."
"Edi wow! Ang yabang mo ah. Marunong din akong mag English noh. Talagang hinahamon mo ako. If you want to speak with me in Universal language which is English, I guess you mess up with the wrong person, dude."
Naks! Si Amber ba yan?
"Just tell me the truth not being a rude. You know the meaning of rude?"
Naibaba ni Joseph ang kanyang kutsara at nakinig sa kanya ng maigi. Mukhang nakuha talaga niya ang atensyon nito kahit may kaunting sablay sa English at ang awkward ng kanyang accent.
"There's a lot of meaning of rude... rocky rude, custal rude, Kinun rude. Haha. That's funny, isn't it?"
Biglang tumawa si Joseph. Ang dami niyang tawa, mga dalawa. Napasimangot tuloy si Amber. Nainsulto ata.
Itinabi ni Joseph ang kanyang pagkain, nagpangalumbaba at tinitigang maigi si Amber. Yung pamatay na titig at may kasamang tipid na ngiti. "You're so cute."
WHAT THE EF?! Ngayon ko lang narinig si Joseph na nagsabi ng gano'n. Wala kasing "cute" sa vocabulary n'ya. What does that mean?