MATAPANG kong sinalubong ang seryoso niyang mga mata na ngayon ay nasa akin lang ang pokus. I’m not taking pills. Kahit isang tableta ay wala akong ginamit. Nababawasan lang iyon sa tuwing susubok ako. Kapag naiisipan kong uminom niyon ay para bang pinanghihinaan ako ng loob kaya naman naitatapon ko na lang iyon. Hindi ako gumagamit ng birth control pills. “Ako ang unang nagtanong, you should be the one to answer first. Bakit kasama ng mga gamit mo ‘yan?” I asked. Ayaw niya pa ring ibalik ‘yon sa akin. Lalong dumilim ang facial expression niya. “Ayaw mo bang magkaanak tayo?” Bahagyang nalaglag ang panga ko. “Are you thinking? G-gusto mong mabuntis ako? We are not husband and wife anymore. Kung tutuusin nga ay bawal itong ginagawa natin. We are not married. Hindi tayo dapat nagtatabi sa

