Chapter 2: You are exclusively mine

1157 Words
"Finally gising na siya!" "Iwan mo muna kami saglit Veronica." Nalipat ang tingin ko sa kapatid ko. I tilted my head signing her na lumabas na ng kwarto ora mismo. "What do you plan to do with her? Oh my God Grey kagigising lang niya mula sa pagkaka coma, you can't do that to her! I mean, at least not yet." "Ngayon na mismo Veronica Baron." May halong babala ang boses ko. "Pero Grey- ayst bahala ka. Just don't overdo it, okay? You know, bending and stuff... " "Veronica!" "Alright-alright chill dude, I'm out of here." Nag aalanganin man, wala din siyang nagawa kundi umalis. Tuluyang tumahimik ang buong silid. Ibinalik ko ang tingin ko sakanyang hanggang ngayon ay nakahiga pa din. "Nag antay ako ng napaka tagal, who knew I already met my mate tatlong buwan na ang nakalilipas." She just blinked three times at yun lang ang sagot na natanggap ko sakanya. Hindi ko naman siya masisisi dahil baka nalilito siya kung ano mang nangyayari ngayon. Oh God she smells so good medyo napalayo ako sakanya ng kaunti dahil onting onti nalang ang kontrol ko sa sarili. Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa loob ng kwarto ay hindi ko na maalis sa isipan ko ang angkinin siya. Pero syempre hindi ko naman pwedeng gawin iyon dahil sa kalagayan niya. Pumulot nalang ako ng mga hibla ng buhok niyang nakalaylay sa baba at hinalikan ito. "Wala akong gagawin sayo ng wala kang konsento at labag sa kalooban mo dahil mataas ang respeto ko sayo." Biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob ang hingal na hingal na si Darin. Nandilim ang mata ko sa inis dahil sa inasta ng kaibigan ko. "Wait, hindi sa nambabastos ako Grey, ayaw kong masira ang unang gabi mong kasama ang mate mo pero may importanteng sulat na ipinadala si Alpha Arvid na kailangan mong malaman. Tinatapos ko ang mga gawain ko nang mapansin ko yang sulat na yan na naka halo sa mga resibo. The letter is dated three days ago pa, basahin mo ang nakasulat." Inabot niya saakin isang itim na envelop. Binasa ko ang laman ng liham at naglalaman ito ng paghahamon ng away para sa teritoryo. "Grrr tarantado talaga yang Arvid na yan!" Hindi ko napigilang napasigaw dahil sa galit. Hindi ko na kontrol ang sarili ko at nakapag palit ako ng anyo halfway. Napansin kong kanina pa naka tingin saakin ang mate ko pero ni isang salita ay wala siyang binitawan saakin. Anong problema? Takot ba siya saakin? Huminga ako ng malalim at unti unting pinakalma muna ang sarili. "Kung tatlong araw pa yan naipadala Grey kailangan na nating gumalaw ngayon dahil siguradong nakapasok na sila ngayon sa loob ng teritoryo natin. P-pero pwede naman na ipag pabukas nalang natin para magkaroon kayo ng oras ng mate mong magkakilala." Agad din niyang binawi ang sinabi niya dahil mukang nakonsensya ito sa pag abala saaming dalwa. "Hindi na kailangan, ang lahat ng ito ay makakapag antay. The comes first, isa yan sa mga tungkuling sinumpaan ko. At isa pa pwedeng punasan mo yang pawis mo Darin? Humahalo ang amoy mo sa loob ng kwarto ng mate ko, it's disgusting. Napaka lapit lang ng tinakbo mo tapos gangyang tagaktak ang pawis mo? Nasaan na si Veronica." Inilibot ko ang paningin ko sa buong pack house pero hindi ko na mahagilap ang loko. "H-Hindi ko siya nakita, mag uutos nalang ako ng taong maghahanap sakanya." "Tawagin mo na din ang lahat ng mga kalalakihan sa Crescent Haven, kailangang maturuan ng leksyon si Arvid at ang Fullmoon pack." Nang gigigil ako sa galit ngunit agad din ako kumalma nang muli kong naamoy ang scent ng mate ko. It is amazing, this is not how I expected it to be. Naupo ako sa tabi ng kama niya at tinitigan muna siya ng matagal, memorizing every angle of that small angelic face. "I'm sorry hindi ko inasahan na ganito magtatapos ang unang gabi natin. As much as I want to stay longer by your side, hindi ko naman magawa dahil mayroong importanteng bagay na kailangan kong daluhan. Baka mawawala ako ng ilang araw, buwan o kaya naman ay taon." Nilaro ko ang laylayan ng buhok niya. Ang buhok niya ay kasing itim ng mga mata niya, they look rough but when you touch it, it is as smooth as a silk. "Sana pag uwi ko ay okay ka na. Kakausapin ko si Veronica at sisiguraduhin kong walang tatrato sayo ng mas mababa sa pagtrato nila saakin." Nilapit ko ang muka ko sakanya at nang wala akong makitana pag resista, tinuloy ko na ang kanina pang gusto kong gawin. Hinalikan ito sa noo pababa sa ilong at labi. "You are exclusively mine."I left her those words bago ko tuluyang nilisan ang pack house. Sa labas ay natipon na ang buong pamilya ng Crescent Haven. Nahahati ang grupo sa dalawa, ang isang panig ay ang grupo ng mga bata, kababaihan at matatanda. Samantala ang kabilang grupo naman ay ang mga lalaking lobo na sasama saakin sa laban. "Makinig kayong lahat, mayroon akong maganda at masamang balita. Una, nahanap ko na ang Luna ng pack." Pagkasabi ko non ay sabay sabay na nagsiya at umalulong ang mga kasamahan ko. "Pero ang problema ay mahina pa siya ngayon, inaasahan ko kayong lahat na alagaan siya ng mabuti habang wala ako sa tabi niya." Tinuro ko ang pack house kung saan siya naroroon at walang alanganing sumang ayon naman sila sa gusto ko. Nakita ko si Veronica sa gitna ng maraming mga tao. Tinignan ko siya ng makahulugan at alam kong alam na niya ang gagawin habang wala ako sa pack. "Ang masamang balita, nakapasok na ang kalaban sa teritoryo ko at alam niyo kung anong mangyayari sa mga tarantadong papasok ng walang konsento ng pack!" "We kill the trespassers at gawing pataba sa mga pananim!" Sabay sabay nilang sinigaw mapa bata man o matanda. Lumipas ang mga araw at ang mga araw ay naging buwan. Pagkaalis ni Grey at ang mga kalalakihan ng pack, araw araw na nag antay ang kanilang mga pamilya sa pagbabalik ng kanilang mga minamahal. Upang maibaling ang mga kaba at takot na nararamdaman nila, itinuon nila ang atensyon sa kanilang Luna. Dinamitan, inaruga at pinagsilbihan nila ito nang mas maayos pa kaysa sa tunay na lobong may dugong bughaw. Hindi lubos inakala ng lahat na ang babaeng halos mapunas na ang muka na natagpuan nila sa gubat ay ganito pala kaganda. Pagkalipas ng ilang buwan, ang kanyang balat ay mabilis na naka rekobera at bumalik sa makinis nitong anyo. Halos walang bakas ng kahit na anong pekas. Ang itim din niyang buhok ay napakahaba at kung titignan sa malayuan ay tila sumasayaw ang mga hibla nito sa hangin. Siya ang namumukod tanging kapansin pansin kapag naihalo sa tumpok ng napakaraming tao. At dahil dito, walang ibang ipinakita ang mga taga Crescent Haven sa kanilang Luna kundi mataas na respeto at admirasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD