Chapter. 9: RULES FOR MRS. VOLCOV

3394 Words
Martina’s POV NANDITO ako ngayon sa kwarto ni Itzael para maghanap ng mga info about sa background niya. Nasa trabaho kasi ngayon si Itzael at dahil wala akong magawa ay naglilinis ako ng bawat kwarto. Sanay na ako na may ginagawa kaya hindi papayag ang katawan ko na hindi kumilos. Dahil nandito na rin naman ako sa kwarto ni Itzael ay isipan ko na pake-alaman yung private laptop niya. Nakakagulat nga na walang password yung laptop niya. Pansin ko rin na wala rin password yung phone niya. Tinanong ko siya noong nag honeymoon kami sa Baguio na kung bakit hindi siya naglalagay ng password. Sabi niya ay marami raw kasing arte. Kaya naghanap ako sa mga files niya ng mga information at sa paghahanap ko at marami akong nalaman na marami nga talagang kaaway na Mafia si Itzael lalo na yung Dad niya na si Daddy Rhory. *Ayayay ang galing mong mag reply! Ayayay ang galing mong mag reply!* Gulat ako nang marining ang ringtone ng phone ko. Ang weird ng ringtone ko, kaya nga kapag naririnig ito ng mga co-waitress ko ay na iinis sila. “Hello!”bungad ko sa kabilang linya. “Kamusta honeymoon mo, Rose Venom?”rinig kong boses ni Master sa kabilang linya. “Mayos na... Naman po,”utal na napalunok laway kong sambit kay Master sa kabilang linya. “Mukhang nag enjoy ka nga,”mapang-asar na sambit ni Master dahilan para mag-init pisngi ko. “Bakit po pala kayo napatawag?”change topic ko. “Nakapag background check kana ba tungkol sa pagkatao niyang asawa mo?”seryoso na tanong niya. “Actually ayun po ang ginagawa ko ngayon.”sagot ko sa kabilang linya. “Pinapakeelaman ko laptop niya.” “Dapat pala pinag-isipan mo muna nang maigi bago ka pumayag na magpakasal sa kanya.”punto na sambit ni Master sa kabilang linya. Halata sa pananalita na nagsisisi ito sa desisyon ko. “Ang tanga ko sa part na ‘yun,”aminado kong sambit. “Naintindihan ko naman dahil lahat gagawin mo para lang mabigyan katarungan ng mama mo.” “Basta. Paninindigan ko na lang itong pinasok kong malaking gulo.”sagot ko na lang. Binaba ko na ang tawag. Ang swerte ni Itzael at asawa ko na siya kung hindi siya naman ang isa sa target kong patayin. *** SAMA-SAMA kaming kumakain ng almusal dito sa kitche. Nandito pa rin kami nakikituloy sa mansyon ng Dad niya dahil nakiusap ito kay Itzael na dito muna kami tumuloy nang dalawang linggo. May sariling mansyon si Itzael at doon na kami titira kapag tapos na yung dalawang linggo na request ni Daddy Rhory. Bago kami mag-umpisa kumain ay nag lead muna si Anaiah ng prayer. “Lord. Thank you for the food you gave us this morning... Salamat din po dahil nakasama ko ulit sila auntie Martina at uncle Itzael, at nandito rin si lola Martha at s'yempre pati na si lolo Rhory. Nawa'y patuloy niyo pa rin po kami bigyan nang makakain sa mga susunod na araw...” Nagtakip ako ng bibig ko para pigilan ang pagtawa ko dahil kita ko kay Itzael na iirita na dahil sa haba ng dasal ni Anaiah. “Bigyan niyo rin po nang makakain yung mga guard at maid po dito sa mansyon namin pati na po yung mga pet ko na si Winter at Summer,”patuloy na pagdadasal ni Anaiah. Dahil hindi na nakapag pigil si Itzael at gutom na ay pasimple nitong tutusukin yung hotdog sa plato, pero nagulat siya nang kurutin siya sa kamay ni Anaiah. Napayuko na lang ako at pigil na pigil sa pagtawa dahil sa kakulitan nang mag tito na ‘to. “And Lord, sorry po kung hindi po makapag pigil si Uncle at gusto na agad kumuha ng hotdog... Patawarin niyo po siya.”sabi ni Anaiah sa dasal niya. Kita kong nagpipigil din nang tawa si Daddy Rhory at Lola Martha. “Ayun lang po Lord, binabalik ko na po ang lahat sa matamis na pangalan ni Hesus, Amen.”pagtatapos ni Anaiah sa panalangin niya. “Sa wakas! Natapos rin!”sarkastiko na sambit nila Itzael. Hindi na talaga ito nakapag pigil at tumusok na nang tatlong hotdog at dumakma ng dalawang bacond. Kita ko kung paano ito kumain at bakas mo na talaga na gutom na gutom siya dahil sa mahabang prayer ng pamangkin niya. “Mahiya naman po kayo sa asawa niyo, Uncle... Nakikita ni auntie Martina kung gaano ka po ka PG kumain!”pananaway ni Anaiah sa Uncle niya. Dahil kanina ko pa gusto tumawa ay hindi ko na maiwasang humalakhak dahil sa nakita kong napangiwing mukha ni Itzael. “Sige, tawanan mo pa ako.”pabantang usal ni Itzael sa akin dahilan para napahinto ako sa pagtawa. Lumipas ang ilang minuto nang mag-umpisa kaming kumain ay nagulat na lang ako nang bigla akong yakapin ni Anaiah sa bewang. “Bakit, baby?”kunot noo kong tanong kay Anaiah. “Alam ko po na hindi papayag si Uncle kaya sa ’yo na lang po ako magpapaalam,”nakanguso na sambit ni Anaiah sa akin. “Ano ba ‘yun?”kunot noo na tanong ko. “Pwede po ba na tumira rin ako sa mansyon niyo ni Uncle? Nasanay na po kasi ako na gusto ko siya kasama pati na po ikaw.”huling ng cute ko na pamangkin. Kita ko napahinto sa pagkain si Itzael. “Anaiah. Hindi ba na Pag-usapan na natin ang tungkol d'yan dati?”mahinahon na sambit ni Itzael kay Anaiah. “Pero sabi niyo rin po sa akin na hanggang wala pa po kayo anak ni Auntie Martina ay ako po muna ang baby niyong dalawa, kaya bakit ayaw niyo po na tumira ako sa mansyon niyo?”nakabusangot na sambit ni Anaiah kay Itzael. Niyakap naman siya ni Anaiah sa bewang at nag puppy eyes. “Pagbigyan niyo na yung bata, para kapag mag-aaway kayo may taga awat.”biglang sabat ni lola Martha. “Ayaw patirahin si Anaiah doon para masolo ang apo mo, ganyan talaga karakas ng anak ko.”pilyong sambit ni Daddy Rhory. Tila nag-init naman pisngi ko sa sinabi ni Daddy Rhory. “Dad!”pananaway ni Itzael sa Daddy niya. Ka agad naman nilingon ni Itzael si Anaiah at hinalikan ito sa noo. “Sige, papayag na ako... Para may stress reliever kaming dalawa kapag na stress kami sa work.”pagpayag ni Itzael sa gusto ni Anaiah. Nilingon naman ako ni Itzael at nginitian. “Yehey!!”Tuwang-tuwa na sambit ni Anaiah dahil sa pagpayag ng tito niya. °°° A few minutes later, we finished eating breakfast because Itzael said he had something important to tell me. Now, I’m sitting in front of him at his desk. “What will you say?”I began. Sabi niya matuto na ako makipag-usap ng english dahil minsan ay hirap siya magtagalog. Natitiis niya lang daw magtagalog kapag nakikipag usap sa kanya si Anaiah. “Now, I’m going to tell you your rules as Mrs. Volcov... I have rules that you need to follow,”he said seriously. “Rules?”I asked while frowning. “Since our marriage is just an agreement, you need to follow these rules so I can find information faster about your mother’s death,”Itzael said while rubbing his head. “If you don’t follow them, I might stop helping you with that case,”he added seriously. He gave me a black folder that contained the rules I had to follow as his wife. When I read Rule No. 1, my eyes widened, and my mouth dropped open. Rule No. 1– We must sleep in different rooms, unless I need your body’s warmth, then we can sleep together. I saw a small smirk on Itzael’s lips because of how I reacted to his first rule. “Aba'y... Ang kapal!”reklamo kong daing. “Hindi ba ayun ang na pag-usapan natin noong ayain kita magpakasal. In other words, I’ll only use your body to have a child,”nakangisi na ani nang malupit na lalaki sa harapan ko. “Ano ako lupa? Na kahit anong oras ay magtatanim ka