Chapter 1

2166 Words
CAS was simultaneosly answering e-mails and working on with his excel sheets when a waitress came over . "Here's your order, sir..." Abot hanggang tainga ang pagngiti nito habang maingat na ibinababa sa mesa ang mga pagkain. "California chicken pasta in olive oil and Pinot Grigio," anito at mabining sinalinan ang wine goblet. "Anything else, sir?" "Wala na, miss. Salamat." Anim na taon na ang nakalipas at ginugol na lamang ni Cas ang atensyon sa Infinity Trends o ITrends, ang clothing company na itinayo ng kanyang ama. Noong mag-resign si Carlos, siya ang humalili bilang branch manager sa Maynila. Ngayon, sa edad na thirty-three ay na- appoint siyang CEO ng kompanya at si Roberto na nasa Amerika pa rin ay consultant niya. "Okay. Have a great dinner po!" Ngumiti ang waitress at bago tuluyang lumayo ay narinig pa ni Cas na napatili ito. Sa totoo lang, hindi lamang ang waitress ang napansin niyang nahalina sa kanya. Pagpasok pa lang niya sa restaurant kanina ay nakuha na niya ang atensyon ng ilang customers doon. His sturdy and sleek features made him a head turner; Roman nose, thin lips, a jawline dusted with trimmed mustache. Ang mga mata naman niyang kulay abo ang katunayan na nananalaytay sa kanyang mga ugat ang dugong latino na namana pa sa kanyang namayapang ina. Hindi rin maitatago ang magandang hubog ng kaniyang katawan at natatanging taas niyang 6" 1' sa ilalim ng eleganteng business suit. At ang tan niyang kutis ay dumadagdag pa sa kabuuang karisma. Makalipas ang dalawang oras ay natapos na ni Cas ang pagkain ganoon din ang pag-review sa tambak na mga kontratang nakabinbin sa kanyang e-mail. Itiniklop na niya ang laptop saka ipinasok sa bag nito. Ngunit akmang tatayo na'y napatingin pa siya sa entrance ng restaurant, partikular sa babaeng kapapasok lang. Pink na tank top ang suot nitong naka-tuck in sa skinny jeans. Nakalugay ang mahabang buhok nitong kasing-itim ng gabi na umaalon-alon pa sa mabini nitong paglakad. Parang rumarampa lang sa catwalk. Umupo ito sa bakanteng puwesto kasunod lang ng kanyang mesa. Now they were just almost a meter away from each other! Lalong natuon sa babae ang atensyon ni Cas. Magkahalong atraksyon at distraksyon ang hatid ng presensya nito. Now, he was absently gaping at the woman. Ilang segundo pa'y nanlaki ang mga mata ni Cas dahil sa pamilyar na itsura ng babae - heart-shaped face, big doe eyes, bushy brows, and full lips. The woman had no makeup at all, but she looked very natural and innoscent like his late girlfriend named... "Cara?" wala sa sariling ibinulong ni Cas sa hangin. Tila ilang minuto siyang naglakbay sa nakaraan ngunit nang marinig ang sarili, agad siyang bumalik sa sariling diwa. Mariin siyang umiling at nagyuko ng ulo. "Imposible. I'm just hallucinating." Marahil ay ganoon kalalim ang pangungulila niya sa dating nobya. May makita lang siyang kahawig nito'y naaalerto na ang kanyang sistema. Ito rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayo'y hindi siya sumusuong sa seryosong relasyon. He would just go out with a date and make out and more once in a while. But the idea of diving into a commitment was out of his priorities. Nang muling sumulyap si Cas sa dalaga ay tila tumigil ang kanyang paghinga. Paano'y nakatitig din ang babae sa kanya. Gusto man niyang putulin ang kanilang eye connection, hindi niya ginawa. The woman's gazes were too mesmerising. Ramdam iyon ng kanyang mga ugat na unti-unting nag-iinit na animo'y nakasalang sa ibabaw ng kalan. Ngunit napasinghap ang babae nang tumunog ang cellphone nito. Agad itong yumuko at binuksan ang bag upang hanapin ang pinanggagalingan ng malakas na tunog. Mayamaya'y muling umangat ang mukha ng dalaga na nakatanaw sa labas ng restaurant. Nang magkurap ito ng mga mata'y dumaloy na ang masaganang luha kasabay ng mahinang paghikbi. Sa hindi mawaring kadahilanan, nakaramdam si Cas ng kurot sa dibdib. Nais niyang lumapit sa babae. Nais niyang umupo sa tabi nito at ialok ang kaniyang balikat upang dito na lang umiyak. Subalit wala sa mga nais niya ang natupad nang tumayo na ang babae at nagmamadaling tinungo ang daan palabas. What now, Cas? Gusto mong sundan, 'di ba? So what are you waiting for? Still eyes fixed on the leaving woman, Cas remained sitting on his place like a king on his trone. Gusto man niyang sundin ang ideyang iyon, pinangunahan pa rin siya ng pag-aalinlangan. So, what the hell would I say to her? Ask for her name or a date? Sa ganda niyang 'yan siguro may boyfriend na siya... or asawa? Pa'no kung- "Walang kikilos! Dumapa kayong lahat!" Tila naalimpungatan si Cas sa narinig. Gayunman, awtomatiko siyang dumapa sa ilalim ng kanyang mesa na pigil ang paghinga. Tinakpan niya ang mga tainga, pero narinig pa rin niya ang sunod-sunod na putok ng baril. What the hell's happening? aniya sa isip. Napuno ng kalituhan ang kanyang ulo. He wanted to believe that everything was just a nightmare. Pero mukhang hindi, dahil ramdam ng kanyang mga binti ang pangangalay. Malaki nga ang mesa, ngunit hindi sapat ang sukat nito upang pagkasyahin niya ang sarili. Nang mahimasmasan nang kaunti, mula sa ilalim ay sumilip si Cas upang alamin ang mukha ng mga holdaper - apat ang mga ito at nakasuot ng stockings sa ulo kaya mahirap mamukhaan. Ilang sandali pa, kumalat sa marmol na sahig ang iyakan ng mga customer na nasa ilalim din ng mga upuan. Walang nakatakbo palabas dahil nakakandado ito. Ang mga guwardya ay hindi rin nakatulong dahil nakahandusay na sa sahig. Tunay ngang lahat ng mga kilos nila'y kalkulado at tila matagal nang pinagplanuhan. Mabuti na lang at nasa entrance at bar counters lang nakatayo ang mga masasamang-loob. Mabuti na lang at halos nasa likod lang ni Cas ang exit door. Kaya lingid sa kaalaman ng lahat, nakagapang na siya palabas ng dining area. Nang nasa pintuan na'y maingat na tumayo si Cas. Mula rito'y maaari na siyang makalabas dahil ang dulo ng lagusang iyon ay ang parking lot. Naroon ang sasakyan niyang naghihintay na sa kanyang pagtakas. Ilang sandali pa nang akmang tatakbo na'y natigilan pa si Cas. Parang may kulang. Parang may naiwan siyang mas mahalaga pa sa kanyang laptop at wallet. "The woman! She's still in there!" Gumuhit sa isipan ni Cas ang maamong mukha ng babaeng nakaupo sa tapat ng upuan niya kanina. May isang parte sa kanyang isipan ang sumisigaw na balikan ito. Kaya marahan niyang binuksan ang pinto at sa maliit na siwang ay natanaw niya ang mga nangyayari. Ang mga tao'y nakasiksik sa ilalim ng mga mesa nila habang ang mga gamit nila'y nililimas ng mga salot. Pati ang mga kahera ay hindi nila pinalagpas. Gumala pa ang paningin ni Cas at nagkuyom ang kanyang mga kamay nang matanaw ang hinahanap. "Please! Please don't hurt me! Maawa kayo sa 'kin!" Muling isinara ni Cas ang pinto at sumandal dito. Pakiramdam niya'y pinipiga ang kanyang puso dahil sa marupok na tinig ng babae. Ang huling beses na nakarinig siya nito ay noong nakaratay sa ospital si Cara. Punung-puno ng dugo ang wedding gown nito habang umiiyak sa sakit. "I need to do something. I need to save her!" Buo na ang loob ni Cas nang pihitin niya ang doorknob. Ngunit nang papasok na siya'y napahinto pa nang marinig ang malakas na sirena ng pulis. "Pare, may mga parak na! Sibat na tayo Marami na tayong nalimas!" anang lalaki na may hawak ng isang malaking bag. Ngumisi ang isang matabang lalaki na hini-head-lock ang babae. "Sige! Eh, pa'no 'to? Isasama ba natin? Sayang naman kung papakawalan, 'di ba?" Humagikgik ang isang matangkad at payat na lalaki. "Oo naman! Bonus din 'yan! Mamaya mapapakinabangan natin iyan!" Napailing ang dalaga na pilit pumapalag. Ngunit dahil sa malaki ang lalaki, wala itong nagawa kundi ang tumangis kahit namamaos na sa kakatili. "Doon ang daan!" Tumuro sa pinakadulo ng restaurant ang mataba at pandak na lalaki. Naunang lumagos sa exit door ang lalaking may hawak sa dalaga, samantalang ang iba'y tumigil sa dating inupuan ni Cas at kinain ang mga tira-tirang pagkain. Dinampot din ng mga ito ang naiwang bag ng laptop. Kumiling sa likod ang lalaking may bihag. "Hoy bilisan ninyo! Wag na kayong lumamon diyan, mga patay gu-" "Get your hands off her!" Maliksing dinakma ni Cas ang kamay ng lalaki na may baril at agad na hinila ang dalaga papunta sa likuran niya. Kasunod nito'y ikinandado niya ang pinto kaya naiwan sa loob ang mga kasamahan nito. Sa una'y natulala ang matabang lalaki. Ngunit dahil sa kirot ng pulsuhan nito'y biglang namula sa galit. "Ang tapang mo ah! Lagot ka sa 'kin, pakialamero ka!" Sinikap nitong patamaan si Cas sa pisngi ngunit nakaiwas ang binata. "Is that all you got? You're no match to a black belter!" Cas hissed. Tinadyakan niya ang lalaki direkta sa panga. Nang mapaluhod, hinampas niya ito ng fire extinguisher sa likod kaya tuluyang nawalan ng malay. Agad na pumihit si Cas sa babaeng naninigas at nakayakap sa sarili. "Let's go! We need to get out of here before they find us." "I... I can't m-move," anitong nanginginig ang boses. Nahalata ni Cas ang takot sa boses ng babae kaya hindi niya ito pinilit. Bagkus ay binuhat niya sa kanyang mga bisig at mabilis na tumakbo sa makipot na pasilyo. Wala siyang narinig na protesta. Ipinulupot pa nga nito ang mga braso sa leeg ng binata. Nang makaabot sa parking lot, natanaw agad ni Cas ang kotse. Mabuti na lang at nasa bulsa niya ang susi kaya malayo pa lang ay pinindot niya ang control. Isinakay niya ang dalaga sa harapang upuan habang siya naman ay sa driver's seat. "Your seatbelt, miss! We're gonna hit the road!" aniya at marahas na pinaandar ang Fortuner palabas ng parking lot at pinaliko sa kalsada. Hindi pa nakakalayo'y natanaw nilang napaliligiran na ng mga pulis ang restaurant. Parehong tahimik ang dalawa habang nasa biyahe. Malalalim na paghinga lamang ang tanging maririnig. Pasulyap-sulyap si Cas sa dalaga. Halatang nawiwindang pa rin ito. Dahil dito'y binuksan ni Cas ang stereo upang may ibang tunog na marinig. Ngunit pagbukas pa lang ng radyo'y balita ang bumungad: "Isang kilalang restaurant sa South Triangle ang hinoldap ng apat na kalalakihan. Ayon sa mga saksi, wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. Kasalukuyang nakapiit na ang mga holdaper habang kinukuhanan pa ng pahayag." "Oh, thank God," mahinang bulalas ng babae. "You okay?" "Y-Yes." Tipid na ngumiti ang dalaga. Panandalian man ito'y sapat na upang kumintal sa isipan ni Cas. Hinawi nito ang buhok kaya napansin ni Cas ang kulay berdeng marka sa ibaba ng tainga. "You got a bruise," ani Cas. Gusto pa sana niyang hawakan ang leeg nito ngunit nag-aalinlangan siya na baka magalit ito. "Okay lang ako. Papahiran ko lang 'yan ng cream." At muli'y katahimikan na naman ang bumalot sa biyahe. Hanggang sa ang babae na ang muling nagsalita. "Maraming salamat nga pala dahil niligtas mo ang buhay ko. Kung hindi mo ginawa 'yon, siguradong napahamak na ako," bulong ng babae. "No problem. But you don't have to thank me because I feel like it's my obligation." Bagaman nagmamaneho, hindi na naman nakatakas sa paningin ni Cas ang matamis na ngiti ng dalaga. At dahil nahimasmasan na ito, sa palagay niya'y maaari na siyang magpakilala. O pumorma... "By the way, I'm Castiel Lacsamana. But you can call me Cas for short." Tumingin ang babae kay Cas. "I'm Lilith." "Lilith," Cas repeated in a sensual tone. He took a quick smoldering glance at her then back on the road ahead. "Kahit sa ganitong pagkakataon tayo nagkita, natutuwa pa rin akong makilala kita." "Ako rin. It's nice to meet you too, Cas," ani Lilith at muling lumingon sa bintana. Lingid sa kaalaman niya'y pasulyap-sulyap si Cas sa kanya. Lumipas pa ang ilang minuto at katahimikan muli ang pumagitan sa kanila. Ngunit ngayon ay may mahinang musika na nagsisilbing background. Dahil sa malamyos na tugtugin, umupo si Lilith na halos nakahiga na at nakahilig ang ulo. Pinagmamasdan niya ang helera ng mga naglalakihang gusali mula sa bintana. Samantala, habang nagmamaneho'y napapailing naman si Cas nang sa gayo'y pigilin ang antok. Upang manatiling gising, muli niyang kinausap si Lilith. "Hindi mo pa pala sinasabi kung saan kita ihahatid. Saan ka nga ba nakatira?" Walang tugon na natanggap si Cas. "Lilith?" Lumingon ang binata sa katabi at hindi niya napigilang mapangiti. "Fast asleep. She must be so tired," aniya at inihinto ang sasakyan sa tabi. Dito siya nagkaroon ng pagkakataong pagmasdan nang maigi ang mukha ng dalaga. Napagtanto niyang sa mas malapitan, may kaunting pekas ito sa itaas ng ilong, pisngi at balikat. "Kamukha talaga niya si Cara." Nais niyang haplusin ang mukha nito ngunit nangangamba siyang baka magising ito at pag-isipan siya nang masama. Kaya muli niyang pinaandar ang kotse at nakipagsabayan sa kakaunting sasakyan sa highway. "Okay, since hindi ko alam kung saan ka nakatira, iuuwi na muna kita." Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD