KINAUMAGAHAN ay hindi agad ako nakabangon dahil sa bigat ng aking katawan, at pananakit ng ulo. Ngunit sa kabila ng mga nararamdaman kong iyon ay pinilit ko pa ring tumayo at kumilos. Nakaligo at nakapagbihis na ako nang lumabas ako ng silid. Ang akala ko ay mag-isa na lang ako sa bahay, ngunit naririto pa rin pala si Yosef at hindi pa umaalis patungo sa kaniyang opisina. Nadatnan ko siyang naghahanda ng aming almusal. Nakasuot na rin siya ng formal attire, itinupi niya ang sleeves niyon at pinatungan ng itim na apron. While I was looking at his back, my mind started to recall what he had said to me last night. Gusto niyang makausap si Ariyah, nagpapaalam siya sa akin. He wanted me to fully trust him, but how could I do that? Iisipin ko pa lang na magkikita sila ay nilalamon na ako ng s

