Chapter. 10: NIGHTMARE

2706 Words
(A/N: Please kindly FOLLOW my account for more updates and don't forget to heart every chapter. mwahh!!) Continuation Martina’s POV PAGKATAPOS nang mga pag-research namin tungkol sa mga na itinagong files may kinalaman sa pagkamatay ni Mama ay sinamahan kaming dalawang ni Itzael ng kaibigan niyang si Zebedee na lumabas ng head quarter. Habang naglalakad kami may nakita kaming dalawang pulis na papalapit na nakasalubong namin. Nakita kong nagtatawanan ang dalawang pulis na halata mong nakakatawa talaga ang topic nila. Masasabi kong parehas na gwapo, matipuno, matangkad pero ang kinaibahan ang kulay nila. Dahil ang kulay ng balat nang pulis na nasa kaliwa ay tisoy at yung sa kanan at moreno. Maya-maya napasulyap sa akin yung tisoy na pulis at nanlaki ang mata ko ng mamukahaan ang mukha nito nang malapit na namin malampasan ang isa't-isa. Nang mamukhaan ako nito ay huminto ito sa harapan ko dahilan para mapahinto din ako sa harapan niya. Kita kong huminto rin sila Zebedee at Itzael. “Tina! Is that you?!”may galak na sambit ng gwapong tisoy na pulis kaharap ko. “Helvick, pfft.”panghuhula ko sa pangalan ng tisoy na pulis. Dahil sa Helvick lang naman ang kilala kong gwapong pulis. “Grabe ka! Happiness mo talaga ako, ano?!”nakangusong sambit ni Helvick sa akin. “Wow! Iba talaga kapag nakakaluwag na, ang blooming mo!”papuri ko sa kanya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng katawan niya. “Gwapo na ba lalo,”nakangisi na sambit ng pilyong pulis kong kaibigan sa'kin. “Oo, aminado ako d'yan.”pag-amin ko. “Ikaw, Helvick... Isa siguro ‘yan sa mga bebot mo!”pang-asar ng morenong pulis na kasama niya. “Gaga! Kababata ko ‘yan. Kapatid niya si Wildren.”sagot ni Helvick sa kasama niyang pulis. “Talaga?!”bulalas na gulat ng morenong pulis na kasama niya na halatang hindi makapaniwala. “Kaibigan niya rin ba si Wildren?”tanong ko kay Helvick. “Actually magkakasama kami sa iisang agency, may biglaan lang inutos ang chief officer namin dito kaya kami na destino.”paliwanag ni Helvick. “Ganun ba? Kamusta na pala siya?”pag-iiba ko nang usapan. “Dahil sa talino at pursigido na pulis ang kapatid mo ay Police Colonel na siya, kaya marami siyang pinagkaka-abalahan na misyon.”pagkekwento ni Helvick. “Nakaka-proud naman ang bunso namin na ‘yun!”proud kong sambit. “Hindi ko in-expect na ganyan ka ganda yung ate ni Police Colonel Wildren!”papuri sa akin ng morenong pulis na kasama ni Helvick. “Siya nga pala si Police Lieutenant Lewis Hardon,”pagpapakilala ni Helvick sa kasama niya. “But you can call me, baby!”malokong pagpapakilala ni Police Lieutenant Lewis Hardon. Siniko naman ito sa tagiliran ni Helvick. “ 'Wag mo landiin ang ate ni Police Colonel natin kung ayaw mong mabitay,”pabantang usal ni Helvick sa kaibigan niya. “I'm just kidding.”pagbawi ni Lieutenant Lewis. *** Itzael’s POV HINDI ko maiwasang magpigil nang inis dahil sa nakikita kong close si Martina at yung tisoy na pulis na kababata niya pala. I don't know how long I can hold back my frustration because of how close she is to that fair-skinned policeman, even if you say they grew up together. “Nagseselos ka?”mapang-asar na bulong ng kaibigan ko sa akin. “Jealous?”napabugha kong sambit. “Sa tanang ng buhay ko ay ngayon ko lang nakita ang selos d'yan sa mukha mo. I'm your bestfriend kaya kabisado ko na yung nakasanayan mong emosyon, that's why it's surprising that I discovered jealousy on your face.”mapanuksong tuwiran ni Zeb sa akin. “So alam mo rin ba na pikunin ako, tapos kapag na pikon ako ay nanapak ako?”sarkastiko kong sambit sa mapang-asar kong kaibigan. Tinaas nito ang dalawa niyang kamay na parang suspect at marahan na lumayo sa akin. *Ehem-ehem-ehem* Napukaw ko ang atensyon ni Martina kasama yung dalawang pulis na nagpapansin sa kanya. “Honey, Who they are?”malanding tanong ko kay Martina. Kita kong napalunok siya nang marinig ang boses ko, lalo na nang bigla ko siyang lapitan at pinulupot ang malaki kong braso sa bewang niya para landiin siya sa harap ng dalawang pulis na lumalandi sa kanya. I felt Martina's shock in her body, but I continued wrapping my arm around her waist. Sinenyasan ko siya nang tingin, mukhang nakuha niya naman ang gusto kong iparating. “Nga pala, Hubby. Siya nga pala si Helvick, kababata namin ng kapatid ko... Yung kasama niya naman si Lewis, kaibigan niya.”pagpapakilala ni Martina sa akin sa dalawang pulis. “Hubby?”taas kilay na sambit ng Tisoy na kababata na pangalan ay Helvick. “Oppss. Sorry, hindi namin alam na may asawa ka na pala?”kamot batok naman ng pulis na nagngangalang Lewis. “Ang laki namin ng kaibigan ko, hindi niyo lang man kami na pansin?”sarkastiko na sagot ko sa kanila habang nakangisi. “Hubby, Calm down.”pagpapahinahon sa akin Martina dahil kita niya yung inis sa pananalita ko. “Seryoso ka ba, Tin? Si Itzael Volcov ang asawa mo?”hindi naniniwala na sambit ni Helvick. Bigla naman nagyukuman ang mga kamao ko sa tabil ng dila ng tisoy na pulis na ‘to. Kapag ito sinakal ko ay magiging kulay violet ang kulay niya. Kita ko pinakita ni Martina yung wallpaper niya na picture naming tatlo kasama si Anaiah. “Yung cute na batang nasa gitna namin ang pamangkin niyang si Anaiah.”masayang paglalahad ni Martina sa kababata niyang hindi naniniwala. “Do you want me to kiss her in front of you to prove that we're married?”I challenged Helvick. “Congrats.”mapait na pagbati ni Helvick sa amin. I was shocked when Martina suddenly stroked my cheek in front of Helvick, even more so when she kissed me on the cheek and wrapped her arms around my waist. “Hubby, ‘Wag na magsungit, please!”malambing na sambit ni Martina sa akin habang nakanguso. You're the best actress, Martina! You’re really fulfilling our contract as my wife. “Sorry, Honey. I couldn't help but be annoyed with them,”I said to Martina, stroking her hair and kissing her on the forehead. Kita ko na naglabas ng business card si Helvick at binigay kay Martina. “Kita na lang tayo kapag free ka, isasama ko kapatid mo.”sabi ni Helvick kay Martina at kumindat. “Let's go, brow,”sabay tapik niya sa kaibigan niya at inakbayan ito palayo sa amin. Naglakad na rin kami ni Martina kasama si Zebedee, nang makasakay na kami ni Martina sa kotse ay inumpisahan na ang pag-drive ng kotse ko. “I don't know that you're the best actress.”nakangisi kong sambit kay Martina na nasa tabi ko. “Ang galing mo rin kanina umarte na nagseselos ka,”tugon niya naman. Hindi na ako nakasagot pa nang marinig yung sinabi niya. Dahil hindi naman ako umaarte na nagseselos kanina, hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ko ‘yun naramdaman kanina. *** Martina’s POV ALAS TRES EMEDYA na ako nang madaling araw na ako umuwi dahil sa misyon ko. Buti nandoon pa si Itzael sa business trip niya sa Pasig. Pang pangatlong araw na kasing nandoon si Itzael. Marahan ako humakbang sa hagdanan para hindi makaistorbo sa mga natutulog na katulong at bago ako pumunta sa kwarto ko ay pumunta akong kwarto ni Anaiah para tignan ang lagay niya. Nang nasa harapan na ako sa pintuan ng kwarto ni Anaiah ay naririnig kong humihikbi siya mula sa loob. Dahil sa pag-aalala ay binuksan ko agad yung pinto ng kwarto ni Anaiah, nang pagpasok ko sa loob ay nakita kong natutulog siya sa kama niya. Nakita kong umiiyak ito habang natutulog na animo'y binabangungot. Ka agad ko ito tinabihan sa kama. “Daddy. Please ‘wag mo na saktan si Mommy!” “Please! ‘Wag na po kayo mag-away ni Mommy!” “ ‘Wag niyo po sakalin si Mommy!” Ayun ang mga salitang lumalabas sa bibig ni Anaiah habang binabangungot siya at patuloy na pag-agos ng mga luha sa mata. Hindi na ako nag dalawang isip na yugyugin siya para gisingin sa pagkakatulog niya. Mabuti at nagising na rin siya. “Salamat sa Dios at gising kana! Nag-alala ako sa ’yo...”napabuntong hininga kong sambit. “Auntie Martina!”lumuluha pero bakas ang tuwa sa boses nito nang makita ako. Ka agad siya bumangon at niyakap ako nang mahigpit. “What happened, baby?”pag-aalala kong sambit habang hinahapo ang likod niya. Pumiglas siya sa pagkakayakap niya sa akin at ginulo ko naman yung buhok niya. “Nanaginip po kasi ako tungkol sa pag-aaway nila Mommy at Daddy... Bago mamatay ni Mommy.”malungkot na paglalahad ni Anaiah. “Nightmare nga ‘yan,” “Hindi ko po alam kung bakit ko ‘yun napanaginipan.”nakabusangot na sambit ni Anaiah. “Baka na-mi-miss mo lang yung Mama mo kaya napanaginipan mo ‘yun?”hula ko. “Pero bakit yung scenario nang pag-aaway po nila ni Daddy ang napaniginipan ko? Yung away pa naman nilang dalawa ang biggest trauma ko,”namumugtong paglalahad ni Anaiah. Nagulat ako nang haplusin ni Anaiah ang kamay ko. “Pwede po ba tabihan niyo po ako sa pagtulog kahit ngayong gabi lang?... Baka po kasi bangungutin na naman ako.”hiling ng cute na bata sa akin. “Sige,”walang pagdadalawang isip kong pagpayag. Kaya sabay na kaming dalawa humiga sa kama niya at niyakap ko siya sa bewang. “Auntie Martina...”tawag ni Anaiah sa akin dahilan para lingunin ko siya. “Pwede po ba kayo mangako sa akin ni Uncle Itzael,”sambit nito. “Ano ‘yun?”tanong ko. “Pwede po ba na ‘wag po kayo mag-away dalawa... Baka po kasi hindi ko kayanin na pati kayo nakikita kong nag-aaway sa harapan ko.”hiling ni Anaiah sa akin. “Oo naman.”walang pagda-dalawang isip kong sagot. Kahit na wala naman akong kasiguraduhan kung hanggang saan aabot ang pagpapanggap namin bilang masayang mag-asawa sa harapan ni Anaiah. *** Anaiah’s POV PAGKA-UWI ko sa school ay naki-usap ko kay manong driver dahil siya ang sundo ko ngayon na dumiretso ng sementeryo kung saan si Mommy nilibing. Nasa bored meeting kasi si uncle Itzael kaya naki-usap siya kay manong Fiolo na hatid sundo muna ako sa school ngayong araw. May work din kasi si auntie Martina kaya hindi rin ako makapag request na ihatid sundo ako sa school. I placed a basket full of Roses and Sampaguita because those were her favorite flowers. “Hi, Mommy. I'm sorry for visiting your altar only now... I've been busy with my schoolwork,”I said at Mommy's grave. After a while, tears suddenly fell from my eyes, but I quickly wiped them away. “Mommy, you know, I dreamed about your argument with Daddy the night before your car accident,”I shared while gazing at Mom's grave. “Hindi ko po alam kung ano po ibig sabihin at bakit ko po napanaginipan yung pag-aaway niyo ni Dad dati, may ibig sabihin po ba ‘yun?” “May inutos ka po ba kay Lord na iparating sa panaginip ko? Is there something I need to know about your death? Is that why you brought up your fight with Daddy in my dream?”I continued to ask at Mommy's grave, even though I knew she wouldn't answer. “Kilala niyo na po ba kung sino ang may kinalaman sa pagkamatay niyo nang biglaan?”patuloy ko na katanungan. “But you know, Mommy, even though you're no longer here, I'm happy because Uncle Itzael and auntie Martina are there to take care of me as if I were their own child!”I happily shared at Mom's grave. “Si auntie Martina ay sobrang bait niya at maganda pa! Bagay na bagay po silang dalawa. I'm so excited for them to have a baby so I can take care of them!”paglalahad ko nang kwento sa puntod ni Mom. “Even though your mom has already passed away, you are still very close to her.” I was surprised by the familiar voice because, if I wasn’t mistaken, it was Dad’s voice. When I turned to look in that direction, I saw that it was indeed Dad. “Daddy?”I said, slightly surprised. Nakita kong naglakad siya palapit sa akin at may dala-dalang isang basket ng chocolates at fruits. When he got close to me, he put down the basket, hugged me, gently stroked my hair, and kissed me on the forehead. “I missed you, baby girl...”bakas sa boses ni Dad ang sobrang saya niya nang makita ako. Normal lang ang ekspresyon ko dahil ngayon ko lang ulit siya nakita. I have hard feelings toward Daddy because he wasn't there during Mommy's funeral, he went to Italy instead. He lived in Italy for three years after Mom passed away and abandoned me. Uncle Itzael was the one who took care of me as if I were his own child. He fulfilled the responsibilities that my father should have. “Kailan pa po kayo umuwi?”tanong ko nang pumiglas na si Dad sa pagkakayakap sa akin. “Noong isang linggo pa... Actually alam na ni Uncle Itzael mo, sinabihan ko lang na ‘wag niya sabihin dahil gusto kita surpresahin.”sagot ko. Nilingon ko yung basket na puno ng chocolates at prutas na dala niya. “Para po ba ‘yan kay Mommy?... Bakit kung kailan nasa hukay na siya tsaka mo siya binilihan ng ganyan?”kunot noo na tanong ko kay Daddy. “Kukunin lang ‘yan nang mga naglilinis ng puntod.”karagdagan ko. Kita ko na bahagyang napatawa si Daddy sa pinagsasabi ko. “Totoo nga yung sinabi sa akin ni uncle Itzael mo na ang matured mo na mag-isip at magsalita,”napailing na sambit ni Dad. “Don't worry. Para sa ’yo lahat nang ‘to.”sabi sa akin ni Dad. “Thank you po kung ganun.”pasasalamat ko. “Let's go na. I will treat you,”paanyaya ni Dad sa akin at kinuha ang braso ko at naglakad paalis ng puntod ni Mom. Nang makasakay na kami sa magara niyang kotse ay sinakay niya ako ng passenger seat. Tulad nang lagi kong pwesto kapag sasakay ng kotse ni Uncle Itzael. Kapag sasakay ako ng BMW ni Uncle ay pakiramdam ko ay prinsesa ako at puro kame bardagulan, pwera ngayon sa kotse ni Dad na naka Ducatti Chiron pero ang lungkot naman at boring. “Saan mo gusto pumunta? Sa amusement park, mall, playground... Where?”ganado na tanong sa akin ni Dad habang nagmamaneho. “Wala po ako sa mood maglaro... Gutom na po ako.”sagot ko kay Dad. “So, saan mo gusto kumain?”alok na tanong ni Dad. “Sa lugawan o kaya tapsilugan na lang po.”sagot ko. “Ayaw mo ba sa expensive restaurant para sa mga katulad mo. Tyaka magugustuhan mo doon!”alok ni Dad. “Tutal wala ako sa mood mag Jolibee ay sa Mang Inasal na lang po para extra rice.”request ko sa kanya. “Ayaw mo sa expensive restaurant?”alok ni Dad. Minsan hindi ko mahulaan iniisip ni Dad. Siya nag alok pero siya rin magde-desisyon. “Tulad nang sabi ni auntie Martina ay mas masarap yung mga pagkain sa fastfood restaurant kesa sa mga expensive restaurant.”paliwanag ko kay Dad. “Martina? Siya ba yung asawa ng uncle Itzael mo?”tanong ni Dad. “Opo. Napaka ganda niya pero simple at hindi maluho katulad po siya ni Mommy, kaya nga ako malapit sa kanya dahil nakikita ko sa kanya si Mom.”pagke-kwento ko. “Ganun ba.” matipid na sambit ni Dad habang nagmamaneho. Pagdating namin sa Mang Inasal ay nagulat ako nang rentahan ni Dad yung buong second floor para ma-enjoy namin yung lunch at bonding namin. Iba talaga nagagawa ng pera.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD