Chapter 3

2051 Words
"Mr. Lacsamana?" pukaw ni Samantha, isa sa mga designer ng ITrends. Nasa harapan ito ng converence room at tinatalakay ang mga detalye ng mga bagong design na ila-lunch sa darating na fashion week Nang marinig ang pangalan ay bumalik sa kasalukuyan ang malayong diwa ni Cas. Napansin niyang ang lahat ng naroon ay nakatitig sa kanya. Muli siyang tumingin kay Samantha at sinulyapan nang mabilis ang hard copy na nakapatong sa mesa niya. "What can you say about her latest designs, Cas?" tanong ni Ms. Farrah, ang head designer ng kumpanya. "Well, it's unique. Simple pero may dating. Elegant but not intimidating. Dramatic but fun to wear. Lovely over all," paglalarawan ni Cas habang kinukumpas ang kamay na may hawak na ballpen. "Thank you." Napangiti si Samantha. "You're welcome. Pero ako ang dapat na nagpapasalamat, Sam," ani Cas. Tumayo siya sa harap ng board at nilapitan ang dalaga. Tinapik niya ito sa balikat. "ITrends is really lucky to have such a talented and dedicated designer like you." "By the way, Sam. Who are the models this time? Sa pagkakaalam ko tapos na ang kontrata nina Janelle at Flare McQueen," tanong ni Farrah. "Kukuha ako ng mga modelo sa Elite. I'm setting a meeting with my team regarding this matter as well as the other details for the fashion show," sagot ni Samantha habang nakatingin kay Cas. Tumango si Cas at pinahapyawan ng tingin ang buong conference room. "Okay, I think this meeting is done. Alam na ninyo ang mga responsibilities ng bawat isa, okay? Just always coordinate with Samantha," paalala ni Cas habang sunod-sunod ang pagpirma sa folders na inilalapit sa kanya. Unti-unti nang nagsisialisan ang mga empleyadong dumalo sa meeting. Naiwan na lang ang mga nagliligpit ng equipments na ginamit sa demo. Habang si Cas ay nakatayo pa rin sa harapan at kinakalikot ang kanyang phone, nilapitan siya ni Farrah. "Hello, hijo! Kamusta ka na. It's been a long time! Salamat pala at pinaunlakan mo ang meeting namin kahit marami kang ginagawa." "Of course. I care about every detail of this company. Bukod doon, malakas ka sa'kin." Tinanggap ng binata ang halik sa pisngi mula sa ginang. Bata pa lang ay matalik na magkaibigan na ang kanilang mga pamilya. Si Farrah ay kaklase pa ng kaniyang ama hanggang kolehiyo. Ngunit nang mag-asawa ay namalagi na siya dito sa bansa. Bagaman malayo ay hindi naputol ang komunikasyon dahil pareho ang larangan ng interest sa negosyo. Dahil dito kaya nabuo ang ITrends sa Pilipinas. Ang pagkahilig naman ni Farrah sa mundo ng fashion ay namana ng kanyang anak na si Samantha, ang pinaka-creative na fashion designer ng kompanya. Mas bata siya ng tatlong taon kay Cas. Namana niya ang kariktan sa ina at kung tumindig at maglakad ay mala-modelo rin. Gayunman, hindi lahat ng empleyado sa kompanya ay nakakasundo ni Samantha dahil may pagkasuplada at mataray. Ngunit mabait at malapit ito kay Cas simula pa lang noong mga bata sila. Matapos ang isang mahabang araw sa opisina, nakauwi na si Cas sa malaking bahay sa Tagaytay. Anim na taon na ang nakararaan, sa tulong ni Samantha ay nabili niya ang property na ito. Unang kita pa lang kasi ay nahulog na ang loob ni Cas sa lugar na iyon. Nagmamadali siyang umakyat sa mataas na hagdang bato papunta sa tahanan. Ngunit pagbukas ng pintuan ng sala'y natigilan siya at nawala ang ngiti sa mga labi He went straight to the sofa, his shoulders sagged. "Nakauwi na nga pala si Lilith." Mayamaya'y tinungo niya ang guest room. Doon ay nakita niyang nakapatong sa kama ang pares ng chopsticks na ginamit ni Lilith sa kanyang buhok upang mai-bun ito. Pansamantala siyang humilata sa kama na nakatingin sa kisame. Saka niya naalalang inihatid pala niya ang dalaga sa Maynila kaninang umaga. Ngunit nakiusap si Lilith na hindi magpahatid mismo sa apartment nito at magta-taxi na lang. Labag man sa loob ay pumayag din si Cas dahil ayaw niyang lumabas na makulit sa mga mata ng dalaga. Ngunit ngayon ay nagsisisi siya. Dapat ay inihatid niya ito nang sa gayon ay hindi naputol ang kanilang nagsisimulang samahan. Now she was gone. And he wouldn't see her again. "I miss you already, Lilith," bulong ni Cas. Naisip niyang tawagan si Lilith upang tiyaking nakauwi ito nang ligtas, ngunit napagtanto niyang nawala pala ang phone nito sa restaurant. Now what? Dahil sa pagod ay nakatulog si Cas sa kuwartong iyon. At kahit sa panaginip ay nakikita niya ang magandang mukha ni Lilith. o0o DALAWANG linggo ang lumipas at heto na ang katuparan ng pinakahihintay na fashion show ng ITrends. Ang runway ay napaliligiran ng mga audience na kanina pa'y sabik sa pagbubukas ng fashion show. Kabilang sa mga manonood ay mga sikat na artista, mga fashion blogger, at iba't-ibang fashion TV networks kasama ang sangkatutak na reporters at photographers. They were eagerly awaiting this show for months. Sabik silang makakita ng bagong pasabog na gagawin ng ITrends. Si Cas na kadarating pa lang ay diniretso ang office sa 39th floor. Nadatnan niya roon ang mga abalang associate at bisor. They all worked like honey bees. Ngunit nang makita ang kanilang amo, lahat ay pansamantalang tumigil at bumati sa kanya. Tumango naman si Cas sa mga empleyado at matuling nilakad ang opisina niya. Mayamaya'y dumungaw si Don mula sa likod ng pinto. "Hinahanap na tayo sa convention hall," aniya na humihingal. Hindi na niya nagawang kumatok dahil sa pagmamadali at nakabukas naman ang pinto. Isang thumbs up ang itinugon ni Cas habang palipat-lipat ang mukha sa tatlong monitor. He was too occupied to even glance at his assistant. His adrenaline was running high. Kaya nang matugunan ang huling email, agad siyang tumayo sa swivel chair at halos liparin ang pinto palabas ng opisina. Nang nasa ground floor na'y sinalubong sila ng masiglang musika na sinasabayan ng mga makukulay na ilaw na tila sumasayaw. Bahagyang napangiti si Cas. Nakikini-kinita na niyang mas magiging matagumpay ang fashion show na ito kumpara noong taon. Imbes na sa VIP seats, sa backstage tumungo sina Cas at Don. Pagdating nila doon ay agad niyang natanaw sina Farrah, Samantha, at iba pang staff at crew. Naroon din ang mga modelo ng Elite, ang agency na pinangungunahan ng manager nilang si Georgina. Sintingkad ng kanyang ngiti ang barong tagalog na kulay pink. Bantog ito sa maayos na pag-aalaga sa mga modelo nito. Ang karamihan ng nangagaling dito ay madalas maging beauty queen at artista. Ilang sandali na lang at mag-uumpisa na ang palabas. Ngunit napansin niya na wala pang hanay ang mga modelo. Bukod dito'y ang mga empleyado ay palakad-lakad na tila may hinahanap. Kunot-noong nilapitan ni Cas ang kumpulan ng mga manager. "Anong nangyayari?" "Sir, kulang pa raw ng isang lalaking modelo eh," ani Vivi na galing pang Cebu. Kahit na hindi naman mandatory ay piniling lumuwas upang saksihan ang show. "Narinig ko, hindi raw nila ma-contact," dugtong naman ni Josh. "What!" Napahagod si Cas sa buhok. "Hindi puwede 'yon. Forty-five minutes na lang, mag-uumpisa na!" "Oh, my gosh, paano na 'yan! Baka 'di na matuloy ang show!" nag-aalalang bulalas ni Betty. "Don't be too paranoid, Betty. May paraan pa naman siguro," wika ni Don. Cas felt his temperature rising. Tahimik siya ngunit pinamumulahan na ng mukha. "This is out of plan. Hindi puwedeng magkalat ang show na 'to," aniya at bumaling kay Don. "Tawagin mo nga ang manager ng Elite." Tumango si Don at agad na tumakbo papunta sa dulo ng backstage. Lahat ng mga empleyado ay kilala si Cas bilang mahinahon. Gayunman batid nilang istrikto rin siya at hindi palalampasin ang kaunting pagkakamali. Sa pagkakataong ito'y hindi lamang simpleng pagkakamali ang nagaganap dahil ang nakasalalay dito'y kahihiyan ng ITrends. Mayamaya'y bumalik na si Don. Lakad-takbo ang ginawa niya kaya humahangos siya nang humarap sa binata. "Cas, nandito na si Mr. George Fuentes." "Just call me Georgina or Mother Gie. 