Ela p.o.v
Tunog ng alarm clock and sumalubong saakin pag bukas ng mata ko.
Tsk napakaingay.
Kinuha ko ang alarm clock sa side table ko saka ko iyon ibinato sa may dingding.
Nakailang alarm clock na ba ang nasira sa isang linggo. Hindi na kasi sila nadala. Alam na kasi nila na ayaw ko ng maingay, lalo na ng alarm clock lagay parin sila ng lagay. Hindi na nadala.
Bumangon na ako at umupo sa may gilid ng kama ko, Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo kumirot yun dahil hindi ako ganu nakatulog kagabi dahil sa twing maiidlip ako laging yun ang napapanaginipan ko.
Ang pinaka masakit na nangyari saakin. At ang pangyayari na nagbago ng buong buhay ko.
*knock knock knock*
"Miss gising na ho ba kayo?"
Rinig kong tawag ni celine, ang maid na ka assign saakin. Tatlong taon lang ang tanda nya saakin at sya lang din ang maid na kasundo ko dito.
"Kung gising na po kayo miss, mag ayos na daw po kayo at sumabay sa pag aalmusal kila maam at sir"pag papatuloy sa sa pag sasalita habang kumakatok parin.
Hindi na ako nag abala pang sumagot dahil hindi rin naman nya maririnig. Pina soundproof ko and kwarto ko dahil lagi akong sumisigaw ng malakas kapag dinadalaw ako ng masamang panaginip na yun, katulad ng kagabi.
Tumayo na ako at pumunda sa cr para mag ayos ng sarili. 30 min. Din ang tinagal ko sa cr, ang hirap kaya mag ayos ng sarili.
Nakita ko ang unifrom ko na nakapatong na sa may kama ko. Siguro nilagay to ni celine dito.
Kinuha ko yun at nag simula ng mag bihis. At katulad ng ibang mga babae nag lagay din ako ng make-up sa muka, pero syempre joke lang yun. Ni hindi ko nga kayang magpantay ng blush on eh.
Nag lagay lang ako ng face powder at lip tint para hindi mag mukang pale ang labi ko. Kahit naman kasi wala akong hilig sa mga ganung bagay kaylangan ko parin mag mukang presentable,sabi ni mommy.
Tsk, presentable my ass. Ayaw nya lang masila and image nya dahil may anak sya katulad ko.
Sorry sya, bakit kasi nya ako pinanganak. Ngayon nag sisisi sya, kasalanan nya yun.
Pag katapos kong suklayin ang buhok ko hinayaan ko lang yun na nakakugay. Wala rin akong hilig sa pag iipit. Ang ganda kaya ng mahaba at straight Kong buhok, tapos itatali ko lang. No way.
Lumabas na ako ng kwarto at nakita ko dun si celine na may hawak na tray na may lamang orange juice at dalawang slice bread na may nutela.
"Ahmm, tapos na po kasing mag alamusal sila maam at sir at umalis na rin sila kaya dinalhan nalang kita nito"naiilang nasabi nya habang bahagyang itinaas ang hawak na tray.
Napangiti ako ng mapait. Ano pa ba ang inaasahan ko, syempre hindi nila ako hihintayin.
"Ganun ba"sabi ko lang at kinuha ang isang slice bread. Kinain ko yun at inubos ang juice.
"Salamat sa almusal" sabi ko lang nilagpasan na sya.
Hindi na bago ang ganun. Bilang lang naman sa kamay ang mga panahon na sabay akong kumakain kasama sila. Hindi ko rin naman sila masisisi kung bakit ganito nila ako tratuhin, pero hindi ibig sabihin nun hindi na ako galit.
Bumaba na ako at dumeretsyo ng lakad palabas. Nakita ko ang isang itim na kotse na naghihintay sa duon. Yun ang kotseng mag hahatid saakin sa school.
Pumasok na ako dun at nag lagay ng earphone sa tenga at nakinig muna ako sa music pampalipas oras.
Hindi ko alam kung ilang minuto ang tagal ng byahe at wala akong pakealam. Pag dating ko sa school marami rami narin ang mga studyante dun, at marami pa ang nag sisiratingan.
Dun ko lang narealize marami rami rin pala ang mayayaman at mukang pera sa mundo. Hindi naman kasi tumatanggap ng scholar ang school na to eh.
Ang mayari ng school na to ang patunay ng taong mukang pera. Well wala naman na akong lake Duon saka maganda naman ang pag papalakad nila sa school, at exeptional din ang mga teacher na tinatangap nila dito. Masyadong mataas ang standard nila pag dating saga hinahire na teacher. Kaya worth it din ang perang ibabayad mo sakanila.
"Young master, susunduin ko po kayo dito ng eksaktong alas-4"
Napalingon ako sa koste sa na nakahinto sa tapat ng gate, may lalaki na nakatayo sa tabi nun na siguro sa tingin ko ay si young master.
Young master huh? Patawa, ano ka anak ng duke o anak ng hari.
Wala na akong pakealam. Hindi ko na yun binigyan ng pansin at dumetsyo na sa pag pasok ng academy nakarating na ako sa room namin at puwesto sa dulo. Inunahan ko na yung mga lalaki dahil nakakasawa na laging naririnig ang salitang boys on the back.
Umayos na ako ng pag kakaupo nang napansin kong unti unting nag sisialisan ang mga babae sa room.
San pupunta yung mga yun? Manlalandi?
Hmmp, pakeelam ko naman.
Ilakagay ko sana ang earphone ko sa tenga ng makaramdam ako ng gutom.
Haist, bakit ba kasi isang tinapay lang yung kinain ko, eh dalawa yung nandun. Kainis.
Wala akong nakawa kundi ang tumayo para pumunta sa cafeteria.
Pahirapan pa yun dahil ang diming tao ang naka kumpol kumpol sa daan.
Nangmakarating ako dun cafeteria sa wakas.
Ang dami ko ring babaeng tinulak tulak kanina para lang makarating dito noh.
Pag karating ko, bumili agad ako ng chocolate. Ito ang alusal ko ngayon. Alam kong hindi to healty pero walang pakelamanan.
Aalis na sana ako ng may mahagip ang mata ko.
Lolipop?
Well mukang masarap. Bumili ako ng dalawang lolipop, at tangina 15 pesos isa. Ano to gintong lolipop, alam kong mayayaman ang mga studyante dito at wala lang ang kinse pesos na yun pero grabe talaga hindi yun katanggap tanggap. Ang mikea nga 5 pesos lang ang isa sa tindahan eh. Tsk.
Hindi napansin na naubos ko na pala ang chocolate na binili kp dahil sa pag mumukmuk ko sa presyo ng lolipop.
Nag hanap ako ng basurahan at dun na tinapon ang plastic nung chocolate.
Kinuha ko naman yung isang lolipop. Tinitigan ko yun, siguraduhin mo lang na masarap ka para naman hindi sayang yung kinse pesos ko sayo.
Binalatan ko na yun at sinubo. Na satisfied naman ako sa lasa kasi masarap naman sya, matamis.
Buti nalang masarap ka kung hindi babalik ako sa cafeteria at sisingilin ko yung tindera na nag benta saakin.
Pabalik na sana ako sa room ng makita Kong nandun pari yung mga babae at nag sisigawan.
Dahil dun na curious na all at sumingit na ako. Neron pa ngang nag reklamo ng hilain ko yung buhok eh pero nung makitang ako yung humila hindi naman garod ng salita.
Takot ka noh.
Nakailang hila din ako ng buhok nung mga babae meron pa ngang bakla eh, pero wala may lakas ng loob na bumawi hanggang makarating ako sa harap ng kumpulan.
Akala ko kung sinong artista, tong mga hinihiyawan nila. Mga lalaking may magandang muka lang pala.
Aalis na sana ako nung makilala ko yung isa.
Teka si young master yun ah. Yung lalaki kanina sa may gate. Sikat pala tong kupal na to.
"WAHHHHH SHAWNNNN ANAKAN MO NA AKO KAHIT ILANG PA GUSTO MO AYOS LANG SAAKIN"
Natahimik and lahat nang marinig ang sigaw nayun.
Pati yung tatlo napatigil sa pag lalakad, at mukang natriger din ng sigaw na yun si young master dahil kita ang pag pula ng tenga nya.
Pero di ko alam kung dahil yun sa galit o hiya.
Tinignan ko naman yung sumigaw, mukang nahiya rin sa ginawa dahil naka yuko sya.
Alam kong sya yun dahil dun galing ang boses saka nakatitig sakanya yung mga nakapaligid sakanya.
Tsk, kadiri naman kasi yung sinabi mo. Hindi ko tuloy alam kung maawa ako sayo o matatawa. Sigiradong ikaw ang tampulan ng mg bully ngayon.
"Tsk, pathetic"
Napansin kong saakin naman natuon ang atensyon ng iba. s**t, nasabi ko ba yun ng malakas. Haist, pahamak ka talagang bibig ka kahit kaylan.
Nabaling ang atensyon ko dun kay young master at kita galit nga sya,
Tsk, kawawa ka naman ate girl. Tutulungan kita ngayon kay young master pero ikaw na bahala sa sarili mo sa ibang bully na bubully sayo simula ngayon.
Nagsimula nang humakbang si young master papunta kay ate girl kaya humarang ako sa daan nya.
Tinitigan ko sya at dun ko napansin na ang ganda ng mata nya, para sa isang lalaki pang babae ang mata mo.
Sarap titigan. Bumawi ng titig si young master saakin hanggang sa di ko na namalayan na tumagal na kami sa kakatitigan.
Kaya naman nang makapa ko ang lolipop sa blazer ko kinuha ko yun at nilagay sa kamay nya.
Oh ayan lolipop pam pakalma, kinse pesos din yan.
Pag kalagay ko ng lolipop napatitig nanaman ako sakanya.
At s**t kaylangan ko ng itigil to.
"Excuse me"sabi ko, wala lang para may masabe lang.
Gumilid naman sya kaya lihim akong napangiti. Nagsimula na akong maglakad pero hindi ko parin maalis ang tingin ko sa mata nya hanggang sa malagpasan ko na sila.
Dun ko napansin na habang palayo ng palayo sa tatlo paunti ng paunti rin ang mga mga studyanteng ngakukumpulan.
"LEAAAADERRR"
Rinig na rinig sa buong hallway ang sigaw ng dalawa pang kupal na papalapit saakin.
Pag hinto na pag hinto nila sa harap ko kutos agad ang bati ko sakanila.
"Hindi bat sabi ko sainyo na wag na wag nyo akong tawaging leader dito as school" puna ko sakanila.
"Ay oo nga, pasensya na leader"sagot ni jack. Pero alam ko naman na hindi sya seryoso sa pag hingi nya ng tawad.
"Bakit ba kayo nandito? Wala pa ba kayong klase?" Tanong ko sakanila.
Kasi alam ko mas maagang nag sisimula ang klase ng junior high. At hindi lang yun mag kaiba anv building ng junior at senior high.
"Meron, pero nag excuse kami para batiin ka ng good morning" sabi ni edwin.
Grabeng pag pipigil and ginawa ko para Hindi ko pag kompyangin and dalawang to.
Yun na yun. Nag excuse sila para batiin ako eh kung hindi ba naman sila mga engot.
"Pag bilang kong tatlo at nandito pa kayo, sasapakin ko talaga kayong dalawa."sabi ko.
Nag katinginan naman silang dalawa.
"Isa"
Nakita kong nataranta sila ng mag simula na akong mag bilang.
"Wahh ito na leader" natatarantang sabi ni jack.
"GOOD MORNING LEADER"sabay na sabi nila.
"Dalawa" pag papatuloy ko sa pag bibilang.
Nag simula naman na silang tumakbo papaalis.
Tsk "kayong dalawa sa oras na gawin nyo to ulit hindi ko na kayo bibilangan sasapakin ko na kayo agad, naiintindihan nyo?" Pahabol na sigaw ko sa dalawa.
"Yes leader" sagot ni edwin.
"Bye leader" paalam naman ni jack habang tumatakbo.
Tsk mga kupal talaga.
Mag lalakad na sana ako ng may marinig ako.
"Leader daw?"
"Sabi sainyo may gang sya eh"
"So totoo pala yun akala ko rumors lang"
Tanginang mga chismosa to nag bulungan pa.
"Ano? Mag bubulungan nalang kayo dyan. Pwede ba sa susunod na pag uusapan nyo ako PAKI hinaan ha" puna ko sa kanila.
Mukang nagulat sila sa pag puna ko.
"Sorry ela" sabi nung is a.
"Oo nga pasensya na ela. Di na namin uulitin."
Tas ngayon hihingi hingi kayo ng sorry. Tsk.
"Pumasok na nga kayo as mga klase nyo, para may kwenta naman yang mga oras nyo" sabi ko.
Nag mamadali naman silang nag paalam saka pumunta sa mga classroom nila.
Tsk mga chismosa.
Nag patuloy na ako sa pag lalakad papunta sa room ko.
Gang. Oo may gang ako, ano naman ngayon.
Ang saya kaya mamuno.