sa loob ko?!”sarkastiko kong sambit. “Hindi pa rin kasi mawala sa utak ko yung memories natin doon sa Baguio, sobrang unforgettable,”nakangiti na sambit niya habang nakasandal sa swivel chair niya. Kusa naman nag-init ang pisngi ko nang ipaalala niya yung nangyari sa amin doon sa Baguio. “Pervert!”napasigaw kong sambit. “I don't know... Why can't I get that scene out of my mind?”he said while biting his lower lips. Hindi ko na lang pinansin ang pagiging delusional niya tungkol sa nangyari sa amin sa Baguio at patuloy na binasa ang rules ng kontrata niya. Rules no. 2– You have no right to be jealous if ever I’m with another woman or if I come home late at night. We only act like a perfectly sweet couple when we’re in public. “Ibig sabihin ba nitong pangalawang rules mo na ito ay pwede ko gawin lahat ng gusto ko kahit umuwi ako ng gabi?”pagkaklaro ko sa kanya. Kita ko na nagdalawang isip pa ito bago sumagot. “Yes...” Nagsalubong naman ang kilay ko nang mabasa ko ang pinaka huling Rules. Rules no. 3– Falling in love with each other are not allowed because it’s not in the contract to make our marriage real. “I'm just making it clear that in this contract, falling for each other is prohibited, or else you'll lose,”Itzael said with a smug grin. “What do you take me for? Do you really think I’d fall for you that easily?”I replied with a frown. “It's not impossible for that to happen, especially with my looks that many women like, and my great wealth,”he said proudly. Hindi ko na lang inintindi ang kayabangan na pinapakita niya at pinirmahan yung kasunduan namin. “Deal.”matipid kong sambit. Nilapag ko sa table niya yung ballpen at kontrata tsaka tumayo at inayos ang sarili. “Sige. Una na ako, maaga kasi ang pasok ko sa shop dahil kailangan kong bumawi dahil tatlong linggo akong nag leave sa trabaho para sa honeymoon week natin.”paalam ko sa kanya. “Okie dookie.”pilyong sambit ni Itzael habang tinitignan yung pirma ko sa folder. Naglakad naman ako palabas ng office ni Itzael at nakiusap ako sa driver na ihatid ako sa coffee shop. Ganito pala pakiramdam kapag mayaman. *** TATLONG araw na sunod-sunod na akong pumapatay ng mga kleyente na pinaki-usapan sa akin na tapusin ni Master. Pero para hindi halata at makahinala si Itzael sa trabaho ko ay umuuwi ako ng 8:30 PM nang gabi, pwera lang talaga ngayon na umabot ako ng ala sais ng madaling araw. Nagpaalam naman ako kay Itzael na bukas pa ako makaka-uwi dahil marami kami kailangan na order na dapat asikasuhin galing Paris pati na mga engredients. Papasok ako ngayon dito sa garden kung saan yung hide-out namin. Para akong naligo sa dugo dahil sa daming tumalsik sa katawan at mukha kanina habang pinapatay yung mga cliente ko kanina. “Kahit na galing ka sa honeymoon break mo ay hindi pa rin kumukupas ang galing mo... Lagi mo talaga ako pinapahanga.”papuri sa akin ni Master Lemian. Hindi ko naman maiwasang mag-init ang pisngi dahil sa pabirong hinaing ng amo ko. “Mukhang masyado kayo nag-enjoy ni Mr. Volcov sa honeymoon niyo doon sa Baguio.”biglang sulpot ni Sir Arnold at may dalang towel. Kinuha ko naman yung dala niyang basang towel at pinunasan ang mukha ko. “Master at Sir Arnold... ‘Wag niyo naman po ako asarin dalawa,”pagtatampo ko sa kanila. “Ihahanda ko na yung mga madadaling misyon mo kung sakali,”pag-iiba ng usapan ni Master Lemian. “Bakit naman po?”kunot noo kong sambit. “Pinaghandaan na namin kung sakaling mabuntis ka man,”nakangisi na sambit ni Sir Arnold. Dahil sa sinabi nila ay napatakip ako ng mukha ko hindi ko na kinaya yung pamumula ko pero ka agad ko rin tinggal. “Wow! Glow in the dark ang blush on mo!”mapang-asar na sambit ni Sir Arnold sa akin. “Bakit niyo naman po na isip yung bagay na ‘yan?”hiyang-hiya kong sambit kay Master. “Malamang, hindi imposible ‘yun... Halata naman na baliw na baliw sa ’yo si Itzael Volcov,”nakangisi na sambit ni Master. “Pero sinabi ko naman sa inyo na kontrata lang naman ang kasal namin dahil parehas kaming may kanya-kanyang interest na gusto makuha.”pagpapaliwanag ko sa kanila. “Kahit na sabihin mo na kontrata lang ang kasal niyo ay hindi malabong mahulog ang loob niyo sa isa't-isa dahil nasa iisang bubong lang kayo nakatira, higit sa lahat ay may nangyayari sa inyong dalawa.”paliwanag ni Sir Arnold. Tumahimik na lang ako at hindi nagsalita. Meron na akong kontrata na pinirmahan na kailangan kong sundin kung hindi ay ititigil niya ang pag-iimbestiga sa tunay na pagkamatay ni Mama. Kailangan kong bantayan ang emosyon ko dahil alam ko kung hanggang saan yung limitasyon ko. Alam ko rin sa sarili ko na madali akong maloko at mauto basta mabait yung pagtrato sa akin. Tandaan mo lagi yung tatlong Rules na ‘yun at kailangan ‘wag mong buwagin kun ‘di talo ka. “Sige pa... Maliligo na po ako,”paalam ko sa kanila. Pagkatapos kong maligo ay nagpaalam na ako sa kanila na uuwi ng bahay. Saktong 7:00 AM ako nang umaga umuwi sa mansyon ni Itzael. Noong Lunes kasi ay umuwi na kami dito kasama si Anaiah. “Aunntieee!!” Ang inaantok kong timing ay napalitan ng tuwa nang marinig ang masiglang pambungad na pagbati ni Anaiah. Nakita ko ito lumabas mula sa kusina at tumakbo palapit sa akin, lumuhod naman ako para paghandaan ang pagyakap niya at ibinuka ang dalawa kong braso. Nang tuluyan niya na akong mayakap tsaka ko pinulupot ang braso ko sa maliit niyang katawan. S'yempre hindi ko diniinan pagyakap dahil baka mabalian siya ng tadyang katulad nangyari dati kay Wildren noong bata pa siya. “You looked tired, Auntie... You need a rest.”pag-aalala na sambit ni Anaiah sa akin at hinaplos ang pisngi ko. “Grabe naman yung delivery ng mga product sa coffee shop niyo, inabot kana ng umaga.”pambungad naman ni Itzael na nakakibit balikat. “Alam mo naman ay ako lang mapagkakatiwalaan ni Manager pagdating sa mga ganung bagay.”pagpapaintindi ko kay Itzael. “Kahit na. Hindi porket malakas ka at masipag ka sa trabaho ay ikaw na lang lagi aasahan sa ganung mabibigat na trabaho?”seryoso na usal ni Itzael. Ano kaya nangyari kagabi bakit ganyan ang mood niya? Ang pait ng timing niya ngayon at mukhang balak ako pagbuntungan. “Since 15 years old ko ay doon na ako nagta-trabaho. 11 years na akong sanay sa ganung mabibigat na trabaho.”paliwanag ko. “Kaya ba malaki ang pinapasahod sa ’yo dahil minsan graviard hours ang trabaho mo doon?”inis na kunot noong tanong ni Itzael. “Daig mo pa yung call center agent ha.”dagdag niya pa. “Auntie, sa susunod ay ‘wag na po kayo uuwi nang umaga dahil para pong baliw si Uncle Itzael na tingin nang tingin sa phone niya dahil hinihintay niya ang yung tawag mo.”pagsusumbong sa akin ni Anaiah. “Dami mong alam, bata ka!”singhal ni Itzael kay Anaiah. Pasabog niya naman na kinuha ang itim niyang coat at nagmartya tsaka madaling umalis. “Tignan mo, pati ako sinungitan.”sambit ni Anaiah. Bahagya naman akong natawa dahil sa naging reaksyon ni Anaiah. *** NANDITO kami ni Itzael ngayon sa head quarter kung saan nagta-trabaho ang bestfriend niyang si Zebedee. Nag-umpisa na kasi noong honeymoon week namin si Zebedee na mag-inbistiga at mag ungkat ng mga files patungkol sa insidente sa pagkamatay ni Mama. Pitong taong gulang ako samantalang apat na taong gulang naman yung kapatid kong si Wildren nang mamatay si Mama. Sa pagkaka-kwento sa akin ni Lola ay namatay daw si Mama sa car accident at nahulog ang kotse na sinasakyan niya sa bangin, dahil pinuntahan niya si Papa non. Sabi kasi ni Lola ay gusto raw kami protektahan nila Mama at Papa mula sa mga kaaway nila. “Ano na yung mga nahanap mong impormasyon?”bungad na tanong ni Itzael sa kanyang kaibigan. Nandito na kami sa office ni Zebedee at nakaupo sa guest couch sa harap ng table niya. “Totoo nga yung binigay na info sa akin ni Martina noong wedding day niyo na sinabutahe nga yung pagkamatay ng Mama niya tulad nang kwento sa kanya ng lola niya.”pambungad sa amin ni Zebedee. Nilapag niya sa table yung mga file at picture tungkol sa car incident, nakita ko yung lumang picture ng kotse ni Mama na wasak dahil nahulog ito sa bangin. Nakita ko rin yung bangkay ni Mama na nakatakip ng kumot. Hindi ko naman napigilan na tumulo ang mga luha ko sa mata, kita kong napatingin sa akin sila Zebedee at Itzael kaya ka agad ko ito pinunasan. “Sorry, na-miss ko kasi Mama.”panghihingi ko nang pasensya sa kanila. “Mukhang masyadong sensitive sa ’yo ang bagay na ‘to.”seryoso na sambit ni Itzael. “Gusto mo ba na sa ibang araw na lang natin ituloy, kung sensitive ka sa mga ganitong bagay.”sabi naman sa akin ni Zebedee. “Ituloy niyo lang, ayos lang sa akin.”huling ko sa kanila. “Are you sure?”paninigurado ni Itzael. Tumango lang ako samantalang si Zebedee ay nag-umpisa na kalikutin ang laptop niya para maghanap pa ng ibang impormasyon. “I'm just curious... Yung Mama at Papa mo ba ay kasal?”biglang tanong ni Zebedee. “Oo,”sagot ko. “Pero bakit nasa apelyedo ng Mama mo ang apelyido niyo?”curious na tanong ni Zebedee. “Sabi ni Lola ay para raw ma-protektahan kami ni Wildren sa mga kaaway nila ni Papa.”sagot ko. “Kung ganun ay si lola ang tanungin natin para marami tayong mahanap na impormasyon!”ideya ni Itzael. “Huwag!”pigil ko na ikinakunot ng noo niya pati ni Zebedee. “Why?”He frowned. “Kasi ka bilin-bilinan niya sa amin ng kapatid ko na ‘wag na namin uungkatin ang kaso tungkol doon dahil baka manganib na naman ang buhay namin kung sakali.”paliwanag ko. “Kaya isikreto natin ‘to kay lola.”paki-usap ko. “Kaya ka ba nagkaroon nang lakas ng loob dahil sa alok sa ’yo ng kumag kong kaibigan? Pffftt.”bahagyang na tawang sambit ni Zebedee. “Kahit wala ang alok ni Itzael ay kaya ko naman gumanti sa mga masasamang tao na ‘yun, pero sadyang mahirap lang talaga humanap ng ebidensya dahil masyadong confidential yung kaso nang pagkamatay ni Mama. Kaya kinailangan ko ang tulong nang yaman ni Itzael para maisakatuparan ‘yon.”mahabang paliwanag ko. “Dahil lang doon pumayag ka?”mapang-asar na tanong ni Zebedee sa akin. Dahil sa na offend si Itzael ay hinampas niya yung folder sa ulo ni Zebedee. “Brow, I'm just kidding! Hindi ka talaga pwedeng biruin!”daing na anggil ni Zebedee. “Alam mo pala pero nagbiro ka pang hinayupak ka!”singhal ni Itzael kay Zebedee. “May point ka naman.”pag sang-ayon ko kay Zebedee na nagpataas ng kilay ni Itzael. Napalakhak naman si Zebedee. “Kasi deserves ko na magkaroon ng lalakeng makakasama habang buhay, pero dahil malupit ang mundo ay sa patalim ako kumapit...”seryoso kong paliwanag. “Handa ko isakripisyo ang nararamdaman ko para lang mahanap kung sino ang pumatay sa Mama ko.”desidido kong sambit. “Mukhang sobrang sakit ng dulot sa ’yo nang pagkamatay ng Mama mo.”seryoso na sambit ni Zebedee. “Huwag ka mag-alala dahil tutulungan kita para mahuli ang pumatay sa Mama mo,”desidido na sambit ni Itzael sabay hawak sa kamay ko at bahagya itong pinisil. “Salamat,”matipid na pasasalamat ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD