WE left Lolo Migs inside the elevator. Hawak ni Yosef ang kamay ko habang akay-akay niya ako pabalik sa kaniyang office. Hindi ako nakapiglas pa nang isama niyang muli ako. Tila naubusan ako ng lakas at nawalan ng ibang pagpipilian kundi ang magpatianod na lang sa kaniya. Ni hindi na nga ako nakapagpaalam pa nang maayos sa grandfather niya. Masyado yata akong natigagal sa aking narinig at nalaman. “I had two meetings outside the company. Kababalik ko lang,” aniya. “Do you need something? You didn’t tell me you would come here.” “Napadaan lang ako. Bawal na ba kitang bisitahin?” Nang marinig niya ang itinanong ko ay bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad, at dahil nakasunod ako sa kaniya ay bahagyang nag-bump ang forehead ko sa matigas niyang likod. Kahit hindi naman masakit ang pa

