“HELLO, Yosef? Yes! Sa amin daw matutulog si Leal. Wala kang dapat alalahanin, sanay naman siya sa bahay. Oo naman!” Naririnig ko si Faye habang kinakausap niya si Yosef through call. Kinuha niya sa akin ang cellphone ko upang siya ang sumagot ng tawag. “Ano ulit? Galit? Sino ang galit? Si Leal?” Napatingin ako sa kaniya nang maintriga ang aking pandinig. I frowned before I mouthed the words, “What?” Tinakpan niya ang speaker ng phone ko. “Galit ka raw sa kaniya?” Bumuka ang bibig ko. Mabilis akong umiling upang itanggi ang sinasabi niya. Ako? Galit? Kay Yosef? Hindi. Ipinasa sa akin ni Faye ang tawag at hindi ko na natanggihan pa iyon. Wala akong naging option kundi ang itapat sa aking tainga ang aking cellphone. Kahit nagugulumihanan pa ang isip ko, kinausap ko siya. “A-ano ‘yong si

