Chapter 2

2251 Words
NOONG nasa garahe na ang kotse, binuhat ni Cas ang natutulog na si Lilith paakyat ng guest room at maingat na inihiga sa kutson. Matapos nito'y umupo siya sa bean bag chair na katabi lang ng higaan. With so much amazement, Cas watched Lilith as she slept like an angel... or a cooking oil rather. Para siyang si Adan na nakita sa unang pagkakataon ang kanyang Eba. Para rin siyang tanga na nakatulala lamang sa dalaga at walang pakialam sa oras at kung nasaan man siya. "Ano ba'ng pumasok sa isip ko? Bakit inuwi kita rito?" bulong niya. "Paano kung may naghahanap na sa 'yo? Siguradong nag-aalala na iyon." The idea that there was someone else in her life made him frown. Of course, this woman on his bed was already taken. Sinong lalaki ba naman ang palalampasin ang ganito kagandang babae? Gayunman, hindi niya mapigilan ang sariling hindi humanga rito. Oo't kasing-ganda nito ang mga babaeng nakakasalamuha at nakikita niya araw-araw sa ITrends. Pero tila may mga bagay na nakita si Cas na bukod-tanging si Lilith lang ang mayroon. Kung ito man ay ang malaking hawig sa dating nobya ay hindi niya natitiyak. "Ohh." Huminga nang malalim si Cas nang bahagyang mapaungol si Lilith. She moved, laying on her side and clutched the pillow beside her. Mahigpit nitong niyakap ang unan na ang isang binti ay nakadagan pa rito. Napalunok si Cas. Sa puwesto ni Lilith, matatanaw ang magandang hubog ng katawan nito. He had the perfect panorama of her curves, not to mention, the delicious sight of her cleavage. He couldn't help but imagine those slender arms and legs wrapped around him instead of that dumb pillow. Ilang buwan na rin ang nakaraan noong huli siyang mapadpad sa ibang kama. Kaya ngayo'y tila nabuhay ang espiritu ng kamunduhan sa kanyang sistema sa pagtitig lamang sa natutulog na si Lilith. And just by the sound of her sleeping moan made him hard right now. "Not cool, dude!" Marahas na bumuga ng hangin si Cas. Inilihis niya ang mukha sa natutulog na dalaga habang inaayos ang pagkakaupo niya. "Napakarumi ng utak mo." "C-Cas?" Mangilang beses na kumurap si Cas at dahan-dahang kumiling kay Lilith. He smiled awkwardly like a guilty child. "L-Lilith... g-gising ka na pala." Still eyes halfhooded, Lilith raised from the bed. Sumandal siya sa headrest at pinahapyawan ng tingin ang buong kuwarto. "Nasaan ako?" "You're in my house here in Tagaytay." Kumunot ng noo si Lilith. "Tagaytay?" Marahang tumango si Cas. "No'ng nasa kotse pa tayo kanina, tinanong kita kung saan kita ihahatid. Pero tulog ka na kaya hindi na kita ginising," paliwanag niya sabay tikhim. "Gano'n ba?" Tinakpan ni Lilith ang bibig at tahimik na humikab. Mayamaya'y palundag na tumayo sa kama na parang naalimpungatan. "W-wait, anong oras na?" Sumulyap si Cas sa wristwatch. "It's nine p.m.." "Ano?" Tila nanlambot ang mga tuhod ni Lilith nang muli siyang umupo sa gilid ng kama. "Lagot ako nito. Siguradong kung saan-saan na siya naghahanap." It's confirmed. May boyfriend na siya. Pakiramdam ni Cas, may maliit na karayom na tumusok sa kanyang puso. Reality slapped him. Now he felt more guilty about thinking dirty things about her a while ago. Pero anong magagawa niya? He was just a man with basic primal urges, for God sake. Now, since he couldn't be able to have her, he would return her to somebody's stupid arms. "Hey, don't worry. Puwede naman kitang ihatid sa kanya ngayon," pag-aalok ni Cas. Matagal na nag-isip si Lilith bago bumangon at matamlay na ngumiti kay Cas. "Marami na akong atraso sa 'yo, Cas. It's very late and you're tired too. Ayoko namang mapahamak ka pag-uwi mo." Cas beamed mentally. Thoughtful huh. "Okay. Bukas na bukas ihahatid kita sa bahay mo. Sa ngayon, maghahanda muna ako ng puwede nating kainin." "Sure. I won't refuse to that. For now, tatawagan ko na lang siya." Isinuksok ni Lilith ang kamay sa likurang bulsa at napasimangot. "Oh, my God. Nahulog yata sa resto ang phone ko." "Then you can use my landline." Itinuro ni Cas ang itim na teleponong nakapatong sa nightstand. "Oh, thank God," she sighed in relief. Patakbo nitong dinampot ang telepono habang si Cas ay tinungo na ang kusina. Sampung minuto na ang nagdaan ngunit nakatayo pa rin si Cas sa harapan ng pridyider. Naroon ang isang karton ng pizza, isang bowl ng carbonara, at fried chicken steak. "Ano kayang magugustuhan niya rito," Humugot siya ng malalim na hininga at nalanghap ang pinaghalo-halong amoy ng pagkain. Doon niya napagtanto kung ano ang ihahain. "Sige, lahat na lang." Cas took fifteen minutes of heating and preparing for the dishes. Mabuti na lang at mayroon siyang partime cook/housekeeper. Kung hindi, baka mapahiya siya sa bisita gayong hindi naman siya nagluluto. Nang mailapag sa mesa ang mga pagkain, tumungo sa kuwarto si Cas upang tawagin si Lilith. Nasa pasilyo na siya nang marinig ang boses nitong nakikipag-usap pa rin sa telepono. He paused on the doorframe and silently watched her. Ngayon, heto na naman siya, wala sa sariling nakatitig kay Lilith at kung paano nito pinaglalaruan ang mahabang buhok habang papalit-palit ang pag-crosslegs ng mahahabang binti. "Yes, naroon ako sa restaurant kanina. Don't worry, okay? Wala namang nangyari sa 'kin," ani Lilith sa telepono. Napadako ang paningin niya sa may pintuan at ngumiti siya nang mamataan si Cas na nakasandal doon. "Kasi may nagligtas sa 'kin... and I'm staying with him tonight." Bigla itong nagyuko ng ulo. "Sige na, goodnight. Muah!" Saka lamang pumasok si Cas noong wala nang kausap si Lilith. "Tara, kain na tayo," pag-aaya niya at inialok ang kamay. Umangat ang mukha ni Lilith. Matagal niyang tinitigan ang nakabukas na kamay ni Cas ngunit kalauna'y tinanggap din ito. Hindi naman siguro masamang hawakan ang kamay niya,'di ba? Hindi ko naman siya aagawin sa boyfriend niya. I just want to touch her hand. That's all. Cas inwardly smiled. That feeling when their hands made contact sent sensual current throughout his whole system. When Cas presented the dining table to Lilith, his heart almost melt seeing the woman's eyes twinkled in astonisment. Balak niyang tulungan ang dalaga sa pag-upo ngunit sa isang iglap lang ay nakaupo na ito. Initiative. I like that. "Niluto mo ba'ng lahat ang mga ito?" ani Lilith na walang kimi na kumuha ng malaking piraso ng manok at carbonara sa plato niya. Natatawang umupo si Cas sa tabi ng dalaga. "Sad to say, hindi ako marunong magluto. Mayroon lang akong partime cook." Lilith nodded. "Bakit, mag-isa ka lang ba rito? Nasaan na ang parents mo?" Natigil sa pagnguya si Cas. "Wala na si Mom. Si Dad na lang ang kasama ko, pero nasa America siya ngayon." "Oh..." Napayuko si Lilith. "I'm sorry, Cas. Hindi ko alam." "No, it's okay. Matagal na 'yon." Muling nagpatuloy sa pagkain si Cas. "How about you? Nasaan ang parents mo?" Nagbuntong-hininga si Lilith, ngunit patuloy niyang pinapaikot ang ilang hibla ng carbonara sa tinidor. "Actually, lolo't lola na lang ang mayroon ako. Katulad mo, hindi ko rin sila kasama. Nasa Alabama sila. Doon din ako lumaki. Nandito ako sa Manila dahil sa trabaho." Alabama? Doon tumira si Cara. Tila naalerto ang isip ni Cas. Pero imposible. Hindi naman lumaki si Cara sa lolo't lola nito. Parents niya ang kasama niya. "Cas?" Mula sa kung saan ay bumalik ang atensyon ni Cas sa katabi. "Bakit? May problema ba sa pagkain?" "Hindi ah. Actually, sobrang sarap nitong carbonara. Paborito ko kaya 'to." Marahang umiling si Lilith at sumulyap sa pinto. "Gusto ko lang itanong kung may magagalit ba kung makikitulog ako rito? What about your girlfriend? Nasabi mo ba sa kanya na may bisita ka ngayon?" Matagal na natahimik si Cas. The way his lips parted in silence flaunted his uncertainty to answer that simple question. Gayunman, pinili niyang sagutin na lang ito. "Wala, Lilith. I'm single." He smiled at her. "Oh, okay. Buti naman. Kasi ang awkward lang kung may girlfriend ka tapos may ibang babae rito, 'di ba?" Cas chuckled. "Trust me, Lilith. Wala talaga." Palihim niya itong sinulyapan. Sa iyo walang magagalit. Pero baka sa 'kin, mayroon, he thought. Makalipas ang isang oras, itinuro ni Cas ang guest room na tutulugan ni Lilith. Ngunit bago tuluyang magpahinga ay dinala niya ang dalaga sa pinakapaborito niyang spot sa bahay - ang balcony. Pagbukas pa lang ng mga pinto nitong yari sa salamin, humaplos sa mukha ni Lilith ang preskong hangin. "Iba talaga kapag malayo sa Maynila." Though she was quite upset about that crazy afternoon incident, she felt oddly tranquil now. It was not actually due to the Cas's place. It was because of that man himself and his masculine presence behind her back. "Cas?" Yumuko si Cas sa babaeng nasa harapan niya. Damn, he couldn't get a good focus because he was so tempted to placed his arms around her small waist and pressed her closer to him. "Bakit Lilith? Giniginaw ka na ba? Gusto mo bang pumasok na tayo sa loob?" "Hindi." Umiling si Lilith samantalang sinusuklay ang buhok gamit ang mga daliri niya. Lalo tuloy nalalanghap ni Cas ang buhok nitong amoy talulot ng bulaklak. "I really want to thank you for saving my life and for bringing me here." Marahang hinarap ni Lilith ang binata. She tiptoed, wrapped her slender arms around his neck, and pressed her body against him to a tight embrace. "Hindi ko alam kung paano makakabayad sa 'yo. Pero tatanawin kong malaking utang na loob ang ginawa mo sa 'kin." Again, Cas felt a sudden rush of current into his whole system. Bumilis na naman ang t***k ng puso niya. Oh, hell, lingid sa kaalaman ni Lilith, isang agony ang ginagawa nitong pagyakap sa kanya. And if his stupid primal need was concerned, she was already on his bed hours ago. Pero dahil nakakapag-isip pa siya nang matino, pinili na lang niyang ibalik ang mainit na yakap ng dalaga at bumulong sa tainga nito. "Don't mention it, Lilith. Katulad nga ng sinabi ko kanina, pakiramdam ko obligasyon ko ang iligtas ka." Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa dalaga. Nang muling sumimoy ang malamig na hangin ay nadama niyang nanginig ito. "That's it. Pumasok na tayo sa loob at baka sipunin ka na." o0o Maagang nagising si Cas kinabukasan upang maghanda ng agahan. Naalala kasi niyang day-off ni Nana Celia sa araw na 'yon kaya wala siyang ibang choice kundi ang magluto. Goodluck na lang sa kanyang cooking skills. Hindi pa man siya ganap na nakakalapit sa kusina ay dinig na niya ang mga kalansing ng kawali at sanse. Nalanghap din niya ang amoy ng ginisang bawang at sibuyas, pati ang matapang na aroma ng kape. Lumuwag ang dibdib ni Cas. "Salamat naman at dumating si Nana Celia. Hindi na ako mapapahiya nito kay Lilith." He pranced towards the kitchen, smile was ear to ear. "Good morning, Nana Ce-" Ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Cas nang ang tumambad sa kanya'y hindi ang matandang cook kundi ang mala-coca cola na pigura ni Lilith. For seconds, he found himself stupidly staring at her luscious ass and radiant long legs. Suot pa rin nito ang oversized shirt na pinahiram niya kagabi. "Oh, Cas, good morning!" masiglang bati ni Lilith. Inilapag niya sa mesa ang magkaibang plato ng sunny-side up eggs at bacon. May sinangag na rin sa mesa na nakalagay sa malaking bowl. Pagkatapos ay isinalin sa magkaternong mga tasa ang brewed coffee galing sa cofee maker. "Tara na. Hindi puwedeng paghintayin ang pagkain." "You know, Lilith, you don't have to do this. Bisita kita." Hinintay ni Cas na makaupo si Lilith, saka siya tumabi sa dalaga. "Hanggang ngayon, bisita pa rin ang tingin mo sa 'kin? Ikaw naman. 'Di ba, magkaibigan na tayo? At inaasikaso ko ang mga kaibigan ko." Tahimik na sinimulan ni Cas ang pagkain. Pero ang puso niya'y tila sisigaw at sisirko sa saya. Matagal na panahon din na hindi siya nakatikim ng pag-aalaga galing sa babae. Kaya nakalimutan na niya ang pakiramdam nito. "You're so sweet and thoughtful, Lilith. Napakasuwerte ng boyfriend mo sa 'yo." Umangat ang mukha ni Lilith at kumiling kay Cas. "W-wala na akong boyfriend, Cas. I'm single." Natigilan si Cas. Magkahalong pagtataka at pagkatuwa ang sumuot sa kanyang sistema. Pero mas lamang ang pagkatuwa. "Bakit naman?" "Kaka-break pa lang namin." Katahimikan ang namagitan sa dalawa. Mga kalansing ng kubyertos lamang ng nagsisilbing tunog sa hapag. Sa isip ni Cas, marahil ito ang dahilan kaya labis ang kalungkutan ng dalaga noong nagkita sila sa restaurant. Anyway, knowing that Lilith was very much single awakened the hope inside his chest. Baka naman. Matapos mag-agahan ay inaya ni Cas si Lilith sa balcony. Paglabas pa lang ay sumilay na ang matamis na ngiti ni Lilith dahil mas malinaw niyang napagmamasdan ang unti-unting pagsikat ng araw. Hindi katulad kagabi na kadiliman ang bumabalot sa labas. Ngayong umaga, malayo man ang Taal, ang tanawing ito'y tila malaking larawan mula sa malayo. Ang lawa nito'y tila patag na pilak na lalo pang pinakikinang ng sikat ng araw. "Napakaganda naman!" Lilith's gorgeous doe eyes twinkled. Kumiling si Cas kay Lilith at bumulong. "Gano'n din ang tingin ko."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD