Itzael’s
LUNCH ngayon dito sa mansyon kasama ko sa table sila Martina at Dad. Dahil busy ako sa business trip at bored meethings ay nag day-off muna ako para makabawi kay Anaiah sa mga araw na wala ako.
Nasa school pa rin si Anaiah pero pauwi na ‘yun dahil sinundo siya ng driver na inutusan ko magsundo sa kanya. Si kuya Collis kasi ang naghatid sa kanya sa school kanina.
“Nakilala mo na ba si Collis, ha, Martina?”tanong ni Dad kay Martina nang mag-umpisa na kaming kumain.
“Opo. Kamukha niya nga po si Itzael e.”sagot ni Martina kay Dad at sumubo ng kanin.
“Sino mas gwapo sa kanila ni Itzael?”pilyong tanong ni Dad kay Martina.
“Parehas lang naman po silang gwapo,”sagot lang ni Martina nang hindi tumitingin sa akin.
Sa bagay. Sino ba naman ako para sabihan niya ng gwapo ako, hindi niya naman talaga ako tunay na asawa.
Mag-asawa lang kami sa papel pero hindi sa puso.
Wait? Bakit ako nag-iisip ng ganito?
Iniling ko na lang ulo ko para alisin yung kalokohang naiisip ko.
“I'M BACK!!”
We all turned to Anaiah's direction when we heard her cheerful greeting.
I got down from the stool and knelt to prepare for her embrace. When I felt her arms around me, I hugged her back.
She kissed me on the cheek, and I returned the gesture with a kiss on her forehead.
“I miss you, baby!”malambing kong sabi kay Anaiah.
“Uncle is so dramatic. Pfftt!”pang-aasar naman ng batang makulit sa akin.
Matapos nito yumakap sa akin ay dumiretso siya sa lolo niya at yumakap at humalik din sa pisngi nito. Ang panghuli niyang nilapitan ang auntie Martina niya at kinarga naman siya nito at inupo sa bakanting stool.
“How your school, baby?”tanong ni Martina kay Anaiah.
“Auntie, what does it mean if a male classmate gives you a letter, flowers, and chocolate?”Anaiah curiously asked Martina.
“It means that he has a crush on you and admires you because of your personality and appearance,”Martina explained.
“Why? Has someone given you those before?”I asked Anaiah with a puzzled look.
Kita ko may kinuha siya sa bag pack niya at inilabas niya yung dalawang tobleron at may dalawang roses at may letters pa.
“Ehem! Mukhang kailangan na natin bakuran si Anaiah,”na ubong sambit ni Dad.
“You're only 8 years old, pero may manliligaw kana agad?”Oa kong sambit at napahampas ng mesa.
Kinuha ko naman yung letter at nakita ko ang sulat kamay ng bata na may nakasulat na...
Dear: Anaiah
Crush na crush kita. Sana tanggapin mo itong letter, chocolate, at flowers na bigay ko sa ’yo. Naging crush kita dahil ang bait mo sa akin at ikaw yung nagtatanggol sa mga nang bu-bully sa akin. Sana kapag nag 18 kana ay pwede na kita maging girlfriend.
~Valen Ezekiel Theodore, your future boyfriend
“Ang cringe! Bakit ba ganito mga kabataan ngayon!”Oa kong daing.
“Ngayon pa lang na-iimagine ko na kapag nagkaroon kayo ng anak na babae ni Martina ay ganyan ka rin ka strikto.”biglang suhestiyon ni Dad.
“Nako! Kung may manliligaw sa anak ko sa future. Makikita nila yung bagsik ni Itzael Volcov!”pabanta kong sambit.
“Nehemiah!”mapang-asar na sambit ni Dad sa akin.
“Stop it, Dad!”inis kong anggil.
Ang ayoko pa naman sa lahat yung tinatawag ako sa second name ko. Biblical namin kasi ‘yon na pinangalan sa akin ni Mom, kita niyo naman na lumaki akong demonyo.
Kaya ang ginagamit ko lang sa pagpapakilala sa mga conference na pinupuntahan ko ay Itzael Volcov at hindi binabanggit yung Nehemiah.
“Ikaw, bata ka... Yung mga bigay na lang ng Daddy mo yung kainin mo. Ibigay mo na lang ‘yan sa iba!”
“Bigay po ito ng kaibigan ko kaya tatanggapin ko.”sagot sa akin ni Anaiah.
“Lahh!”napangiwi labi kong sambit.
“Akin na lang isa, Anaiah,”hiling ni Martina kay Anaiah.
“Sige po.”pagpayag ni Anaiah.
Anaiah immediately turned to me and to Martina.
“Uncle Itzael and Auntie Martina!”Anaiah called out to us.
“Hmm?”Martina hummed.
“What is it, baby?”I asked curiously.
“Promise me that even if you have a baby of your own, I will still be your first baby,”Anaiah said with a pout.
Martina and I exchanged glances because of Anaiah's request.
“Don't worry, because you're still our first baby,”Martina said to Anaiah while gently combing her hair with her fingers.
“Pero kung magkakaroon man kame ng sariling baby sa future we will let you take care of them when they grow up so you can be close to them,”sabi ko kay Anaiah. “Atleast magkakaroon ka ng sariling baby brother at baby sister.”karagdagan ko at nilingon si Martina.
***
Martina’s POV
DAHIL sa sunod-sunod na mga misyon na pinagawa sa akin ni Master ay pinakiusapan niya si Manager na mag day-off ako nang isang linggo para magkaroon ako nang pahinga.
Kaya ako ang nakatoka ngayon sa paghatid at sundo kay Anaiah sa school niya.
Bumili muna ako ng kwek-kwek at fishballs sa street food sa nagtitinda malapit sa school niya.
Habang naghihintay sa labasan ng mga bata ay nakipag kwentuhan muna ako sa mga maid na nakatambay sa waiting shed.
“Ngayon ka lang namin nakita dito...”
“Sino hanap mo?”
“May susundin ka rin bang bata?”
Ayun ang tanong ng mga maids sa akin.
“Oo, pamangkin ko,”nakangiting ani ko sa mga maid.
“Sinong pamangkin?”tanong ng maid na naka grey na uniporme.
“Anaiah Grace Volcov.”sagot ko na ikinagulat nila.
“Wait?... Ka ano-ano mo si Mr. Itzael Volcov?”napatakip bibig na sambit ng maid na naka asul na umuporme.
“Mahirap man paniwalaan pero asawa ko siya,”napakamot batok kong sambit.
Kita kong nagulat yung mga maid nang sabihin ko na asawa ako ni Itzael pati nga yung mga sosyal at mayayamang babae na naghihintay sa mga anak nila e.
“Lowkey lang siguro ang relasyon niyo? Ngayon lang namin nalaman na may asawa na siya e.”sabi ng maid na kulay pink ang uniporme.
“Oo, sa katunayan ay bagong kasal lang kaming dalawa... Isang buwan na nga nang ikasal kami.”kwento ko sa kanila.
Dahil nag enjoy ako makipag kwentuhan sa mga maid ay nakilala ko na yung mga pangalan nila dahil sa sobrang daldal namin.
Si Glenda yung nakasuot ng grey na uniporme, si Silvia yung nakasuot ng asul na uniporme, at si Helen naman yung nakakulay pink na uniporme.
“Ang bait mo naman, Martina!”papuri ni Glenda.
“Maganda na mabait pa!”karagdagan ni Helen.
“Hindi na kami magtataka kung bakit ka nagustuhan ni Mr. Volcov!”papuri naman ni Silvia.
“ ’Wag naman kayo masyado makapuri sa akin.”sabi ko sa kanila.
“Hindi mo ba alam na pati mga teacher dito sa school ay may gusto sa asawa mo dahil sobrang attractive at gwapo niya talaga?!”kinikilig na sambit ni Glenda.
“Nasabi nga niya sa akin dati,”kamot batok ko.
Maya-maya ay may lumapit sa akin na magandang babae na may magarang kasuotan.
“You?”mataray na bungad nito.
“Yes, Ma'am?”kunot noo na tanong ko.
“You're Itzael’s wife?”she asked me.
“Yes, why?”I answered.
“I didn’t know Itzael liked weird and chip girl like you,”the woman sneered at me.
“Me? Weird?”I repeated her words, pointing at myself.
“Yeah,”she smirked.
“Other people say that, but Itzael told me he didn’t just like me because of my looks. He also liked me because of my personality and said I’m wife material... Hindi tulad ng iba na puro ganda lang, wala namang alam sa gawaing bahay.”nakangisi ko rin na sabi at halatang na offend yung babae sa sinabi ko.
“If you think about it, I’m prettier and richer than you. So what does Itzael like about you?”the woman said in a mean way.
“My husband’s answer is simple — I’m not flirty like pretty and rich women like you,”I said with a small smile.
Dahil sa inis ng babae ay nag walked-out ito. Hanep! Siya nang asar pero siya pala itong pikon.
Nakipag apir naman sa akin yung mga maid na ka-kwentuhan ko.
“Grabe! Ang galing mo!”papuri ni Glenda.
“Naks! Palaban!”papuri naman ni Silvia.
“Maganda na, mabait na, palaban pa! Saan ka pa?!”papuri naman ni Helen.
“S'yempre. Ang sabi ng asawa ko ay ‘wag daw ako papayag na tapak-tapakan ng mga feeling matataas ang pinag-aralan pero bobo naman,”nakangisi kong ani.
Dahil sa haba nang kwentuhan namin ay hindi ko namalayan na kalahating oras na kami nag-uusap at hiningi namin yung f*******: ng bawat isa para magkaroon nang komunikasyon.
“Tanong lang... May iba pa bang sundo si Anaiah bukod sa ’yo?”curious na tanong ni Glenda.
“Wala. Ako lang, bakit?”takang sambit ko.
“Sino yung lalaking may karga kay Anaiah?”kunot noong sambit ni Silvia at tinuro ang direksyon.
Nang lingunin ko ito ay nakita ko na karga si Anaiah ng hindi kilalang lalaki habang natutulog ito.
“Hoy! Saan mo dadalhin pamangkin ko?!”malakas kong hiyaw sa lalaki.
Kita ko nataranta yung lalaki at pumasok sa puting van at umandar na ito.
Kaya iniwan ko na silang tatlo at hinabol yung van.
“Mga Kidnaper tumigil kayo!”
“Ibilik niyo sa akin si Anaiah!”
Nakita kong mas binilisan pa nila ang pagda-drive kaya wala na akong nagawa kundi ang tumakbo nang mabilis. Yung takbo na ginagawa ko kapag papatay na ng kliente ko.
Kaya nang mahabol ko yung van ay tinanggal ko yung hair stick ko sa buhok at binato sa gulong dahilan para mag-flat ang gulong nito.
Kaya nang pagewang-gewang na itong umandar at bumangga sa poste ay tumakbo agad ako palapit dito tsaka binuksan ko nang malakas yung pintuan dahilan para masira ang pintuan nito.
“Auntie! Help me!”umiiyak na sambit ni Anaiah.
Kita ko na tinutukan ng baril sa leeg ng lalaki si Anaiah dahilan para mag-alab ang paningin ko sa kanya. Kaya ang ginawa ko ay sinampal ko ito nang malakas sa mukha dahilan para tumalsik ang tatlong ngipin nito at nawalan nang malay.
Kita kong napanganga si Anaiah sa ginawa ko pero ka agad ko lang siya niyakap dahil sa sobrang pag-aalala.
“Ikaw!”Sigaw naman ng driver sa akin at tinutukan ako ng pistol.
Bago niya pa maikalabit ang pistol sa akin ay inikot ko yung baril papunta sa ulo nito dahilan para pumutok sa balikat niya ang baril.
“Wow na wow!”humahanga na sambit ni Anaiah sa akin.
Sa sobrang pag-aalala ko ay niyakap ko siya nang mahigpit. Lumabas na kami ng van at naglakad paalis habang karga si Anaiah.
“Auntie. Paano niyo po nagawa ‘yun!”humahanga na sambit ni Anaiah. “Wow na wow!”
“Yung kapatid ko kasi pulis ... Natutunan ko lang yung self defense na ‘yon sa kanya.”pagsisinungaling ko.
Pagdating naming dalawa sa mansyon ay nakita namin sa TV yung pagtangkang pagkidnap kay Anaiah.
Hindi ko naman maiwasang mahiya at mapatakip ng mukha ko nang makita ikwento ni Anaiah sa Uncle, Daddy, at Lolo niya yung ginawa kong pakikipaglaban sa mga Kidnaper kanina.
“Thank you for saving my daughter,”nakangiting pasasalamat ni kuya Collis. Ang Daddy Anaiah.
“Wala po ‘yun... Para ko na pong anak ‘yang si Anaiah.”sagot ko kay kuya Collis.
“You're a strong woman,”kakangisi na sambit naman sa akin ni Itzael.
***
Itzael’s POV
NANONOOD kami ngayon dito sa sala ng basketball nila kuya Collis at Daddy samantalang si Martina ay nagluluto ng snack namin.
After a while, Martina arrived, carrying a tray with a bowl of popcorn and a pitcher of juice with three glasses.
She carefully placed them one by one on the small table in front of us.
“Napaka hard working mo naman, Martina.”papuri ni Dad kay Martina.
“It's your rest day, but instead of relaxing, all you've done is clean the house,”I said.
“Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa,”kamot batok niya.
“You're so lucky, little brother,”kuya Collis praised me with a grin on his lips.
“I'm back!”
We all turned to the front door when we heard Anaiah's cheerful greeting.
I frowned when I saw that she had a scratch on her face, a scrape on her elbow, and a bleeding wound on her knee.
“Ano nangyari sa ’yo, Anaiah?!”Gulat na napatakip bibig na sambit ni Martina.
I immediately stood up and rushed toward Anaiah, examining the scratch on her face, the wound on her elbow, and the injury on her knee.
“What the hell happened to you?”I exclaimed in exaggerated concern.
I saw that my kuya Collis also stood up. “What happened, baby girl?”he asked with a furrowed brow.
“I just broke up a fight between two of my classmates who were punching each other in the playground of our school,”she replied casually.
“Hindi ba ang sabi ko ay ‘wag kana umawat sa susunod kasi nadadamay ka.”seryoso kong daing. “Tsk. Anaiah naman!”
“Ano ba kasi nangyari, apo?”tanong naman ni Dad kay Anaiah.
“Uncle, Lolo, Auntie... Naalala niyo po ba noong araw na may nagbigay sa akin ng bulaklak at chocolate?”pagpapaalala ni Anaiah sa amin.
“Anong kinalaman non sa nangyari sa ’yo?”kunot noo na tanong ko.
“Kasi po matapos po nang araw na ‘yon ay lagi na inaaway ni pangalawa si Vallen dahil nalaman niyang binigyan ako ng flowers at chocolates.”paglalahad nang kwento ni Anaiah.
“Pangalawa? Sinong pangalawa?”Martina’s frowning.
“Kilala po ni Uncle yung Dad non kasi mag business partner sila.”sagot ni Anaiah kay Martina.
“Pangalawang anak ni Broderick Endymion,”banggit ko nang makilala kung sino ang tinutukoy ni Anaiah.
“Mukhang hindi niya yata naturuan nang tamang asal ang anak niya.”malamig na ani ni Martina at nagyukuman pa ang mga buto sa kamao.
Napataas baba na lang ang lalagukan ko nang makita ang biglaang pagbabago nang expresyon ni Martina. Para siyang may balak targetin.
“Ahh! Alam ko na!”napangiti na sambit ni Martina habang nakataas ang hintuturo.
Napangiwi naman ang bibig ko nang makitang mabilis na pagbago ng mood ni Martina.
Wait... Normal lang ba sa kanya ang magbago ang mood?
“Ang alin po?”inosente na tanong ni Anaiah.
Ka agad na naglakad si Martina palapit sa amin at lumuhod sa harapan ni Anaiah dahilan para magka tapat na kami.
“ ‘Wag ka magsisinungaling... May crush ka ba kay Valen?”nakangiti na tanong ni Martina kay Anaiah.
Kita ko ang pamumula sa mukha ng pamangkin ko at yumuko. Aba'y ang batang ‘to! Mapapalo ko ‘to ng hanger.
“Opo.”nagba-blush na sambit ni Anaiah habang pinagdidikit dalawang hintuturo niya.
“Huy!”kalabit ko nang malakas dito. “You're only 8 years old! May crush kana agad?!”pananaway ko sa pamangkin.
“Alam ko na kung bakit nag-away yung dalawa,”umiiling na sambit ni Martina.
“Why?”I frowning.
“ ‘Di ba crush ni Anaiah si Valen... Nang bigyan ni Valen ng flowers at chocolates si Anaiah ay nagalit naman itong si Pangalawa na tinutukoy niya ay meron palang lihim na crush sa kanya. Kaya ang ending nag selos si Pangalawa kay Valen dahilan para saktan niya ito.”paliwanag ni Anaiah.
“Dalaga na ang baby girl ko!”napapailing ulo na sambit ni kuya Collis.
“Ang ganda naman ng baby girl namin!”pilyong sambit naman ni Dad.
“S'yempre. Nagmana yata ako kay Mommy at kay Auntie Martina!”taas noo at proud na sambit ni Anaiah.
“Proud ka pa na sa ganyang edad mo ay pinag-aagawan kana, ha!”umiigting panga kong sambit.
“Ready ka na maging over protective Dad, Bro,”kakangisi pang-asar ni kuya Collis sa akin.
“Auntie!”tawag ni Anaiah kay Martina.
“Dati po ba may mga nanliligaw sa ’yo?”curious na tanong ni Anaiah kay Martina.
“Oo naman... Yung tipong iihi lang ako tapos pagbalik ko may mga roses, chocolate, at letters na sa loob ng bag ko,”napapakamot batok na pagke-kwento ni Martina.
Nag salubong naman yung kilay ko dahil sa kwento ni Martina. Literal ba naman kasi na maganda siya kaya hindi na ako magtataka.
“Sabi mo dati ay lagi ka na bu-bully?”pag-uungkat ni Anaiah. “Tsaka imposible na may gusto sa akin si Pangalawa dahil lagi kami nag-aaway non at binu-bully ako.”dipensa niya sa sinabi ni Martina kanina.
“Oo, pero kaya pala nila ako binu-bully kasi may crush sila sa akin.”sagot ni Martina. “At ganun ang sitwasyon niyong dalawa ni Pangalawa.”paliwanag niya kay Anaiah.
“Hindi ba nagagalit parents mo kapag may nagkakagusto sa ’yo?”biglang sabat ko sa usapan nila.
“ ‘Di ba alam mo naman na ulila na kami sa Ina at yung papa namin ay hindi wala na kame naging balita kung buhay pa ba ito.”pag-uungkat ni Martina. “Kaya ang taga-pagtanggol ko sa school ay yung kapatid kong si Wildren, basag-ulo pa naman ‘yun. Gulat nga ako dahil nagpulis siya.”paglalahad ng kwento niya.
Nagulat ako nang bigla ako bulungan ni Anaiah. “Kaya ‘wag mo po paiiyakin si auntie Martina dahil baka mabitay ka ng kapatid niya,”babala ng makulit na bata nagpa laglag ng panga ko.
Dami talagang alam ng batang ‘to. Saan ba galing mga pinagsasabi niya?