Simula

2471 Words
I was smiling weakly behind my mind as the sound of my heels against the smooth tiles of the hospital hallway fed my ears. Padagdag nang padagdag ang nararamdaman kong kaba habang pilit kong hinahakbang ang aking mga paa palapit sa silid na may numerong four-zero-four. Mag-iisang taon na rin noong huli ko siyang makausap. Simula nang matapos ang lahat sa amin ay wala na akong narinig na balita patungkol sa kaniya. And now, after one year of living a life without him, his family called me and told he got into a car accident. Wala akong ideya kung bakit kailangan ko siyang bisitahin gayong alam naman nilang natapos na ang kung ano sa amin noon ni Yosef. Sa totoo lang, ayaw ko siyang makita. Hindi ko gustong makita siyang masaya habang ako’y patuloy na nakikipaglaban sa lungkot at sa sama ng loob. Isinarado ko ang aking mga palad upang tanggalin ang lamig na namuo sa dulo ng aking mga daliri. Nanuyot ang mga labi ko kasabay ng mabagal na paninikip ng aking dibdib dahil sa magka-halong takot at pangamba habang inaalala ang huli naming naging pag-uusap noon. “I want an annulment.” Pigil-pigil ko ang aking paghinga pagkatapos lumabas ng mga katagang iyon mula sa aking bibig habang matapang na sinasalubong ng aking mga mata ang nagsusumamong tingin ng lalaking buong puso kong pinag-alayan ng pagmamahal. Hindi namin alintana ang ibang mga tao sa loob ng coffee shop kung saan namin pinlanong magkita at mag-usap. May sari-sariling mundo ang karamihan sa mga customer, ang iba’y tahimik na naghihintay at ang ilan naman ay mahinang naglalabas ng ingay sa pamamagitan ng masigla nilang pagtawa kasama ang mga mahal sa buhay. Walang naging imik si Yosef sa sinabi ko at nanatiling kalmado ang kaniyang mga kilay. Bukod sa nangungusap na emosyon ng kaniyang mga mata, nababakas din doon ang pagod at naghalo-halong emosyon na hindi ko kayang ipaliwanag. Those dark, gray eyes of him always have my heart skipped a beat. Ang mga matang iyon ang minsang nagbigay sa akin ng kasiyahan. Kapag nagliliwanag ang mga iyon, sumasabay ang pagkurba ng aking mga labi upang bumuo ng ngiti at kapag naman bumibigat ang mga iyon ay nagiging hudyat sa akin upang siya’y aluin. “You can’t just ask me to forget what happened,” I said firmly as I pinched my fingers in my left hand, tracing the wedding ring he gave to me on the day we vowed to each other. “It’s better for us if we part ways. H-hayaan mong maging masaya ako. Kailangan ko pa bang ulit-ulitin sa’yo? Hindi mo ba ako naiintindihan?” After I said those, the muscles in his jaw clenched before he tilted his head down. He dropped his eyes on the table between us and stuck his gaze on it. Mas malaya ko siyang napagmasdan sa mga sandaling iyon at doon ko lang napansin ang magulong ayos ng kaniyang buhok, may mantsa ang suot niyang puting T-shirt at may kaunting sira rin ang manggas no’n Habang tumatagal, hindi ko na makilala sa kaniya ang lalaking labis kong pinagkatiwalaan. Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Wala akong panahon para makaramdam ng awa sa lalaking hindi naiiba sa aking ama. Nangako ako noon sa aking sarili na hinding hindi ako hahanap ng lalaking gaya niya na palaging pasakit lamang ang ibinibigay sa amin. Itong nararamdaman kong bigat, mawawala lang ang lahat ng ito kung mawawala siya sa buhay ko. Napatingala akong saglit upang sawayin ang nagbabadyang luha na pumaligid sa aking mga mata. Alam kong hindi siya makikinig, alam kong wala siyang sasabihin katulad ng mga nakaraan naming pagkikita; alam ko rin na wala akong ibang maririnig sa kaniya kundi ang paghingi niya ng tawad. At hindi ko kayang tanggapin iyon sa kabila ng sakit na idinulot niya sa akin. I tightened my hands into fists for a couple of seconds. Sa ilalim ng mesa, inalis ko sa aking daliri ang suot kong wedding ring. Without a single minute, I placed it on the surface of the table, and the sound of it caught his attention. “I can’t stand being your wife anymore, Yosef.” Pain crossed his eyes as well as the regretful expression that his face failed to hide. Nagtaas-baba ang kaniyang adam’s apple, ang gilid ng kaniyang mga mata naman ay namula dahil sa pagpipigil ng luha dahilan upang maging mailap sa akin ang paningin niya. “Wala akong planong magsayang ng oras kasama ka. If you don’t have anything to say, I’ll assume na pumapayag ka na.” Sinimulan kong ipunin sa aking mga hita ang dala kong hand bag at cellphone. Sa katunayan ay wala akong ideya kung ano ang nararamdaman ko. Para akong nasa makipot na tulay na kahit mahirap apakan ay kailangan ko pa ring tawirin. Kung hindi ko itutuloy, mananatili ako sa dilim at ang paglayo lamang sa kaniya ang nakikita kong tamang gawin. “I will look forward to your presence next week,” I stated, pinanood niya ang ginawa kong pagtayo. “Hindi na ako ang makakausap mo sa susunod. I will advise my attorney to get this thing done as soon as possible.” Hindi na ako umasa pang magsasalita siya ngunit bago ako tumalikod ay tuluyan siyang napa-tungo at napailing. I can’t give him a chance. Walang katumbas ang bagay na ginawa niya sa akin. I trusted him, lahat-lahat ay ibinigay ko! Inumpisahan ko ang aking paglalakad palayo sa kaniya ngunit kusang napatigil sa paghakbang ang aking mga paa nang sambitin niya ang pangalan ko. “Leal,” usal niya gamit ang malalim ngunit basag niyang boses. Mahigpit kong pinagbawalan ang aking sarili na lingunin siya. “Huwag hiwalay, Leal. Huwag annulment. Huwag ganito. Hindi ko sinasadya.” Umiling ako. “Let’s see each other at the next hearing. Pagkatapos no’n, hindi mo na ako guguluhin,” mahigpit kong pakiusap. Using my remaining courage, I gripped the handle of my bag tightly and walked out from the coffee shop, away from him. We have known each other for seven years and I was happy that our marriage lasted five years which is not bad for the thing they called arranged marriage. Kahit pa naging mabigat ang huling dalawang taon namin ay aaminin ko pa rin na sa loob ng buong pagsasama namin ay nagawa niyang iparamdam sa akin na mayroon akong kakampi. With him, I feel loved and protected. I had finally found someone who knew me better than I knew myself. Siya ‘yong kaisa-isang taong nakita ang halaga ko. Siya rin ‘yong taong hindi nagdalawang isip na iparanas sa akin kung gaano kasaya ang magmahal at mahalin. I fell in love with him, with the man I thought I was going to spend the rest of my life with. He wasn’t only my husband before, but also, he became my best friend and my family who stayed beside me. But life really sucks when it hits you so hard. I never expected the moment when we finally freed each other’s hands because I imagined only that death would part us. I loved him so much, but not until he broke his vows in my very own eyes. “Leal.” Nabasag ang mga ala-ala kong iyon nang marinig ko ang malambing na boses ng babaeng bumigkas sa pangalan ko. Napatunghay ako. Nanatiling tikom ang aking bibig habang walang imik na nakatingin ngayon sa dati kong mother-in-law na walang ginawa noon kundi ang paulanan ako ng pagmamahal na kailanman ay hindi ko naramdaman sa aking sariling ina. “Thank God! You came, Leal!” I didn’t manage to step backward when Mrs. De Cordoval gripped my two hands and squeezed it with enough warm. Maingat niya ring hinawakan ang magkabila kong pisngi at inimis ang mga nakawalang hibla ng aking buhok na kumalat sa aking mukha pagkatapos ay inayos ang kwelyo ng suot kong blouse. And then I noticed the closed door behind her. It was the room with four-zero-four number. I bit the inside of my bottom lip. Sa isiping naroon si Yosef sa loob no’n, parang may kung anong pauilt-ulit na kumukurot sa buong kalamnan ko. Lumunok ako nang dumoble ang paninikip ng paghinga ko. “Akala ko ay hindi ka na darating, anak. Nagugutom ka ba? Nagpadala ako ng almusal, kumain ka muna,” aniya upang kunin muli ang aking atensiyon. Hindi man ako mapakali ay nagawa ko pa ring umiling upang tanggihan ang inalok niya. “S-sasaglit lang naman po ako katulad ng napag-usapan natin noong nakaraang linggo,” sambit ko habang kumukuha ng karagdagang kumpiyansa sa sarili. “Wala po akong balak na magtagal dahil . . . dahil may ibang bagay pa po akong aasikasuhin.” Tumango ang ginang at marahang nagpakawala ng hininga. “We are very sorry, Leal, kung pati ikaw ay naaabala namin nang ganito,” aniya. “Last week, nang sabihin namin sa’yo na hinahanap ka niya, that was true, Leal.” “Hindi ko po maintindihan,” naguguluhang sambit ko. “He’s enjoying his life now with the woman he really wanted that’s why I can’t think of any reason why do I need to come here and see him,” I added. Bumakas ang pagtutol sa mukha ng ginang. “Leal, my son still loves you.” Nang marinig ko iyon ay kusa akong nagbaba ng tingin kasabay ng pagbawi ko ng aking kamay mula sa kaniya. Mixed emotions filled my chest. My tongue abandoned me the moment I planned to oppose it. No one can prove his love for me, even him. Kahit na paulit-ulit niyang ipinaramdam sa akin noon na mahal niya ako, hindi ko na magawang sabihin at paniwalaan na totoo ang lahat ng iyon. He doesn’t love me, he didn’t! Pineke niya lang ang pagmamahal niya sa akin noon! Pinaglaruan ng aking mga daliri ang manipis na strap ng shoulder bag na naka-sukbit sa akin. Nanligid kaagad ang aking luha. I don’t want to see him. Ayaw kong manariwa na naman ang sakit at ang mga alaalang gabi-gabi akong hindi pinapatulog. Nandito pa rin ‘yong sakit, nakatago, nag-aabang at naghihintay na muling atakihin ako. I shook my head. Kasabay no’n ang biglaang pagbukas ng pinto at maging si Ma’am Helina ay napa-lingon sa babaeng nurse na lumabas. Nagsarado kaagad iyon ngunit hindi naka-takas sa aking pandinig ang nagwawalang ingay sa loob na para bang mayroong nag-aaway. “Hindi ninyo ako naiintindihan! I told you that I don’t need these f**k*n’ medicines! Bakit ayaw niyong ipakita sa akin ang asawa ko?! Nasaan si Leal?!” Ilang sandali akong nabingi nang magpaulit-ulit sa akin ang boses na nagmula sa loob. Wala sa sarili akong napa-usal, “What’s really going on?” Hindi naka-imik ang ina ng dati kong asawa. Nanatili lamang siyang nakatingin sa akin na para bang nagdadalawang isip na sabihin kung ano talaga ang nangyayari. Muling nagbukas ang pinto. Hindi ko nagawang batiin ang isa sa mga pinsan ni Yosef dahil kusang napako ang aking mga mata sa pigura ng lalaking nakaupo sa hospital bed, sumisigaw ito at nagwawala habang awat-awat ng dalawang lalaking nurse. “I f*****g want to see her!” “Wala namang masamang nangyari sa asawa ko, ‘diba? You told me that she’s not with me when the accident happened pero bakit hanggang ngayon wala pa rin siya?” “Ginagago n’yo ba ako, ha?!” “Malapit nang mabaliw ang isang ‘yan kung hindi ka pa magpapakita,” malamig na turan ng pinsan niya pero hindi ko na iyon pinagtuunan pa ng pansin. The only thing my mind want to put focus is on the man who’s almost begging to see the person he was looking. And I knew, it was me. Breathing became hard for me when I saw my ex-husband for the first time in a year after our annulment. There are bandages wrapped around his head and even though I am far away from him, my eyes didn’t fail to see the bruises and small cuts on his face. “I want to see my wife. Kahit saglit lang, kahit isang minuto lang. Payagan ninyo ako.” Napatakip na ako ng bibig at pansamantalang na-blangko ang isip. I’m not his wife anymore! We got annulled! I planned to step back, but then, his cousin beside me knocked the open door of the room to draw his attention. Goosebumps invade my skin when his head slowly turned to my direction. His eyes caught mine. I swallowed hard when his facial expression softened. Nang maging kalmado siya ay nagkaroon ng pagkakaton ang mga nurse na ayusin ang natanggal na swero sa kaniyang kamay. Wala siyang naging pagtutol doon dahil sa akin natuon ang buo niyang atensyion. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko na para bang mayroon siyang sinisiguradong bagay. Ako naman ay hinayaan siyang gawin iyon kahit na naghuhurementado sa nerbiyos ang aking puso. Mas nahirapan akong huminga at tanging ang pigura niya lamang ang malinaw kong nakikita. After seconds, he sighed in relief. “Leal.” I have to bite the inside of my bottom lip when I heard his deep voice again to poke myself. He held out his right arm and gave me his priceless smile. “Come here. Ang tagal mo, nag-alala ako. Ang daming masakit sa akin. Ito oh, ang sakit,” sunod-sunod na sumbong niya habang itinuturo ang kaniyang mga natamong sugat. “Ang sakit-sakit.” I remained still. Hindi ako nagbigay ng anumang responde sa kaniya. When I didn’t return his smile, bigo niyang ibinaba ang kaniyang kamay at mabilis na napawi ang kaniyang mga ngiti sa labi. Hindi ako makapaniwalang makakaya ko muli siyang tignan nang ganito. “Leal, I’ve missed you. Bakit hindi ka lumalapit sa akin?” Tinangka kong ikuyom ang aking mga kamay ngunit maagap iyong pinigilan ni Ma’am Helina upang patagong humingi ng pasensiya sa akin. Nang tignan ko naman ang pinsan niyang si Kuya Justus ay umiwas lang ito ng tingin at lumayo sa gawi namin. Wala akong naging ibang choice kundi ang humakbang palapit sa kaniya, dala-dala ang magkakahalong awa, galit at pagtataka. I don’t really understand. This man caused me a lot of pain. He betrayed me. Galit ako sa kaniya, galit na galit ngunit bakit nararamdaman kong parang tinutunaw iyon ng awa? Bakit pakiramdam ko ay ibang iba siya sa Yosef na kinamuhian ko noon? “Yosef,” I uttered his name with a broken voice. When I stood up beside his bed, hindi na siya nagsayang pa ng segundo upang kunin sa akin ang isa kong kamay. Sabik niya iyong pinisil at hinalikan pagkatapos ay mariing idinikit sa kaniyang pisngi katulad ng nakasanayan niyang gawin noon. Hindi ko namalayan, binabaha na pala ng luha ang aking mga mata. “Leal, baby . . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD