Shawn p.o.v
Nagising ako as sinag ng araw na tumama sa muka ko.
"Young master, oras na po para gumising" rinig kong sabi ni isaac. Ang butler na naka asign saakin.
Iminulat ko ang mata ko. Nakita ko syang nakatayo sa gilid ng kama at may hawak na bathrobe na araw area nyang ginagawa.
Bumangon na ako at umupo sa gilid ng kama. Nakita ko na may slipers na nakahanda duon, sinuot ko yun at dumiretsyo ng lakad papunta kay isaac.
"Nakahanda na po ang inyong panligo young master" sabi nya sabay abot ng bathrobe.
"Ah" tugon ko lang at dumiretyo na sa cr.
"Ihahanda ko na po ang damit na susuotin ninyo young master" rinig kong sabi ni isaac bago ko tuluyang isara ang pinto ng cr.
Tinignan ko ng repleksyon ko sa salamin. Aaminin kong isa akong maganda lalaki yun ay dahil sa mga magulang ko. At hindi lang yun anak din ako ng isa sa pinka mayaman na pamilya dito sa pilipinas, kaya marami ang nag kakandarapa saakin.
Sabi ng iba ay dapat masiyahan ako dahil sa atensyon na nakukuha ko pero hindi ko magawa ang gusto nila.
Sino ba ang normal na masisiyahan kung ang daming tao ang nakabantay sa lahat ng gagawin mo sa araw araw.
Palihim kang sinusundan at pinipicturan. Nakakairita.
Umalis na ako sa harap ng salamin at sinimulang linisin ang katawan ko bago lumusong sa bathtube.
Ilang minuto rin ang tinagal ko sa dun ng maisipan ko nang umahon at nag banlaw.
Sinuot ko ang bathrobe pag katapos ay lumabas na. Gaya ng inaasahan nandun parin si isaac at hinihintay akong lumabas.
"Tulungan ko na po kayong mag bihis young master" tugon nya.
Tumango na lang ako at sinimulan ng magbihis ng uniform ko, tinulungan ako ni isaac sa pag lalagay ng panloob na polo, pag bibitones at pag suot ng blazer ko. Sya rin ang nag suot ng medyas at sapatos ko.
Tsk, hindi naman ako ibalido pero pati ang sibleng pag lalagay ng sapatos ay inaasa ko pa saiba.
Kung pwede ko lang sanang tangihan ang ginagawa nila. Ginawa ko na, pero sila naman ang mapapahamak pag ginawa ko yun.
"Tapos na po young master, bumaba na po tayo dahil nakahanda na po ang inyong almusal sa ibaba"sabi nya pagkatapos ng tumayo at umatras ng ilang hakbang palayo.
"Isaac sabihin mo, takot ka ba saakin?"tanong ko.
"Hindi po young master"sagot nya habang deretsyong nakatingin sa mga mata ko.
Lihim akong napangiti dahil dun dahil maliban sa mga magulang ko sya lang ang may lakas ng loob na titigan ako sa mata ng walang takot.
"Ganun ba. Mabuti" tumayo ako at mahinang tinapik ang balikat nya. "Tara na isaac"
"Yes, young master"
Lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa dining area. Nararamdaman ko si isaac sa likod ko at nakasunod parin saakin.
Pag pasok ko sa dining area may nakatayong tatlong maid ang isa sakanila ay may hawak a pitchel at ang dalawa ay naka stanby lang.
Umupo ako sa pinaka dulong upuan ng malaking lamesa si isaac naman ay tumayo as tabi ko at kinuha and pitche as isang maid.
"Anong oras na?"tanong ko sakanya habang nilalagyan nya ng tubig ang baso ko.
"7:12 am na po young. Master",sagot nya at tumayo na ng tuwid sa tabi ko.
" anong oras ang pasok ko ngayon?"
"8:30 young master"
8:30? Eh 7:12 na, may chance na malate ako ngayon.
"Ilang minuto ang byahe hangang school?" Kalangan kong malaman kung malelate ba ako o hindi. Dahil ayokong masira ang records ko sa school.
"15 min. Young master"
15 min. Kung aalis na ako ngayon mahigit 30 min. Pa ang mailalaan ko sa school.
Kinuha ko ang table towel at pinunasan ang bibig ko. "Kung ganun tayo na"
Tumayo na ako at nag lakad papalabas ng dining area ng mapahinto ako nang madaanan ko ang tatlong maid. At katulad ng dati ay nakayuko sila saakin.
Mga parang takot na makita manlang ang muka ko. Tsk.
"Tawagin nyo ang iba at ubusin na ninyo ang pagkain sa mesa" utos ko.
Mukang nagulat pa sila sa utos ko dahil saglit silang napalingon saakin.
"Yes, young master"sabay sabay na sagot ng tatlo bago nag mamadaling umalis.
Sinulyapan ko muna saglit ang pag kain sa mesa.
"Napakarami nilang hinahanda para sa isang tao. Hindi man lang ba sila nasasayangan kung hindi ko makain lahat?" Sabi ko Sabah buntong hininga.
"Siguradong hindi young master"sabi ni isaac kaya napalingon ako sakanya na ngayon ay buhat ang bag ko.
"Panno mo naman nasabi?"tanong ko.
"Dahil sila rin ang umuubos ng tinitira nyong pagkain young master"sagot nya habang ginagabayan ako sa pag labas ng mansyon.
"Kung ganun hindi na sila nagluluto ng sarili nilang pagkain at inuubos nalang ang tira ko?"
"Ganun na nga young master"
Bakit? Napakaraming pag kain na pwedeng iluto sa mansyon. Bakit sila ng titiis sa tira lang.
Kahit kaylan hindi ko talaga sila maiintindihan tama ba?
Hays.
Sumakay na ko sa backseat ng kotse habang si isaac sa driver seat.
Bukod sa butler, driver ko rin sya at s***h yaya minsan.
Kasama ko na si isaac ng lumalaki ako kay sya ang pinaka pinagkakatiwalaan ni mommy sa lahat.
Katulad sabi ni isaac 15 nga lang ang byahe at nandito na kami sa school.
ROYAL ACADEMY
School ng mga istudyandeng anak ng mga kilalang tao sa buong mundo. Dahil international school kasi ang ROYAL ACADEMY.
Mahal ang tuition fee rito at hindi yun kakayanin ng mga averange person o ang mga taong mayaman nga pero hindi gano.
Bumaba na ako sa kotse at nag simula ng maglakad papasok ang academy ng tawagin ako ni isaac.
"Young master, susunduin ko po kayo rito ng eksaktong alas-4" sabi nya at nag drive na papaalis.
Tsk, napaka stricto sa oras.
Tatalikod na sana ako at itutuloy ang pag lakad ng may marinig ako nakakairitang boses.
"YOUNG.MAS.TER." Pag didiin ni Adrian sa mga salitang yun
"Shut up" maatoridad kong sabi ngunit tinawanan lang ako.
"Hahaha, sorry binibiro ka lang eh" pag hingi nya ng pasensya pero halatang hindi totoo.
"Yo shawn, agang aga nakakunot na nanaman ang noo mo"akbay saakin ni justine.
Si Adrian at Justine ang dalawang taong tanging matatawag kong kaibigan.
Sila lang kasi ang lumapit sa akin at nag pakatotoo sa ugali nila at hindi peke para lang magustuhan ko.
Inalis ko ang pag kaka akbay ni justine at tinignan syang. "Patahimikin mo"utos ko sabay turo kay adrian na tumatawa tawa parin hanggang ngayon.
Binaba ko ang kamay ko na katuro kay adrian at tinignan sya bago binalik ang tingin ko kay justine.
"Patahimikin mo yan, bago ko itape ang bibig"
Dahil sa sinabi ko ay kusa ng tumigil si adrian at si justine naman ang natawa.
Hindi ko nalang pinansin yung dalawa at tumuloy na sa pag pasok sa academy, agad naman silang sumunod saakin.
At tulad ng dati na laging nalang nang yayari may mga babae nanaman na nakatayo sa mga gilid at nag sisigawan.
Si adrian may pakaway kaway pa sa babae habang si justine naman ay normal lang na naglalakad, at ako, naiirita na.
Napa tinis ng mga boses napakasakit sa tenga.
"Waaaaahhhhhh adrian napa gwapo mo talagaaaaa"
"Justine pakiisss isa langg"
"Wahhh justine ako kahit hug lang masaya na ako"
"Haha justine pakiss at pa hug daw sila" panunukso ni adrian kay justine.
"Tumigil ka nga"tugon ni justine na sigurado akong hindi na komportable dahil sa mga narinig.
"WAHHHHH SHAWNNNN ANAKAN MO NA AKO KAHIT ILANG PA GUSTO MO AYOS LANG SAAKIN"
napahinto naman ako dahil sa narinig.
Tumayo naman ang lahat ng balahibo ko paakyat sa batok ko.
Sino yun? Sino ang walanghiyang babaeng yun.
Narinig ko ang malakas na halakhak ni adrian at mahinang pag tawa ni justine.
"Hahahaha wala malupit ka talaga shawn, may handa nang mag pabuntis sayo hahahaha" pag aasar saakin ni adrian pero hindi ko na pinansin.
Bucy ako sa pag hahanap sa walanghiyang babaeng yun.
"Tsk, pathetic"
Nahinto ang pag tawa ni adrian at justine sa narinig, natuon ang atensyon namin lahat sa babaeng may hawak na lilopop habang nakatingin sa kabilang side na Padang may tinititigan.
Bang tignan ko ang tinitignan nya dun ko napansin na hindi lang sya ang nakatingin dun sa babae, kundi halos lahat ng nakapalibot at malapit sakanya.
Dun ko na pagtanto na baka sya ang sumigaw kanina.
Lalapitan ko na sana yung babae ng humarang sa daan ko yung nag sabi ng pathetic kanina.
Tinitigan nya ako sa mata kaya ganun din ang ginawa ko. Alam ko naman kasi na iiwas din sya agad. Lahat naman kasi ay ganun.
Pero naka ilang minuto na ay hindi parin sya umiiwas, nang may kinuha sa sa bulsa ng blazer nya.
Inabot nya ang kamay ko at ipinatong ang kamay nya. Nang ilisin nya ang kamay nya dun ko lang napagtanto na nilagyan nya pala ng lolipop yun.
Tumingin ulit sya sa mata ko at nilagay ang dalawa nyang kamay sa bulsa ng blazer nya.
"Excuse me"sabi nya. Hindi ko alam ang nangyari, pero kusa akong gumilid para makadaan sya.
Nakatingin parin sya saakin hanggang sa malagpasan nya ako.
Ilang minutong tahimik ang paligid kahit nakaalis na sya ng sirain yun ng madaldal na adrian na to.
"Woah, ang intense nun" sabi nya.
"Sino yun?"tanong ko.
"Seryoso ka ba dude. Hindi mo sya kilala?"gulat na tanong ni adrian
Seryoso ko lang syang tinignan bumawi naman sya ng tingin na nag sasabing *seryoso ka-look*
Tsk anong bang magagawa ko sa hindi ko kilala eh.
Naramdaman ko ang pag akbay ni justine saakin.
"Si ela yun"pag sagot nya.
"Ela?"
"Oo. Michela Vinice Lopez, ang pinaka cool na babae sa buong academy na ito" sabi nya "kaya hindi nakakapag taka na tignan ko ng ganyan ni adrian"dugtong nya pa.
"Pinaka-cool?" Meron ba nun.
"Oo at hindi lang yun, ang hot nya pa. May dream girl" sabi ni adrian na parang inaabot si ela ng isang kamay at ang isa naman at nakalagay sa dibdib nya.
Napa ka oa.
Napatingin ako sa lolipop na nilagay nya sakamay ko.
Naalala ko nanaman kung paano sya nakatagal na tumitig saakin.
Hindi ko mapigilan ang mapangiti.
"Tara na" aya ko as dalawa. Tumuloy na kami sa pag lalakad papunta sa classroom namin.
Michela huh?
Interesting.