TAHIMIK lang ako at pigil ko ang papabagsak kong mga luha habang minamaneho niya ang kaniyang sasakyan. Ang dila ko ay pipi at ang bibig ko ay nakatikom. I locked my gaze on the road, refraining myself from looking at him on my right side. Hindi ko yata kaya siyang tingnan ngayon. Baka bumuhos ang emosyon ko at hindi ko na mapigilan ang mga luha ko. Tila ako nakatanggap ng malalakas na suntok nang marinig ko siyang mayroong hinahanap na iba. Para akong binubugbog at ginagapos. Sobrang bigat, sobrang hirap, at sobrang sakit pa rin pala. At ang mga sugat ko, agad niyang sinariwa. May plano pala siya, at wala siyang balak na ipaalam iyon sa akin. Nagagalit ako, natatakot at nangangamba. Ngunit sa kabila ng mga dinadamdam kong iyon ay mas pinili kong tumahimik muna. Sinusubukan ko ngayong l

