KAHIT na hindi direktang sinabi sa akin ni Mr. Saldivar, malakas ang kutob kong nasa abroad pa si Ariyah. Ang ibig sabihin ay wala siya rito sa bansa. Dapat ay natutuwa ako. Dapat ay panatag ako. Dapat ay wala na akong iniisip o inaalala pa, ngunit patuloy na mayroong bumabagabag sa loob ko. Pakiramdam ko ay lumiliit na ang mundong ginagalawan namin. Three days ang lumipas noong makausap ko si Mr. Saldivar sa mall, and I will admit na hindi tinantanan ng kaniyang mga sinabi ang isipan ko. I don’t know what kind of affection he had for his wife para bantaan niya ako na magkakagulo kaming lahat. Ang banta niyang iyon ang nagpawala ng tapang ko na kausapin si Ariyah. He’s obsessed. He looked so dangerous. Ramdam ko sa madilim niyang presensiya ang galit. Kalmado man siya ay para bang may n