'Yan ang tawag nila sa 'kin," wika nito at ngumiti nang alanganin. "George," pagdidiin ni Cas. Huminga siya nang malalim at buong pagtitimpi na hinarap ang manager. "We've been preparing for this event for months. Tapos dahil lang sa isang iresponsableng modelo, masisira ang pinaghirapan namin?" Mangiyak-ngiyak na umiling si Georgina. "I'm so sorry, Mr. Lacsamana. I'm not really expecting this. Pero tinawagan ko na 'yong isa pa naming modelo. He will be here within twenty minutes." "Twenty minutes? Seriously?" Cas tilted his head. Dahil dito'y lumayo ang ibang empleyado dahil batid nila ang susunod na mangyayari. "Tama ba ang dinig ko? I will delay the show for the sake of a late model? Damn, George. Napaka-unprofessional naman. I don't remember myself signing to this kind of silly arrangement!" Nagyuko ng ulo si Georgina. "I'm really sorry talaga, Sir Lacsamana." Agad namang lumapit si Samantha at Farrah. Kapwa glamoroso ang suot ng mag-ina, ngunit hindi maitatago ng magandang make-up ang pag-aalala sa kanilang mga mukha. "Please, huminahon ka Cas," bulong ni Farrah at tinapik sa mga braso ang binata. "We're doing our best to find a way para hindi masira ang show. Kung mayroong lang na modelong lalaki na gumagala sa paligid natin. Siya na lang sana." "That's right," bulong ni Cas at tumingin kay Farrah. "I used to be a model. So might as well I'll do the final walk." "Oo nga!" napapalakpak si Don. "Naghahanap pa tayo ng iba, eh modelo ang presidente natin!" "Tama!" Farrah agreed and gazed at Cas. "Malaki ang advantage 'pag ikaw ang rumampa." "A marketing strategy," Cas stated. "Using the CEO to personally showcase the product. 'Yon ang gagawin natin." "Exactly!" bulalas ni Farrah. "And we are very lucky because you were not just an ordinary model, but a former Mr. World Philippines," pagdidiin pa niya. Halos lumuwa ang mga mata ni Georgina. "Oh. My. God. Really? Wow, eh ano pa'ng hinihintay natin? Halika na sa dressing room, Sir Lacsamana!" kinikilig na bulalas ni Georgina. Tila nakalimutan na niyang nasita siya kanina lamang. Cas sighed. "Fine, let's go and get me dressed." Ang buong akala ni Cas ay bibihisan siya. Kaya nga ganoon na lamang ang kanyang pagsisisi dahil halos bumakat na ang kanyang itinatagong asset sa suot na underwear. Naiilang man sa kapirasong suot, hindi naman ito halata dahil sa tikas ng paglakad niya. That artistic black tattoo on his right hard chest would show how badass of a ramp model he was. "Ipapaalala ko lang, George, 'wag mong sasabihin sa kanila kung sino talaga ako," bulong ni Cas bago sila tumungo sa backstage. Kumiling si Georgina sa kanya. "Sure, Sir Lacsamana. Don't worry, hindi nila malalaman. Kasi kahit ako, hindi lubos maisip na napaka-guwapo pala ng chairman ng ITrends. Unang tingin ko nga sa 'yo, 'kala ko talaga celebrity ka. Pero you should expect na mamaya rin, mamumukhaan ka ng pres," aniyang kinikilig pa. "It's okay. Importante 'di nila alam habang nasa show pa tayo." "Okies, sir." "Good." Nang nasa likod na sila ng mga modelo, pumalakpak si Georgina upang makuha ang atensyon nila. "Excuse me girls, may ipapakilala ako sa inyo." Natigil sa pag-uusap ang grupo ng mga babaeng modelo at bumaling kay Cas. "I want you to meet Cas," bungad ni Georgina at itinuro naman ang isang babae na kaharap lang ng binata. "... and Cas, this is Lilith. She'll be your partner." Pinahapyawan ni Cas si Lilith. For some seconds, his breathing halted, his heart melted and everything came into a slo-mo as the woman flashed her generous smile. Litaw na litaw ang kagandahan ng dalaga sa suot na deep red tankini. Her jet-black hair that Cas wanted to touch fell perfectly on her sexy nude back. With her abdomen nicely flat, ass so firmed and luscious, long legs and arms perfectly toned, radiant fair skin all over - Cas failed to recall how long he'd been holding his attention to Lilith. He was completly amazed that nothing else mattered. "Oh, hi." Walang ibang nasabi si Cas. The woman's spell still casted on him. Tinitigan ni Lilith nang mabuti si Cas. "Ikaw ba 'yan?" Nang tumango ang binata, kanya itong niyakap. "Oh my God Cas, It's really you!" "So, magkakilala na pala kayo?" Georgina's eyes widened in amazement. "Kakaloka! Ang liit talaga ng mundo!" Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD