bc

The Voiceless Luna

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
possessive
powerful
brave
mermaid/mermen
drama
bxg
werewolves
pack
secrets
humiliated
like
intro-logo
Blurb

You don't need to voice it out, making me feel it is enough.

---

On the 3rd full moon of the year, when male wolves are expected to find their mates, Alpha Grey found himself standing in front of the pack's guest room where the girl resides. As soon as the girl woke up from a coma, she found herself being idolized and worshiped by the pack's people. Everyone was very excited, at long last their Luna is awake. Her face is angelic, and her morena skin is flawless but after months of staying in the pack, the admiration and praises of her pack people turned into scorn and belittlement after realizing that for a year, their Luna has not spoken a single word.

Her name is Cansel Crow, the voiceless Luna.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Crescent Haven
Palakas ng palakas ang mga bulong bulungan sa paligid. Napapalibutan ng daan daang mga taong lobo ang babaeng ngayon ay nakahandusay sa kakahuyan. Hubad, bali bali ang mga kamay at paa, at tadtad ng mga sugat sa buong katawan. Nang marinig ng lahat ang makapanindig balahibong angil at mga garalgal, awtomatikong nagbigay daan ang lahat at sabay sabay na bumati. "Alpha Grey." "Ano pa bang inaantay niyo Darin? Itapon niyo sa labas ng Crescent Haven ang katawan ng babaeng yan, ayaw ko na may nililibing na dayo sa teritoryo ko." Malamig na utos ni Grey. Si Darin ay ang kanang kamay ni Grey sa pack. Gaya ni Grey, si Darin ay may dugong Alpha din. May kakayahan at kapabilidad itong humiwalay at bumuo ng sariling pack ngunit mas pinili niyang manatili sa Crescent Haven para suportahan ang matalik na kaibigan. "Kunin niyo na ang katawan, gawin niyong pataba sa kakahuyan o itapon niyo sa dagat, kayo na ang bahala basta malayo sa teritoryo ko." Agad namang sinunod ni Darin ang kaibigan at nagbigay ng utos sa kanyang mga kasama. Dinakma ng isa sa mga tauhan ang akala ng lahat ay malamig nang bangkay. "Ahhh! Putangina!" Sa gulat ng lalaki ay naibagsak niya ang katawan sa lupa. "Buhay pa yan anong ginagawa niyo?!" Tumakbo ang kararating lang na si Veronica, ang manggagamot ng pack at agad na tinakpan ang hubad na katawan ng kaawa awang dalaga. Agad niyang pinulsohan at kinompirmang buhay pa nga ang dalaga at may malaking pag asang mabuhay. Ihiniga nito ng maayos ang babae mula sa baluktot nitong postura at nagkanda gulo-gulo ang mga taong lobo sa paligid ng masaksihan ang inakala nilang patay nang babae ay biglang huminga ng malalim. "Mabuti nalang at naabutan ko pa siya, hindi maganda ang posisyon niya kaya hindi ito makahinga ng maayos. Grey, gagamutin ko siya sa ayaw at sa gusto mo." Nagpamewang si Veronica sa harap ng kapatid niya at halatang halata na resoludo ito sa kanyang desisyon. "Veronica kahit na buhay pa yan, walang obligasyon ang Crescent Haven sakanya." "Pero bilang isang doktor, reponsibilidad kong tulungan siya Grey." Matagal na nagtitigan ang dalawa at sa bandang huli ay bumugay din si Grey. "Papayag ako pero, sa oras na magising siya at ayaw niyang sumali sa pack wala akong magagawa kundi paalisin siya. Walang lugar ang mga daya sa teritoryo ko." Hindi na nagdalawang isip pa si Grey na pumayag at agad ding umalis. Matigas ang ulo ni Veronica at kabisado niya ang ugali ng kapatid. Mahilig itong mag tanim ng sama ng loob, lalong lalo na kapag hindi ito napagbibigyan sa mga gusto. At isa pa, mukang hindi na din naman mag tatagal ang buhay ng babaeng nahanap nila. --- -Three (3) months later- "Wala na siyang pag asa Veronica, sinayang mo lang ang mga gamot sa pack. Pinagbigyan kita noon sa gusto mo pero ngayon, masayado ka nang sumosobra. Pati imbak nating mga gamot para sa susunod na taon ay nagamit mo na. Alam mo naman na mahirap mag angkat ng mga gamot lalong lalo na yung mga galing sa mundo ng mga tao." Gusto ko ng hugutin ang mga kung anu-anong mga gamot na ikinabit ni Veronica sa babaeng natagpuan namin sa kagubatan. Hindi problema sa Crescent Haven ang pera, ang problema namin ay ang madalas na pag pasok at labas sa lagusan. Nag iimbak kami ng mga kakailanganing supply na magagamit namin sa loob ng limang taon. Ito ay para maka iwas sa mga tao at para hindi kami masundan ng mga hunters. "Chill ka lang Grey. Nag aral ako ng medisina ng mahigit sampong taon sa mundo ng mga tao. Kung may nakakaalam man sa ikabubuti niya, ako yun okay? Kapag sinabi kong gagaling siya, gagaling siya." "Alam mong hindi lang yan ang problema Veronica." "Ano bang problema ang sinasabi mo Grey?" Napahilamos nalang ako dahil sa inasta ng kapatid ko. Mabilis lang ang pag hilom ng mga sugat ng mga taong lobo pero iba ang babaeng ito, tatlong buwan na ang nakalilipas ngunit wala pa ding senyales na magigising pa siya. "Kung gumaling siya at ayaw niyang sumali sa pack, babayaran niya saakin ang lahat ng iyan." Wala na akong ibang nagawa kundi kainin nalang ang ibang gusto kong sabihin sakanya dahil ayaw kong mapasama ang loob niya saakin. Siya nalang ang natitirang kadugo ko, hindi ko kakayanin kung mawawala pa siya saakin. "Don't be so cheap Grey. At isa pa, ilang taon na din nakalilipas simula ng magkaroon ako ng pasyente no. Kasalanan mo at ng mga tauhan mo dahil ang bibilis maghilom ng mga sugat niyo, hindi man lang ako nabibigyan ng pagkakataon na ipakita naman sainyo ang kakayahan ko sa pang gagamot. Ano pa at pinag aral mo ako ng medisina sa mundo ng mga tao kung hindi ko din naman maisasagawa ng full potential ang mga pinag hirapan kong aralin." Maarte niyang sumbat saakin. Bukod sa pangalan ko, ni isa ay wala akong naintindihan sa sinabi niya. "Alam mong ayaw kong ginagamit mo ang lengwahe ng mga mortal Veronica." "Grey, wag ka na kasing mag aksaya ng oras mo saamin dito okay? Kakailanganin ka ng pack ngayon para sa pormal na pag bubukas ng mating season. Alam mo kaya ganyan ang ugali mo kasi kulang ka sa aruga. You need to find your mate already, 29 ka na Grey tandaan mo hindi ka bumabata. Kailan mo balak maghanap ng asawa, kapag hindi na kayang tumayo niyang ano mo-" "Oh God Veronica naririnig mo ba ang sarili mo?" Pinutol ko na ang kung ano mang gusto niyang sabihin. "Just go, okay? Good luck sayo kapatid." Tinulak na ako palabas ng silid ni Veronica at malakas na binagsak ang pinto sa muka ko. Geezz hindi ko na alam gagawin ko sa babaeng to. Tama nga siya, ngayon na ang umpisa ng mating season at nangyayari lang ito isang beses sa isang taon kaya napagka importante ang araw na ito sa aming lahat. Hindi lang sa mga taong lobo sa pack kundi para sa lahat ng mga taong lobo saang sulok man ng mundo. Di gaya sa iba, naging tradisyon na ng Crescent Haven na gawing hunting ang paghahanap sa kabiyak. Lahat ng edad dawampu't isa at pataas sa mga kalalakihan ay naanyayahang dumalo. Kada taon ay nagpapadala ng tig-sampong mga kababaihan ang iba't -ibang pack, kapalit din iyon ng sampong kababaihan na mula rin saamin. Sila ay papakawalan sa gubat at aataying may pumulot sakanila. May mga mapalad na nakahahanap ng kabiyak nila agad, ang iba namang bigo ay maaaring dumalo muli sa susunod na taon. Pagkarating ko sa harap ng pack house, naroon na ang lahat at sa tingin ko ay ako nalang ang inaantay. Iba ngayong taon, kung dati ay tagasubaybay ako kasama ng mga babailan, ngayon ay isa naman ako sa mga kalahok. "Nandito na ang lahat ng mga binatilyong lalahok sa hunting! Paliyabin na ang apoy!" Binato ni Darin ang hawak nitong tanglaw at biglang nag liyab ang tumpok ng mga kahoy sa gitna. Kinindatan ako ng loko at nag thumbs up pa bago ito bumalik sa upuan nito bilang taga subaybay sa hunting at pansamantalang kapalit ko. Ilang linggo bago ang mating season, naka ilang ulit ko siyang inaya na sumali ngunit tinangihan niya lang ako. Mas matanda lang ako kay Darin ng isang taon at kung tutuusin ay dapat nang matagal na siyang naka buo ng pamilya. Pero tulad ko ay masayadong naka tuon ang atensyon namin sa ika bubuti ng pack at hindi namin namamalayang nawawalan na kami ng oras para sa pansarili naming kaligayahan. "Bathala ng buwan, basbasan mo kaming lahat lalong lalo na ang mga kabataang may responsibilidad na ipagpatuloy ang lahi ng mga taong lobo. Naway liwanagan mo ang iyong sinag ngayong gabi nang sa ganoo'y mahanap nila ang kanilang mga kabiyak." Habang sinisimulan ng mataas na babailan ang seremonya, lumabas sa dilim ang isang daang kababaihan. Lahat sila ay may takip sa muka at pare parehong nakadamit ng puting bestida gaya nang nakaugalihan nang gawin ng pack. Pagkapatak ng alas dose ng hating gabi, sabay sabay nagpalit nang anyo ang mga taong lobo ng Cresent Haven. Naabala ang tahimik na gabi ng mga malalakas na paglagutok ng buto at mahihinang angil. Pagkatapos, mapa kalahok man o manonood, lahat ay sabay sabay na umalulong. Ito ay hudyat ng pagsisimula ng paghahanap. Matapos ang walang hanggang pag aalungong ng marami, matagal nang naka takbo ang mga babaeng lobo sa loob ng kagubatan. Samantala, nag antay ang mga binatilyo ng limang minuto bago naman nilusob ang gubat. "Grrr, mine!" "Mine!" "Lumayo kayo, akin na sya ngayon." Rinig ang malalakas na angil ng mga taong lobo sa loob ng gubat. Marami na ang nakahanap ng mga kabiyag nila, ang iba nga ay hindi na nakapag antay at sa gubat na mismo nakipag talik at nagmarka ng kabiyak nila. Samantalang ako ay kanina pa nagpapaikot ikot sa kakahuyan pero ni isang hibla ng buhok man lang ng mate ko ay wala akong nakita. O kahit na katiting na amoy nito ay wala akong nalanghap. "Damn it." Napamura nalang ako dahil nasuyod ko na ang huling lugar na pwede kong puntahan pero bigo pa din ako. Habang nag iisip ako, hindi ko namalayang naka uwi na pala ako sa pack house at ilang minuto nang naka tayo sa harap ng guest room. "Grey, bakit nandito ka? Tapos na ba ang searching hour? You shouldn't be here, spend time with your mate dahil saglit lang ang mating season or else you'll miss it at wala kang magagawa kundi sumubok uli sa susunod na taon." Bumukas ang pinto ng kwarto at iniluwa nito si Veronica na takang taka. "Wala akong naintindihan sa mga sinabi mo Veronica, sinabi ko naman sayo wag mo kong kausapin sa lengwaheng hindi ko ala-" Napatigil ako sa pag sasalita ng may maamoy akong tila pinag halo-halong amoy ng mga bulaklak. Hinawi ko si Veronica na naka harang sa pinto at dali daling pumasok sa loob. "Hey! Binabalaan kita kuya kapag may hindi magandang bagay kang ginawa sa pasyente ko, hindi kita mapapatawad!" Napunta ang tingin ko sa muka ng babaeng naka higa sa kama. Eto ang unang beses na tinignan ko siya sa muka mag mula nang matagpuan siyang walang malay. Napaka haba ng itim na itim niyang buhok. I came closer at marahang hinaplos ang maputla niyang muka. Bakit ngayon lang kita napansin, she is breathtakingly beautiful. "Hey Grey, what are you doing? You can't do that." Bago pa man makalapit saamin si Veronica ay inunahan ko na siya, inilapit ko ang muka ko sa babaeng nakahilata sa harapan ko. I closed my eyes at binigyan siya ng halik sa bibig. Nang buksan ko ang mga mata ko, I was greeted by an obsidian black eyes. There is no other word I can use to describe her, she's perfect. "Mate."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook